After ng klase, tumambay muna kami nila Tracy sa Unknown. Poker face nanaman sila. Bakit naman?!
"Ano ba yang mga mukha nyo? " tanong ko. Kasi daig pa ang intsik sa pagkapokerface.
"Wala lang. Trip lang namin. " sabi ni Luke
" Kilala ko kayong apat guys, hindi kayo basta-bastang nagpopokerface dyan. Bakit nga? " tanong ko. Nagkatinginan muna sila at sinabi nilangg, "Ikaw! " E?? Ano naman problema nila sa akin?!?
"E? Bakit naman ako?!? " tanong ko.
"Ikaw kasi umiiwas ka na sa amin e. " sabi ni Alice. Nagulat naman ako sa sinabi nya.
"Ano ba kayo?!? Busy nga lang ako. " sabi ko.
"Ano ba kasi yang ginagawa mo kung bakit busy ka? " tanong ni Tracy. Sinabi ko sa kanila kung bakit busy ako simula nung sa insidente nila Trisha. Napa-AH nalang sila.
"Bakit di mo sinabi sa amin? " tanong ni Luke
"Oo nga Shekinah, pwede naman kaming tumulong sa iyo e. " sabi ni Leo. Minsan lang yan magsalita.
"What are friends five Shekinah? Wag mong itago sa amin yang ginagawa mo. " sabi ni Tracy.
"Pwede naman kayo tumulong e, kaso hindi natin alam kung ano talaga yung nangyari. Kaya ako muna ang gagawa nyan, pero sasabihin ko nalang sa inyo kung tutulong na kayo. " sabi ko. Agree naman sila. Nagkuwentuhan muna kami hanggang sa maubusan ng topic.
"Alice, ihatid mo ako. " sabi ko kay Alice. Tumango naman sya. Nagpaalam na kami sa isa't-isa. Then habang hinahatid ako ni Alice, nagtanong ako.
"Alice, pwedeng magtanong? " tanong ko sa kanya.
"Nagtatanong ka na e. :3 " sabi nya. Pilosopo!!
"Yung sinabi kong sikreto sayo a? Wag mong ipagkalat. Baka habang busy ako, ipinagkakalat mo sa kanila lalo na sa kanya. " sabi ko sa kanya.
"Oo. Promise ^^v " sabi nya. Sinabi ko kasi yung tungkol kay... Leo.
FLASHBACK
New Year's Eve na. 1 year na kaming barkada. 2 hours nalang, 2014 na! Habang hinihintay namin ang countdown, nag-usap kami ni Alice.
"Alice, mag-usap tayo sa kwarto ko. " sabi ko sa kanya. Tumango naman sya. Nung nasa kwarto na kami, nag-usap na kami about my topic ."Alice, kaya bago mag-2014, magsabihan tayo ng sikreto. " sabi ko sa kanya.
"Sige, ikaw muna " sabi nya. Kailangan ko ba sabihin sa kanya na... crush ko si Leo? Okay lang na sabihin ko yung sikreto ko sa kanya, kasi bestfriend ko sya. Pero pinagkakatiwalaan kaya sya? Nag buntong-hininga muna ako at sinabing, "Alice, wag mo tong ipagkalat a? Ikaw lang kasi ang sasabihan ko about that. "
"Oo naman. Ako pa. " sabi nya.
"Uhm... crush ko kasi si Leo. " sabi ko
"Ganun. " sabi nya.
"Basta wag mo tong ipagkalat a? Kundi hindi magtatagal ang pakikipagkaibigan natin. " sabi ko.
"Oo. Promise. " sabi nya
END OF FLASHBACKNasa tapat na ako ng bahay namin. Then nagpaalam na si Alice saken, pinaalala ko muna sa kanya yung kanina bago sya tuluyang umalis.
Pagkapasok ko palang ng bahay namin, nandun ang mga kagroupmates ni Lorraine, hindi pa nila alam na nandito na ako, kaya naririnig ko ang usapan nila. Kilala ko na yung mga kagroupmates ni Lorraine, twice a week kasi sila naggugroupings dito.
BINABASA MO ANG
10 Hours
Teen FictionMerong isang girl na ang lahat ng ginagawa nyang bagay ay laging may sampung oras, pero hindi naman lahat. Pero tungkol sa pag-ibig at sakit ng nararamdaman nya, ano nga ba ang dahilan? Ito ba may may kaugnayan sa 10 Hours? Read this story <3 :)) ☺☺