Pagkatapos nyang mag-introduce, umupo sya dun sa vacant seat sa tapat ko. So Trisha pala pangalan nya. Gusto ko syang maging kaibigan, pero hindi ko magawa, baka hindi pa sya nakamove-on dun sa Unknown.
Habang nagtuturo si Ma'am about outer space blah blah blah, tumingin ako kay Trisha. Medyo okay na sya kaysa nung nasa Unknown sya. Pero ano talaga ang nangyari sa kanila nung oras na nag-aaway sila sa Unknown? Kung wala sila, hindi ako magkakaganito, mas nagiging makatarungan ako kaysa sa dati.
Recess na, habang nagkukwentuhan kaming mga PENTASTALL, nagtanong ako sa kanila.
"Guys, may tanong ako sa inyo. " tanong ko sa kanila, bigla silang nag-focus sa akin. E? ganyan talaga sila.
" Eto na . Ano yun?? " sabi ni Tracy
" Ano yung first impression nyo kay Trisha? " tanong ko, nag-isip muna sila, at si Tracy muna ang sumagot.
" Para sa akin, tahimik sya, may pagkanerd ng konti. " sagot ni Tracy. Pansin ko nga, medyo nahiya sya kanina nun after nyang mag-introduce. And parang nerd kumilos pero hindi naman sya nerd :/
" Uhm, sa akin naman, famous sya. " sagot naman ni Alice. Pansin ko nga rin, baka kaya tahimik kasi baka famous siya :o
" Ako, lahat ng positive attitude nasa kanya. " sagot ni Luke. Pansin ko rin, siguro lahat ng characteristics, lahat Outstanding :))
" Ako naman, parang Study First to ngayon. " sabi naman ni Leo :)), parang hindi ko pansin n Study First sya, kasi naaalala ko nanaman yung sa insidente dun sa Unknown.
" Bakit mo naman natanong? " tanong ni Tracy sakin :))
"Wala lang, tinatanong ko lang naman, masama bang magtanong??? " sabi ko. Nagsisimula nanaman sila e :3
"Guys, tambay naman tayo sa Unknown. " yaya ni Luke
"Sorry guys, busy na ako simula ngayon. " sabi ko. Nagulat naman sila sa sinabi ko.
"Bakit naman????!! " sabay na sabi nilang apat. Wow?! Sabay talaga sila a :D
"Basta may gagawin akong napakaimportante " sabi ko
"Sige!! Ganyan ka na e! Lagi kang walang time samin -_- !!! Ano ba nakain mo at busy ka na lagi ngayon ??! " sabi ni Alice. Grabe naman -_-
" Ano ba kayo!! Anong lagi, e ngayon nga lang ako magiging busy e :3 " sabi ko.
" Oo na. Ganun na din yun. " sabi ni Tracy. Nagpout ako.
At ipinagpatuloy na namin ang pagkain baka magbell pa, habang kumakain kami, naglalakad si Eliza papuntang counter, at pinapanuod siyang bumili. Biglang dumating sa tabi ni Eliza si Ashton na nanghihingi ng sorry, isnob lang siya ni Eliza. Nakita ko sa reaksyon ni Ashton ang pagsisisi, bakit naman kasi siya nakipagbreak kay Eliza? E, para naman talaga sa kanya yung ginagawa nun ni Eliza, pero alam nya ba? Ang pakiramdam ko ngayon ay naalam na niya tungkol dun sa ginagawa ni Eliza ngayon, kaya nanghihingi sya ng sorry kay Eliza. Masyado naman atang mabilis ang pangyayari. Pero hindi parin ako magbabago.
After ng Recess, T.L.E. na, habang wala pang teacher, lumapit ako kay Eliza
"Okay ka na ba Eliza? " tanong ko kay Eliza
" Uhm.. okay lang ako. Btw, salamat nga pala kasi pinaalala mo sakin yung mga ginawa ko sayo dati :)) " sabi ni Eliza
"Basta kung ano ang tama para sayo, sundin mo :)) Btw, pansin ko lang kayo ni Ashton kanina, mahal mo pa ba sya? " tanong ko kay Eliza
"Uhm. Oo..... Hindi na, pero hindi parin mawawala ang nararamdaman ko para sa kanya. :( " sabi ni Eliza. Kung hindi pa sya nakakamove-on, edi ....
BINABASA MO ANG
10 Hours
Ficção AdolescenteMerong isang girl na ang lahat ng ginagawa nyang bagay ay laging may sampung oras, pero hindi naman lahat. Pero tungkol sa pag-ibig at sakit ng nararamdaman nya, ano nga ba ang dahilan? Ito ba may may kaugnayan sa 10 Hours? Read this story <3 :)) ☺☺