Entry #22

1.2K 50 8
                                    

A/N: Guys, panuodin nyo yung multimedia jan sa tabi. Tiyak ako namimiss nyo na sya kahit ako miss ko na sya. Maaaring may nakapanuod na nito at maaaring hindi pa napapanuod ng iba so just click and watch. Hue Hue. Love lots! Keep supporting this STORY. I LOVE YOU ALL! Muaps! Favorite ko tong kantang to. Hindi po akin yan so  CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER! XD ^_________________^

P.S: Voice out your opinions CHINGUYA!!!!! ^_______________^

Sehun's POV

Andito na naman ako sa park. Di ko alam kung bakit lagi na lang akong nakatambay sa park siguro dahil naaalala ko si Luhan kapag nasa park ako. Yung unang araw na nakita ko sya sa park. Lahat sa park nagsimula. Nakita ko sya nung minsan dito mismo sa park na'to kaya andito ako dahil nagbabakasakali ako na magkikita kami ulit. Pero aaminin ko, hindi ako natuwa dahil nakita ko syang may kasamang iba. Umin yung pagkakarinig kong pangalan nya. Sino kaya yun? Bakit sya kasama ni Luhan? Anong meron sa kanila?

Langya naman. Nag-iinit ang ulo ko kapag naalala ko yun. Madaya kasi eh. Nakakasama nya si Luhan tapos ako mukhang iniiwasan pa nya. Ano ba talagang nangyari saming dalawa? May nagawa ba talaga akong mali? Dahil sa pagkakaalam ko, wala naman talaga akong nagawa?

Napatingin ako sa paligid. Andito na naman sila. Yung dalawang bata na nag-aaway nung minsan. Ang kaibahan lang ngayon, hindi na sila nag-aaway at sobrang saya na nila. Iba yung kislap sa mga mata nila, makikita mo yung saya. Napapangiti ako sa nasasaksihan ko. Sana ganyan din kami ni Luhan. 

Naramdaman ko ang biglaang pagbagsak ng aking luha. Bakit ako umiiyak? Dahil ba sa sobrang namimiss ko na si Luhan? Dahil ba sa sobrang pangungulila ko sa kanya? Dahil ba hindi ko magawang makita syang nakangiti? Dahil ba hindi ko sya kasama ngayon? O dahil iniwan nya ako at pilit na iniiwasan? 

Kapag naiisip ko, lalong sumisikip ang dibdib ako. Ramdam kong nagsipagtakbuhan na ang mga taong nasa park at naghanap ng kanilang masisilungan. Napatitig na lang ako dun sa dalawang bata na pilit pinoprotektahan ang bawat isa gamit ang pagsilong sa kanilang mga palad. Nakakatuwa silang panuorin, habang hinahayaan ko naman ang sarili ko na mabasa na lang ng ulan kahit na patuloy lang ito sa pag-ulan ng malakas.

Naalala ko na naman si Luhan. Yung mga panahon na sya yung nasa ilalim ng malakas na ulan. Hinahayaan ang sarili na mabasa at malamigan nang dahil sa ulan. Yung mga panahon na ako ang naging tagapagligtas nya. 

Bakit parang umaasa ako na darating si Luhan katulad ng mga napapanuod ko sa TV, yung bigla na lang susulpot sa tabi ko at may dala-dalang payong. Yung sasabihan ako na sumilong lang ako sa payong nya para di ako magkasakit. Bakit parang umaasa pa rin ako?

Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo, pero pagkatayo ko, biglang tumigil ang ulan dahil sa isang payong na kinasisilungan ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ito na ba yun? Sya na ba to? Si Luhan na ba to? Ang magliligtas sakin sa malamig na ulan na ito? Ang magbibigay sakin ng pag-asa na babalikan nya ko?

Unti-unti kong inilingon ang aking ulo sapat para makita kung sino ang may hawak ng payong. Sa paglingon ko, hindi ko inaasan ang nakikita ko.

Luhan's POV

Patakbo akong lumapit sa kinalalagyan ni Sehun. Mejo malayo pa ko mula sa kanya pero nakikita ko na agad sya. Bakit sya nakaupo lang jan? Bakit hindi sya tumakbo tulad ng iba para makasilong? Tanga ba to? Gusto nya bang magkasakit?

Takbo pa din ako ng takbo hanggang sa napatigil ako dahil sa nakita ko.

Tama ba to? Sya ba to? Sya ba to? Akala ko ba??

Parang napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakikita ko ngayon. Bakit sya nandito? At anong ginagawa nya?

Sa sobrang inis ko, napasabunot na lang ako sa buhok ko.

Bakit nya hawak-hawak ang kamay ni Sehun? At bakit hinahayaan nya lang lahat ng iyon?

Hindi makaya ng mga mata ko ang nakikita ko. Sobrang sakit dito, habang hawak-hawak ko ang dibdib ko. Tumalikod na ko sa kanila at nagsimulang maglakad palayo.

Malayo-layo na ang nalalakad ko, nang biglang.

"S-sandali lang L-Luhan."

Nakaramdam ako ng paghatak sa kamay ko dahilan para mapaharap ako at mapakap sa kanya. Kay Sehun.

"O bakit andito ka? Bakit mo iniwan si Tao mag-isa." tumingin ako sa kaninang pwesto nila kanina. PIlit kong tinatatagan ang sarili ko para hindi ako mapaluha sa mga nangyayari. Kahit ganito ako, may kahinaan pa rin naman ako.

"Sya ba? Wag mo na syang alalahanin." napabitaw naman ako sa pagkakayakap nya, nakita ko naman ang pagkakagulat nya. Anong wag alalahanin? Naalala ko bigla yung sinabi sakin ni Tao noon, na dati silang sobrang saya at nagmamahalan. Naisip ko na nagsisinungaling sya dahil gaya nga ng sinabi ni Xiumin, obsessed sya kay Sehun. Pero ano yung nakita ko kanina? Hindi bat isang patunay na iyon?

"Naggagaguhan na tayo dito. Kung sya talaga ang mahal mo, sya ang habulin mo, hindi ako." tingin ko, ano mang oras ay sasabog na ko sa nararamdaman ko pero pilit ko pa ding nilalabanan. Ang hirap pala. Ang hirap magpakaplastik.

"Kung sya nga ang mahal ko, bakit ikaw ang sinundan ko at hindi sya?" napatingin ako sa kanya ng diretso, hindi nagsasalita.

"Ikaw ang mahal ko Luhan."

Sa mga binitawan nyang mga salita, hindi ko alam ang mararamdaman ko, ito pa lang ata ang unang beses na sinabihan nya ako ng ganun, ang sarap sa pakiramdam. Hinayaan ko lang sya na yakapin ulit ako pero sa pagkakataong ito, mahigpit din ang pagkakayakap ko sa kanya.

_______________

XOXO,

^gelai^

141120

Yours (HunHan) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon