PROLOGUE

257 3 2
                                    

©2012 REMEMBER ME…PARIS

----

****PROLOGUE****

Dinilat ko ang mga mata ko, ngunit dilim ang una kong naaninag.Hindi ko alam bakit ako nandito puro sugat at masakit ang buong katawan ko. Wala akong nakikitang tao. Gusto kong igalaw ang paa at mga kamay ko ngunit sadyang masakit. Wala akong maalala kung bakit napunta ako dito. Sinusubukan kong sumigaw pero parang walang lumalabas. Di ako makatayo o makagalaw man lang sa kinalalagyan ko. Bakit ako nakahiga dito. Para bang nasa hospital ako, na ako lang mag-isa. Wala akong naririnig kahit man lang galaw ng mga tao.  Naluluha na ako at natatakot dahil hindi ko alam kung buhay pa ako? Ano ba ang nangyari sakin? Nilalamig ako para bang pakiramdam ko may kasama ako dito ngunit hindi mga tao. Natatakot akong tanggapin at itanong sa sarili ko,PATAY na ba talaga ako? Pero naisip ko na buhay pa ako dahil nakakaramdam pa rin ako ng sakit, kaya dali-dali kung sinubukan tumayo sa kinalalagyan ko. Pero talagang napaka sakit at para bang may bali ang mga paa ko. Dahil wala na akong magawa ipinikit ko na lamang ulit ang mga mata ko. Sa pagpikit ko unti-unting pumapasok ang mga ala-ala ko. Bakit ganun ang daming tumatakbo sa isipan ko, mga pangyayari pero bakit di ko pa rin maalala bakit ako nagka-ganito. Puro masayang naganap sa buhay ko, biglang sumagi sa isipan ko ang isang nakaraan na muling nag-pamulat sa aking mga mata. Kahit masakit ang mga kamay ko sinusubukan kong igalaw, inuna kong alisin ang mga naka-kabit sa kamay ko. Sadyang masakit, tulad ng tumatakbo sa utak ko kasing sakit ng nararamdaman ko ngayon. Natanggal ko na ang mga nasa kamay ko. Sinu-subukan ko namang itayo ang kalahati ng katawan ko. Napapa-pikit ako sa sakit. Nang maitayo ko na ang kalahati ng katawan ko ,isaktong bumukas ang pinto  sabay sigaw

“ Liammmmmmm! Ano ka ba? Hindi ka pa ayos! Bakit tumatayo ka na. Anak! Humiga ka. Hindi ka pa pwedeng gumalaw dahil  di ka pa magaling. Tignan mo naman sariwa pa ang mga sugat mo”

“Ma, bakit ako nandito? Anong nagyari? Akala ko patay na ako? Akala ko? Basta! Walang tao, tapos iba pa ang pakiramdam ko”

“Liam,anak tsaka na tayo mag-usap at mapagaling ka na muna, dahil ang daming naghihimtay sayo?.... Nagmamahal. Ang dami na ngang gustong dumalaw sayo pero dahil naging kritikal ang kalagayan mo, di muna pumayag ang mga Doctor mo”

Muli akong humiga at may tanong na tumatakbo sa isipan ko ngunit nag-aalangan akong itanong ito sa aking mama. Pero talagang hindi ko mapigilan.

“Ma? Dumalaw naba o kahit dumaan lang man o kahit nagpadala lang ng fruits, flowers or kahit letter lang si ………….”

Biglang tumalikod si mama at lumabas ng aking kwarto. Nagulat ako sa kawalan ng tugon ni mama.  Kaya tumahimik nalang ako at  tumigin sa full glass window sa room ko. Nakita ko yung isang napaka-liwanag na bituin at doon di ko na napigilan tumulo ang aking luha. Dahil talagang naaalala ko pa rin ang babaeng minahal ko noon at hanggang ngayon. Kaso tulad siguro nang nakakarami, isa siguro ako sa patuloy na umaasa na ang bawat isa ay may nakatakdang mag-mamahal. Sa tamang panahon, minsan nga nandyan na di lang natin pansin or yung iba naman na sayo na pinakawalan mo pa…

“Lahat ng ginusto ko nakukuha ko, minsan nga sobra pa. Pero bakit pag umiibig tayo, natututo tayong maging corny. Ginagawa natin lahat ng bagay na di natin inakalang magagawa natin pagdating sa pag-ibig. Pero hindi lahat ng ginagawa natin sapat, kadalasan palaging may kulang. Minsan mapapa-isip ka pa nga, mahal ba nya ako o mahal nya yung pagmamahal inshort INFATUATION.Haha. Ikaw ano na bang nagawa mo pagdating sa pag-ibig. Nagpaka-tanga ka na ba yung tipong ginagawa mo na lahat but in the end, it’s useless.  Magpaka-totoo ka nga, diba pag love nagiging ibang tao tayo. Di ba dude!”

Remember Me, ParisWhere stories live. Discover now