*pagpasok ng room as always.. naka earphone, tingin sa sahig, ganda gandahan, ilalapag ang bag at lalabas ulit ng room.* bakit ba? eh may sarili kasi akong mundo..ayan may prof na, mag mamagaling na ko! feeling matalino muna tayo since wala naman akong kadaldalan ngayon!
*okay class tinatamad na ko magturo kaya next meting nalang ulet! gora na guys!*
MC21: (wooh! thankyou sir!) (beh peram pulbo! babalik ko din) (tara sm!) (tara lande!)
ganyan ang klase ko :) Sa wakas uwian na.. may sarili nanaman akong buhay. mag aantay ako hanggang 6pm kasi may training pa ko ng sayaw. naging member kasi ako ng dance troup sa university namin. ewan ko ba.. nag inarte lang naman ako sa stage nung audition tapos natanggap ako. haha hayaan na natin yun ang mahalaga ngayon kung anong kakainin ko.
-- 6PM --
*GUYS! WARM UP NA!*
okay eto nanaman po tayo.. magpapawis hangang sumuka ng dugo! syempre joke lang gusto ko to e. kaya push ko nalang, nakikita ko pa si fafa joey kaya heavy ang pagmamaganda ko para lang maakit sya. since muka nga akong kawayan wa epek ang pag aura ko sakanya! (sigh)
-- 10PM --
*AMEN! TGUF! BYE GUYS! INGAT PAUWE*
gaya nga ng nabasa mo.. uwian na. at oo 2hrs ang byahe ko pauwe.. mag isa at mukang nagahasa dahil sa sobrang pagod. goodnight!