Chapter 6: Start of her tests

201 4 3
                                    

Jessie's POV:

Sobrang inis ko kay Taecyeon grabe siya ang kapal talaga ng mukha niya. Kung hindi ba naman kasi niya ginamit yung mukha niyang nagtatanong edi sana hindi ko siya sinagot ng pabulong! Ugh ngayon makikita ko nanaman siya habang naglalakad ako papuntang school. Oo naglalakad lang ako kasi ayaw ko makita agad ung mukha niya pagkapasok na pagkapasok ko ng school!

"Ay pusang nalaglag sa dingding!" gulat kong sinabi.

"Wala namang nalaglag na pusa ah? Tsaka panong magkakaron ng dingding dito? Puro puno? Baliw ka ba?" sabi naman ni Taecyeon sakin.

Aish! Ang aga-aga siya agad nakita ko. Nakakainis lang ha! Bigla nalang kasi nanghahawak sa balikat e! Nakakainis lang. Hindi naman kasi dapat ganon. Ayoko na talaga uminom ng kape grabe na ang gulat level ko pag hinahawakan niya ako ng bigla! Err nakakainis talaga!

"E kung bakit ba naman kasi ang hilig mong gulatin ako diba? Hindi naman kasi dapat nang-gugulat ng tao e! Nakakainis ka." sabi ko.

"Ang aga-aga! Init agad ng ulo mo. Ito ang way ng pagbati ko sayo PUSA!" sabi ni Taecyeon

Aba?! Oo nga naman medyo may pagka mukha nga ako sa pusa. Pero kailangan niya pang sabihin?! Aish nakakairita na talaga tong lalaki na 'to. Baka mamaya masapok ko na ito e!

"Ako pusa?! E ano ka pa?! KALABAW ka na nga HALIMAW ka pa! Hindi mo ako dapat ginugulat! Tsaka isa pa close ba tayo para ganonin mo ako? Nakakainis ka na ah!" sabi ko

"KALABAW pala ha? E bakit sinabihan mo akong pogi? Okay na sa akin na maging kalabaw MO pero pogi naman." Taecyeon

Hindi ko alam kung anong pumasok sakin pero napasmile ako nung sinabi niyang kalabaw KO siya. Oo alam ko namula ako buti nalang natakpan ng blush on ko. :"> Kasi naman! Kung ano-ano pinagsasabi ng kalabaw KOng to. Okay? May possessiveness na nagaganap? Ugh! Sige na I give in. Pero hindi ko sasabihin sa kanya na may gusto ako sa kanya. Eeesh.

"Eeesh napaka mo! Hindi ka pogi pero kalabaw ka talaga.....sarili kong kalabaw." Jessie

"Oo, sayong sayo lang tong kalabaw na to. Haha pero pusa naman kita! Ara?" Taecyeon

A Princess with a Cold Heart [[ON GOING]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon