“Piggy piggy oink oink! Nasan ka na!?” ganyan nila ako tawagin araw-araw. Tuwing naririnig ko yan ang sakit sa puso na dahil sa mataba ako aapihin nila ako. At dahil din dyan naging mahiyain ako at mababa ang tingin ko sa sarili ko. Pero kahit may mga tao na gumaganito sakin pinipilit kong maging matatag dahil na din sa mga kaibigan kong sumusuporta sa akin. Nang mga panahon na ito kasi 160 pounds ako, sobrang taba ko talaga.
Hindi ko nga inaakala na makakahanap ako ng mga tunay na kaibigan. Grade 6 ako nang naranasan ko lahat yan, pero kahit sa loob-loob ko gusto ko sila gantihan hindi ko magawa, binabangga kasi ako ng konsensya ko. At dahil na din sa mga dinanas ko dati sinikap ko na pumayat every year para mapatunayan ko sa kanila na hindi habang buhay aapihin nila ako at ipapakita ko sa kanila na hindi ako ang dapat mahiya kundi sila.
Oo nga pala chika ako ng chika hindi pa ako nagpapakilala, im Breeana Isabel Alvarez, 15 years of age, 3rd year high school, 140 pounds. May mga best friend ako for almost 6 years, bff na kami since grade 5 kaya parang sisters na din kaming tatlo. She’s Kim Aquino, maganda, matalino, mabait, sexy pero suplada kaya wala naglalakas loob na manligaw sa kanya, and Niña Aquino, magkapatid sila ni Kim pero magkaiba ng mother pero kahit ganun sobrang close pa rin nila, maganda din siya, mabait, sexy pero hindi masyadong matalino, siya ang super habulin ng mga lalaki kahit saan kami pumunta head turner siya. Actually apat kami, yung isa ay si Leo Mercado pero may nangyari…
PAVOTE PO :) SALAMAT :)
YOU ARE READING
Don't judge a Girl by her Belly
Teen Fictionhindi habang buhay masasaktan ka, darating din ang araw na magiging masaya ka. READ nyo na lang po :)