Jaycee: bakit ka ba ganyan sakin?
Breeana: tinanong mo pa!? eh ano kaya ginawa mo sakin!? Tapos magtatanong ka ng mga ganyan ngayon!? Lalo mo lang sinabi sakin na hindi ka karapat-dapat patawarin
Jaycee: okay sorry Bree, alam mo naman na gusto pa rin kita kaya nagseselos ako tuwing nakikita ko kayo ni Sean na masayang magkasama na dati tayo ang ganyan.
Breeana: hindi ko na kasalanan yun, okay!? Kung maging kami man wala ka na pakielam!
Jaycee: hindi mo kilala ang Mama ni Sean! Ayaw nya na magkagirlfriend si Sean hanggang hindi pa nakakagraduate kaya hindi ka rin magiging masaya sa kanya!
Breeana: para kang bata Jaycee, kahit ano sabihin mo wala ka naman magagawa.
Jaycee: hindi magiging kayo! Tandaan mo yan Bree!
Breeana: baliw ka na Jaycee. Uuwi na ako, wala man lang sense yung pinag-uusapan natin
Hinawakan ni Jaycee ang kamay ni Breeana para hindi ito umalis pero hinila ni Sean si Breeana kaya napabitaw si Jaycee…
Jaycee: Ano tingin mo sa sarili Sean!? Super Hero!?
Sean: Masyado kang isip bata, magkakaanak ka na naghahabol ka pa ng iba!
Sabay suntok ni Jaycee kay Sean…
Jaycee: wag mo ko pinagsasalitaan ng ganyan! Baka makalimutan kong pinsan kita!
YOU ARE READING
Don't judge a Girl by her Belly
Fiksi Remajahindi habang buhay masasaktan ka, darating din ang araw na magiging masaya ka. READ nyo na lang po :)