Breeana: Edi bahala sya. Tatlong babae sa buhay nya ang mawawala dahil lang dun.
Kim: Wala naming ganyanan Bree. Saka hindi naman gagawin ni Leo yun noh, ang tagal-tagal na natin magkakasamang apat.
Breeana: Bakit mo naman pala natanong yan Niña?
Niña: Wala naman. Masama ba magtanong?
Kim: hindi naman sis kaya lang bigla ka na lang nagtatanong ng ganyan.
Breeana: May nalalaman ka ba o may nakita ka?
Niña: Ay! Wait lang may tumatawag, sagutin ko lang
Kim: Hayaan mo na lang sya Bree, may saltik na naman yan.
bakit kaya bigla natanong ni Niña yun? May nalalaman kaya sya? Puro yaan lang ang tumatakbo sa utak ni Breeana
Kim: This is it na Bree. Sasagutin mo na si Leo. Nasan na ba yung lalaki na yun?
Niña: Nakita ko sya kanina, palabas ng room nila. Nagcutting ata.
Kim: Saan naman kaya pupunta yun? Saka di naman nagkacut ng class yun ha. Nangyari dun?
Niña: Baka may pupuntahan na…
Breeana: Pupuntahan na ano?
Niña: Mali yung tanong mo Bree. Ang tama ay SINO ang pupuntahan nya.
Kim: Ano ba sinasabi mo!? Magsabi ka nga ng totoo samin! Ano ba talaga alam mo?
Niña: Edi pumunta tayo sa Coffee Shop nila Katrina ng malaman nyo.
Kim: Katrina? Yung muse ng section 3?
Niña: yup.
Breeana: Ano naman meron dun?
Niña: Edi pumunta na lang tayo nang malaman nyo.
Kim: Edi tayo na! Gora na!
Katrina’s Coffee Shop
Pagdating nila sa Coffee Shop pumasok sila agad at nakita nila si Leo at Katrina magkasama. Kaya nilapitan nila agad ito.
Kim: Hey! Hey! Hey! Pakapalan na lang tayo nang mukha ngayon Leo!? Paholding-holding hands pa kayo ha, sobrang sweet! Sa sobrang sweet nakakaumay na!
Leo: Kim, hayaan mo muna ako magpaliwanag.
YOU ARE READING
Don't judge a Girl by her Belly
Teen Fictionhindi habang buhay masasaktan ka, darating din ang araw na magiging masaya ka. READ nyo na lang po :)