Chapter 4

45 0 0
                                    

Nakatingin sa kawalan si Elle ng tapikin siya ng sekretarya. Nakatingin sa kanya ang lahat ng board members pati mga representatives ng mga ibang investors at hinintay ang sagot niya. Napakunot ang noo niya at bumaling ang tingin sa sekretarya. Parang nahihimigan na ni Marisol na hindi niya alam ang tanong kaya ibinulong sa kanya ni Marisol ang tanong ni Mr. Chan tungkol sa success ng proyekto.

Naging successful ang party na idinaos niya at gaya nga ng kanyang inaasahan ay dudumugin ng mga investors ang ideayang iyon. Napangiti siya sa matangdang intsik saka nagsalita.

"Wǒ xǐhuan nàgè yànhuì" ani niya na ikinabigla ng board. Namangha ang mga ito na nakipagtagisan ng pakikipag-usap ito in Mandarin kay Mr. Chan. Ipinaabot lamang nito na nag enjoy siya sa party at masaya siya sa success nang party as she had expected. May ilang pang papuri siya sa matandang intsik na ikinatuwa naman nito.

Walang dugong Chinese ang dalaga ngunit dahil may matalik itong kaibigan na Chinese kaya ito natuto.

Nang matapos ang meeting na iyon ay lumabas agad siya ng  kumpanya. Bigla siyang nakadama nang pagkahilo ng makapasok siya sa loob ng sasakyan. Inabot niya ang bag at kinuha ang gamot at agad lamang lumunok ng isang kapsula at hindi na naghanap pa ng tubig. Nagiging madalas na ang pagsakit ng ulo niya dahil sa stress. Ilang gabi narin siyang hindi nakakatulog ng maayos at hindi narin nakakain ng maayos. Naging dramatic ang pagbaba niya ng timbang mula  ng huli niyang makita sa party si Rafael at sinabi ang lahat ng masasakit na salita sa kanya. Hindi na niya maalis sa isip niya ang binata  kahit anong gawin niya. Kahit sa kaligitnaan ng meeting ay na-uudlot siya sa sasabihin kapag may nauugnay sa kanyang mga sinasabi sa huling sinabi ni Rafael sa kanya. Ang nangyayari tuloy ay nagkakabulol at hindi niya matagpitagpi ang sinasabi. Mabuti na lamang ay naroon si Marisol at inaalayan siya.

Napapikit siya sa huling alalaala ng pag-uusap nila ni Rafael.

Naiwan siyang hindi alam ang gagawin sa mga sandaling iyon. Inabot niya ang pouch at inilabas doon ang cellphone upang tawagan ang secretarya.

" nasa rooftop ako. Ipakuha mo ang chopper , bilis!" ani niya sa kabilang linya. Ilang minuto ay naglanding ang chopper ng ECI sa rooftop nang hotel at ilang sandali ay  umangat muli para ihatid siya sa mansion ng kaniyang mga magulang.

Nadatnan pa niya ang kaniyang ina sa living room na nagsasalin ng alak sa kupita.

"Hija, bakit ganyan ang ayos mo. Goodness I can see you have not even wear decent clothes-" hindi na natapos nito ang sasabihin ng habnuting ni Elle ang table cloth ng center table at hindi man lamang ininda ang nabasag na wine glass at alak ng ina sa sahig. Napasinghap si Hermana ng makita ang basag na bote ng alak sa sahig at mas ininda pang- alalahanin ang alak na nasayang kisa sa ayos ng kanyang anak na walang salawal at halos maaninag na sa manipis nitong gown ang kaluluwa nito.

"Godness Elle, that wine is expensive!" Ani nito. Tinapunan lamang ng masamang tingin ni Elle ang ina at nagtungo sa ikalawang palapag ng mansion patungo sa kanyang silid . Nakatakip sa ibabang parte ni Elle ang table cloth at namamadaling makarating sa kwarto. Hindi niya lubos maisip kung paano niya nakalapag sa plane pad ng mansion. Halos manginig ang kamay ng piloto ng chopper nang mapuna nito ang pagsakay niya na wala na halos tinakpan ang kaniyang damit.

"Are you sick, Richard?" ani niya sa batang piloto. Katatanggap lamang nito sa trabaho at sa tantiya niya ay totoy pa itong maituturing. Hindi na inabala ng piloto ang sagutin ang tanong niya at itinoon na lamang ang paningin sa pagpapalipad ng chopper.

Napukaw si Elle mula sa pagbabalik tanaw sa nakaraan ng tumunog ang kanyang cellphone. Mula sa kanyang doctor ang tawag. Ipinaalam lamang nito na nakuha na niya ang resulta ng laboratory test at gusto nitong kausapin siya. Iyon lamang at binaba na niya ang telepono at pinatakbo ang kotse palabas ng kompanya. Nang makarating siya sa ospital ay muli niyang naramdaman ang pagsakit ng sikmura ay tila maduduwal siya. Napakapit siya sa balostre ng hagdan at namilipit sa sakit ng tiyan. Isang nurse ang nakakakita sa kanya at agad-agad siyang nilapitan. Nagtawag pa ito ng kasamahan para humingi ng tulong.

Nagising na lamang si Elle na nasa hospital bed at naroon si Dr Caballes at kausap ang isang nurse.

"Wag ka munang maggagalaw  Lyndsey. " ani nang kanyang doctor.

"Charles ang sakit ng ulo ko." Napangiwi siya sa sakit.

"That's what I intended to talk to you about Lyndsey. You're stressed at pinapabayaan mo ang kalusugan mo. Hindi kana kumakain kaya sumakit iyang tiyan mo. Nakikita mo ba iyang sarili mo sa salamin at kung gaano kana kapayat?"

"Slim, Carles...at pwede ba wag mo na akong pagalitan. Magbigay ka nalang ng resita sa pasyente mo at ng makaalis na ako."

"I recommend na magbakasyon ka muna, Lyndsey. Bilang doktor mo pinapayuhan kita para gumaling ka na. Kapag pinagpatuloy mo ang hindi pagkain ng maayos ay baka mauwi iyang pananakit ng tiyan mo sa ulcer."

Nagbigay na ng reseta ang doktor  at nagpaalam narin si Elle. Matalik niyang kaibigan si Charles . Kung hindi niya natuklasan ng maaga na bakla ito ay maaring nauwi pa sa pagiging magkasintahan ang relasyon nilang dalawa.

"Si Elle ba iyon, honey?"

Napalingon si Charles sa pinto ng opisina niya ng marinig ang boses ng nobyong  si Tonyo. Nakasalubong nito si Elle sa maypinto at ni hindi man lamang pinansin o binati ng dalaga ang nobyo ng kaibigan. Alam ni Elle ang mga uri ni Anton, gold digger at mapagsamantala.

"Yes, darling.." ani ni Charles at hinalikan sa labi ang nobyo.

"Anong ginagawa ng babaeng iyon dito? Parang pumayat, maysakit ba?"

Tumango si Charles at inayos ang kwelyo ng nobyo.

"Sumakit lang ang tiyan ni Lyndsey, wag mo ng alalahanin iyon. Mabuti pa lumabas na tayo ng ospital at magtungo tayo ng mall, magshopping nalang tayo."

Biglang umaliwalas sa tuwa ang mukhang pera na  nobyo ni Charles.

Heart's ContenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon