Chapter 2

61 0 0
                                    

Abala sa paghahanda ang ELLE CARLPON Inc , na pagmamay -ari ng pamilya ni Elle ng isang magarbong party na idadaos mamayang gabi. Ang ganitong okasyon ay  para makahanap ng mga potential investors, one of Elle’s business strategy mula ng maupo siya bilang bagong CEO ng company. She succeeded in looking for a better and improved ways not only to have fun but to acquire assets.

This is an open party and every business related sa negosyo nila ay pweding dumalo pati narin ang mga businessman na gustong magventure   sa Trading Business.

Mahalaga kay Elle na maging successful ang event na ito.  More money and time ang nagugugol niya sa paghahanda sa preparasyon para sa isang bagong proyekto na  ipo-propose niya sa mga gustong mag invest sa kompanya.

“Ma’am ready napo ang lahat ng board members at kayo nalang po ang hinihintay.” Ani ng kanyang secretaryang si Marisol.

“Good. Compile all the necessary files na gagamitin natin sa party. “

“Yes ma’am. By the way, should I arrange the same catering service last year  para mamaya?”

Sandaling napahinto si Elle at nakangiting napaisip.

“Well…maybe it’s time we try other catering services. Kontakin mo iyong most recommended na catering service sa bansa. I need this to be perfect. Ikaw na ang bahalang pumili kung kaninong serbisyo ang kukunin mo. But make sure na masarap ang pagkain nila.”

“y-yes po maam.”

“Good. And also Marisol, hold all my incoming calls while I’m in a meeting. You know I hate interruptions. Unless nalang if it’s emergency. You get me?”

“Yes po maam.  I’ll take note of that.”

Umabot ng tatlong oras ang meeting ni Elle dahil  ilang mga boardmembers ay hindi pa sumasangayon sa mga idea niya.

“This new project will pull out a huge amount of money than the usual project we had last year.Should we just settle with last year’s idea?To have the same thing is an easy and safer way. Kumikita parin naman ang planong iyon and none of any business organization have thought of the same idea.” Ani ni Mr.  Corpuz sa board.

“Yes, we are still running the same project Mr. Corpuz. But let me remind you that  I don’t settle for one project ,otherwise, paano lalago ang pera natin? We can’t move forward kung iisang plano lang meron tayo. I know this is a bit risky but this is how I made the company successful. This project is quite tempting and a good opportunity for the company and for the business to grow. The return rate could reach a dramatic increase of upto 60 percent, much higher than 3 to 5 percent from real trades. Come to think of it, guys.”

“Yes…but saan naman tayo huhugot ng malaking halaga na maari nating gamitin para sa proyekto na iyan without dropping other projects  just to get funds?”

“That is why we are having the party…to get new investors na tiyak ay magugustuhan ang planong ito. Ayaw mo bang maging global business trade company tayo sa buong mundo, Mr. Corpuz?” nakangiting wika ni Elle.

She knew na mapapayag niya ito. Si Mr. Corpuz ang isa sa mga malaking investors ng kompanya niya and having his approval for every project on the table is not easy. And she knew papayag na ito dahil bukod sa malaki ang tiwala nito sa kakayahan niya ay nangngailangan din ito ng malaking sales up dahil sa nalulugi nitong ibang negosyo. He’ll be damn if he refused this proposal.

“How about you Mr. Corpuz. What is your decision regarding with the new project?”

Sandaling napatitig sa kanya ang matanda at ilang minuto pa ay nagsign narin ng agreement sa bagong proyekto. Lalong lumuwang ang ngiti ni Elle.

“Thank you , Mr Corpuz and to all board members. You will not regret having business with me.”

“By the way. Please get an invitation card from my secretary  para sa party mamayang gabi. We will see kung ilang investors ang  gustong mag invest. So please don’t miss the party, guys. I promise that it will be fun.”

Masayang  lumabas ng board room si Elle at ang kanyang secretary na ang umipon ng lahat ng resources na kakailanganin niya para sa party. Right now, she has to prepare something to wear for the event.

Sakay sa kanyang BMW ay humarurot ng takbo si Elle pabalik ng kanyang condo sa Makati.

She dress -up in  sexy gown . Nakangiti siya sa perfection na nakikita niya sa salamin habang pinamamasdan ang kabuohan niya. Her gown is  emphasing her curves. At natitiyak niya na sa mga magagandang plano niya sa gabing ito ay maraming investors ang magkakainteres na mag-invest sa kanila.

“This is my night” ani niya sa sarili at umalis patungong party.

At dahil isa parin siyang anak ng isang sikat na actress ay maraming pinoy paparazzi ang gustong kunan siya ng larawan at komentaryo tungkol sa bagong issue ng mama niya sa kinasangkutan nitong away sa isang bata at pamilyadong actor.

“No comment” iyon lamang ang sinabi ni Elle sa isang reporter na nagpupumilit makakuha ng komento niya.

“ Totoo po ba ang issue na nagkakalabuan napo kayo ng inyong  karelasyon na si Franco Mendez?” pagpupumilit pa ng isang  reporter.

Napangiti siya at  hinarap ang mga reporters na sumusunod sa kanya na para siyang celebrity

“Yes, wala napo kami. And to stop the rumors na may third party na involve, ako napo ang maglilinaw na walang sangkot sa hiwalayan namin ni Franco. Good night sa inyong lahat.” ani niya at kinawayan ang mga reportes at tuluyan ng pumasok sa hotel.

Iyon lang at  humakbang na papasok ng hotel si Elle at lahat ng reporters ay naiwan sa labas na nag-aasam pang makakuha ng ibang statement sa kanya.

“Higpitan ninyo ang security at wag magpapasok ng mga reporters. Palayasin ninyo sila bago pa dumating ang ibang mga investors. They find media annoying at ayukong maging dahilan iyan para mabigo tayong makakuha ng potential investors sa gabing ito.” Ani ni Elle sa kanyang sekretarya. Agad naman itong kumilos at sinabihan ang head ng security ng hotel na maghigpit pa sa kanilang sekyuridad.

Heart's ContenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon