Chapter 1

17 1 0
                                    

sa buhay ng tao, may nagmamahal ngunit nasasaktan..

umiiyak,sumusuko pero lumalaban pa din..

Pero ang iba maswerte kapag nagmahal, sumasaya at minamahal din sila..

Pero hindi tulad ng iba sumasaya nga pero panandalian lamang..

Dahil may mga taong mapagkunwari, dahil sasabihin nilang mahal ka nila..

ngunit ang totoo gagamitin ka lang para masabing may boyfriend/ girlfriend sila sa barkada..

pangdisplay at pagnagsawa, iiwan ka na lang ng walang dahilan..

Hindi ako bitter o allergic sa isang relasyong alam kong masasaktan ako muli..

iiyak....susuko..at mamumuhay na naman ng di malaman kung saan magsisimula at panibagong

buhay na naman ang bubuoin.

Masaya at mahirap yun...

masaya dahil nalaman mo na iiwan ka din pala ng mahal mo..

at magiging single ka na, wala ng bawal at pwede ka ng lumandi sa iba..

mahirap dahil nakasanayan mo na sa pang araw araw na buhay mo ay KASAMA SIYA.

Ako nga pala si Kristelle Gonzalesv they called Tile, nasa ikatlong taon na sa kolehiyo..

and i'm taking up BSHRM sa isang prestigeous school.

At sa edad kong 19 years old, maraming nagsasabing allergic ako sa relasyon...

dahil sa dami daming nanliligaw sa akin, binabasted ko kaagad.. yun lamang dahil alam kong di

pa ko handa pumasok muli sa isang relasyon, hindi pa kong handa palitan si Lemuel

sa puso ko na tatlong taon na ang nakakaraan..

kahit alam kong never naging kami at kahit isang araw man lang..

walang tinatawag na "KAMI"..

3 years ago...........................................................................

One sided Love... yun na ata ang pinakamahirap sa larangan ng pag-ibig,,

mahal mo siya pero di ka naman mahal...

May mga ilang pagkakataon nga na mahal ka niya...

pero di mo naman mahal,

Pero ang masaklap.,.. mahal niyo nga ang isa't isa hindi naman pwede dahil

may mga bagay na di tlga pwede...

ang gulo noh???

parang logic lang yan...

if your logic is wrong, may chances na magulo buhay mo.. dahil di nga pwede

 sumige ka pa din... but if your logic is right.. may chances na maging masaya ka sa buhay mo.

ang hirap  noh...?? Pero THAT'S LIFE!!

Sa pagkakataong ito, nandito ako sa sitwasyon na mahal ko siya pero di naman niya ako MAHAL..

hmmmmmmmmmmmmmm.....

"TiLe!!"

anjan na pala yung bestfriend ko si Lira..

"Lira?? Tapos ka na ba sa mga projects natin??"

sabi ko ng makalapit na siya sa akin...

at umupo siya sa tabi ko..

nandito kami kasalukuyan sa waiting area... na minsan tambayan ng iba pang mga

estudyanteng nagcu-cut ng classes...

"may isa pa kong di nagagawa.... ikaw??"

"tapos na ako... inaayos ko na lang at bukas baka pwede ko ng iprint"

At pagkatapos naming magkwentuhan ng maliliit na bagay

ay nagpasya na kaming pumunta sa klase..

Sa klase namin may mga iba't ibang klase ng tao...

yung iba mga pala-aral... yung iba naman umaasa sa nag-aaral...

yung iba go to the flow... pag may assignment ggwa,,,kapag may assignment..

dun palang gagawa.. may mga classmates din kaming puros

pagpapaganda at pagpapasexy ang gingwa.. di naman beauty pageant dito sa school...

hayyyyyy.....sayang tuition fee...

"Hi lemuel!!!"malanding bati ni Alicia, kararating lang din pala ni Lemuel..

"Tile si Lemuel!!! dumating na,,,"si lira..

kailangan bang ipalandakan sa pagmumukha ko na dumating si lemuel??

haler.... i have eyes oh -_-...

nakita ko kayaaa :)

at nakita ko din paano landiin ni ALicia si Lemuel...a jerk -_-...!

Nang makadaan si Lemuel sa direksyon namin na alam kong nasa likod lang naman ang upuan

niya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko...

hmmmm....i hate this feeling....

"hi Lira!!!" Lemuel...

"hello...."tipid na sagot ni lira..

At umupo na nga si Lemuel sa upuan nito...

Gosh...bakit parang iba ang pakiramdam ko?? 

Maganda si Lira kumpara sa akin...

at alam kong mas habulin siya ng mga lalaki kesa sa akin..

pero bakit si Lemuel pa ?? bakit parang gusto ni Lemuel si Lira....?

isn't a joke or not??? 

Pero di dapat ako mag isip ng ganito...

porket si lira ang binati at hindi ako ay iba na agad ang pahiwatig nun??? pero may

pagdududa talaga akong nararamdaman,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,

_____________________________________________________________

abangan,,, ang continuation of 3 years ago..

may namamagitan kaya kina lira at lemuel??

o nagkataon lang na si lira lang ang binati ni lemuel??

totoo kaya ang nararamdaman ni Tile,,,?

o sadyang nagiging paranoid lang siya sa nangyayare??

vote...comment and recommend pleaassssee ^_^ <3

leanne_cute <3

H.O.P.E (hold on....pain ends..) (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon