JANA
“Goodbye, Jana!”
Nginitian ko ito at nagpaalam na din “Goodbye”
Pagkalabas ko ng aking classroom ay naabutan ko siyang naghihintay doon. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya “Kanina ka pa?”
Napatingin ito sa akin at ngumiti “Hindi naman, kakatapos lang din ng klase namin”
“Ahh” Nasabi ko na lamang.
Kinuha niya ang bag ko at isinukbit ito sa kaniyang balikat. “Hatid na kita” Presinta niya.
Sasagot na sana ako ng oo ng bigla akong may naalala. Napatingin ako sa kanya “Saglit lang, naiwan ko yata ang panyo sa may upuan ko. Kukunin ko lang”
“Ah ganun ba? Sige, maghihintay ako” Nakangiti niyang sagot.
Tumango lang ako at muling bumalik sa aming classroom. Wala na doong tao at tanging ako lang. Isa pa, hindi naman naka lock ang mga classroom dito dahil sa mahigpit na seguridad.
Ipinailaw ko ang ilaw at tumungo sa aking upuan. Medyo nasa kaduluhan pa ang puwesto ko kung kaya malayo layo pa ang lalakarin ko.
Nang sa wakas ay nakarating na rin ako sa upuan ko ay sinilip ko ito at hinanap ang panyo rito ngunit wala akong nakita. Lumuhod ako upang silipin ang ibaba ngunit wala rin doon.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ng classroom hanggang sa may mapansin ako sa bintana. May isang tao na nakatayo doon. Naka hoodie ito at medyo malayo sa akin kaya hindi ko ito mamukaan. Pero nasisiguro kong nakatingin ito sa akin.
Napahawak ako sa dibdib ko ng may biglang kumalampag kung saan. Dahil doon ay nabaling sa iba ang atensyon ko kaya muli kong ibinalik ang tingin ko sa bintana pero wala na sya roon.
Sino kaya iyon?
Nagpakawala ako ng malakas na hangin at aalis na sana doon ng may maapakan ako. Ang panyo ko lang pala! Ngunit kanina ay hindi ko ito nakita. Paanong...
Nagugutom ka lang, Jana. Hindi totoo yang iniisip mo, gutom ka lang okay?
Kinuha ko ang panyo ko ng may malaglag na bagay mula roon. Kunot noo ko itong tiningnan. Isang papel na nakatupi.
Binuksan ko iyon at nagulat sa nakitang sulat sa papel.
“I'm back”
A/N: Korni right? Lol. Umpisa pa kasi, saka na lang pag nasa climax na tayo haha. Don't worry pagbubutihan ko po ang pananakot.
YOU ARE READING
🄴🄲🄲🄴🄽🅃🅁🄸🄲
Mystery / Thriller【️✗️】️𝐄𝐜𝐜𝐞𝐧𝐭𝐫𝐢𝐜 𝐒𝐄𝐌𝐈-𝐄𝐏𝐈𝐒𝐓𝐎𝐋𝐀𝐑𝐘 𝗘𝗰𝗰𝗲𝗻𝘁𝗿𝗶𝗰 𝘢𝘥𝘫𝘦𝘤𝘵𝘪𝘷𝘦 | 𝗂𝗄-𝗌𝖾𝗇-𝗍𝗋𝗂𝗄 ➴ 𝙩𝙚𝙣𝙙𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙤 𝙖𝙘𝙩 𝙞𝙣 𝙪𝙣𝙪𝙨𝙪𝙖𝙡 𝙬𝙖𝙮𝙨 𝙘𝙤𝙥𝙮𝙧𝙞𝙜𝙝𝙩 © 𝙥𝙖𝙨𝙩𝙚𝙡𝙥𝙚𝙩𝙖𝙡𝙨- book cover by: @seungwoo...