Chapter 2

4 0 0
                                    

Third Person's POV

"Pre, sigurado ka ba rito sa gagawin natin? Baka mahuli tayo, patay tayo!" Saad ng isang lalaking nagngangalang Ben.

"Ngayon pa ba uurong 'yang bayag mo kung kelan hawak na natin? Gago!" Sagot naman ng isang lalaking nagngangalang Philip.

Pinagmamasdan nila ngayon ang natutulog na babae. Hindi malaman kung itutuloy ba ang gagawin sapagkat takot silang mahuli nito, panigurado ay tapos ang buhay nila sa babae. Nang gumalaw ang babae ay pinaamoy uli nila ito nang pampatulog sa sobrang taranta.

Ilang minuto lang ay napagpasyahan na nilang dalhin ito sa hide out nilang abandonadong warehouse.

"Boss sigurado ba talaga tayo rito? Natatakot ako sa pwedeng gawin ng babaeng 'to eh." Tanong muli ni Ben, si Ben ay matagal nang kasapi sa grupo ngunit palihim. Bago nila dakpin ang babae ay nag background check ito. Alam ni Ben ang mga kayang gawin ng babaeng dinukot nila kaya ganito nalang ang takot niya.

"Bakla ka ba ha? Kanina ka pa takot na takot d'yan eh, ikaw kaya unahin ko?" Pang-aasar naman sa kaniya ni Philip.

"Masiyado nang namamayagpag sa Business ang tatay nitong batang 'to, gusto ko lang siyang warningan na kapag hindi siya pumayag sa deal namin ay alam na nya ang mangyayari sa mga mahal niya sa buhay." Walang emosyong sambit naman ng Boss nila habang nakatingin sa babaeng nakaupo at nakatali sa upuan. Maging ito ay takot sa babaeng kaharap niya ngunit hindi niya pinahalata. Sapagkat para sa pera, gagawin niya ang lahat.

Nagulat sila nang magmulat nang mata ang babae. Buti nalang ay hindi nakalimutan magsuot ng face mask kung hindi ay lalo silang mayayari.

"Sino kayo? Anong kailangan niyo saken? Pera ba? Magkano?" Sunod sunod na tanong ni Apple na parang walang pakialam sa gagawin sa kanya ng mga lalake.

"Akala mo ba ay ganon ganon lang iyon? Hindi kami nagpakahirap kuhanin ka kung pera lang ang kailangan namin sayo." Malokong sabi naman ng Boss kay Apple.

Kinabahan si Apple sa sinambit ng lalaki. Hindi niya gusto ang tabas ng dila nito.

Lumapit ang iba pang tauhan ng Boss kay Apple upang tanggalan ito ng tali. Ilang lalaki ang humawak kay Apple upang masiguro na hindi ito gagawa nang ano mang gulo. Tinayo nila si Apple at nilapit sa Boss.

"Nasasaktan ako punyeta! ANG DUMI DUMI NIYO! SIGURADUHIN NIYONG NAG ALCOHOL KAYO KUNG HINDI PAPATAYIN KO KAYO ISA ISA!" Sigaw ni Apple sa mga lalaking humahawak sa kaniya. Bahagya namang natawa si Ben sa inakto ng dalaga. May lihim itong pagtingin sa dalaga ngunit hindi pinapahalata, baka siya ay malintikan ng Boss.

"Boss ang kulit naman nito. Galaw ng galaw! Gagalawin ko 'to eh." Sabi naman ng isang tauhan na may hawak kay Apple.

"Hininga mo pa nga lang hindi ko na gusto. Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo." Hindi magkamayaw ang tawanan ng iba pang tauhan dahil sa sinagot ni Apple.

"Boss papatayin ko na talaga 'to eh!"

"Ben, bili ka nga muna nang makakain namin. Marami bilhin mo, ayoko nang pipitsugin na pagkain lang ah. Gamitin mo na rin 'yung sasakyan sa baba. Philip dito ka lang, may ipapagawa ako." Seryosong sambit ng Boss nila.

Nagtataka man si Ben ay sinunod niya ang Boss. Hindi niya gusto ang takbo ng pag-iisip ng Boss niya. Pagkalabas ng warehouse ay may nakita siyang tauhan at ito ang inutusan niya. Hindi siya mapalagay kapag iniwanan niya si Apple sa kamay ng kasamahan. Alam niya kung gaano kahayop ang mga ito ngunit para sa pera, sinisikmura niya. Palihim niyang pinapakinggan ang usapan naman ng mga ito.

Sweet Vengeance (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon