POV: Crown Princess
10 years ago, ang Pilipinas ay napabilang sa mga bansang may Constitutional Monarchy.Una maraming tao ang hindi payag sa ganito pero kinalaunan ay nagustuhan na rin nila.
Dahil ang mga kasama sa Royal Family ay puro may sinasabi sa lipunan, maraming achievements sa buhay at higit sa lahat, magaganda at gwapo.
Sa heneresyon namin ngayon, taong 2020, ako ang tinalagang Crown Princess.
Ako ang susunod na Reyna ng bansang ito.
Ako ang magiging simbolo ng mga kababaihan.
At higit sa lahat, isa sa mga mamumuno para mapaganda ang maganda nating bansa.
Pero nakakasawa pala.
Yung akala nyong maganda at marangyang pamumuhay ...
Ay nababalot ng kalungkutan.
Kaya para sumaya ako, bumuo ako sa grupo.
Ang Death Royalty Gang.
Tama. Gang. Meaning mga Gangster kami.
Hindi kami yung mga gangster sa mga kalsada.
Hindi rin kami yung mga Gangster na nag i-smuggle ng mga droga o ano pang nakakasama.
Sa halip ..
Grupo kami na tumutulong sa nangangailan.
Tagapagtanggol ng mga naapi.
Lumalaban sa mga taong halang ang kaluluwa.
At lalo na sa mga taong sumisira sa gobyerno at ekonomiya ng bansa.
Ako, ang Crown Princess ng Pilipinas, ay leader ng Death Royalty Gang.
Ako ang kinikilalang Black Tiara, isang kinatatakutang Gangster dahil sa Death Move na kaya kong gawin.
At ito, ang kwento ng buhay ko ...
YOU ARE READING
The Crown Princess is a Gangster?! [ HIATUS ]
Novela JuvenilSiya na ang naitalagang susunod na Reyna ng Bansa but the crown was snatched ng malaman ang tungkol sa pagiging Gangster niya. She is forced to leave the Royal Palace and discarded as a member of the Royal Family. Years have passed, the former Crown...