"THIS is it mga vaklaaa!" Masayang-masaya na sabi niya habang pababa sa kanilang hagdan."Good luck talaga vakla. Congrats! Ikaw na talaga si Rapunsel." Matinis ang boses na sabi ni Freda sa kanya na dating Fredo Mendoza.
Nag-apiran ang mga ito. Kita sa mga mata ng mga ito ang excitement na siya ring kanyang nadarama.
"Ang ganda talaga ng unica hija ko." Sabi ng kanyang mamu Donna. Ang kanyang mahal na ama na si Danilo Abalos. Kabilang ito sa third sex at hindi niya ikinahihiyang ang ama niya ay kanya ring ina.
Sabi ng kanyang mamu, namatay raw ang kanyang ina pagkasilang sa kanya.
" Kanino pa ba ako magmamana mamu? Siyempre sa kadiyosahan mo." Proud na sabi niya.
Sabay-sabay silang nagtilian ng tuluyan siyang makababa.
"Vakla ako ang maid of honor mo ha dahil tayo ang magbeshie since fetus! " Sabi ni Erika sa kanya. Ang Erik Magsanok noon.
"Ay gora aketch diyan. Ikaw ang maid of honor ko." Pagsang-ayon niya.
Sabay silang nagtiliang dalawa.
"Ay mga gaga! Baka hindi ituloy ni pudrakels ang misa." Basag-sabi ni Freda sa kanila.
"Ito naman masyadong inggiterang frog." Nakataas-kilay na sabi ni Erika dito.
Nagsabunutan ang mga ito.
"Unica hija ang mga bilin ko sayo ha."
Lumingon siya sa kanyang mamu na hinahaplos ang tuwid na tuwid niyang buhok. Salamat sa walong oras na hair treatment sa kanya nila Freda at Erika.
"Of course mamu, wass ko iyan mafoforget. Idol ko ata si mama virgin Mary since fetus." Energetic na sagot niya.
Lumapit sa kanyang tabi sina Erika at Freda. Inayos ng mga ito ang puting bestida niya.
"Vakla ikaw na talaga ang diyosa nating mga vaklaa! Dapat kasi pinaiklian pa natin ng konti ang long gown mo." Sabi ni Freda habang inaayos ang laylayan ng puting bestida niya.
"Ay ang bobo! Kaya nga long da vah? Kung pinaiklian mo 'yan hindi na' yan long gown kundi.."
"Kundi ano?" Putol ni Freda sa sinasabi ni Erika.
"Ano? Ano nalang? Blouse?" Walang katiyakang sagot ni Erika na sinamahan ng malakas na halakhak.
"Ikaw diyan ang bobita eh!" Sabi ni Freda sabay sabunot dito.
Tumawa siya ng malakas sa kalukuhan ng dalawa.
"Ay! Ay! Tama na 'yan. Malalate na ang unica hija ko sa inihandang surprise date ni fafa Martin." Sabat ni mamu. "Basta anak ha, uwi agad ha bago mag-ten."
"Mamu naman, mabuti pa si Cinderella matagal nakababad ang beauty niya sa madla." Sabi ni Erila.
Sinabunutan ng kanyang mamu ang baklitang si Erika.
"Bakit siya na ba si Cinderella ha? Dalagang Filipina niyang anak ko. Kung pwede nga lang alas siyete nakauwi na 'yan eh." Nakataas-kilay na sabi ng kanyang mamu kay Erika.
"Mommy Divine ikaw ba 'yan?" Sabi naman ni Freda sabay hawak sa magkabilahang braso ng kanyang mamu. Bumaling ito sa kanya. "Sarah, ang dalagang prinsesa?" Sabi naman nito sa kanya.

BINABASA MO ANG
Stupid Venus Meets Cupid
FantasíaSiya si Venus Abalos ang babaing naniniwala sa salitang FOREVER. Ngunit bigla na lamang gumuho ang mundo niya ng nakipagbreak sa kanya ang longtime boyfriend niya. Ang pag-ibig niya ay isa lamang palang maling akala. Ngunit kahit ganoon pa man ay um...