PNS4: GETTING TO KNOW EACH OTHER

834 49 3
                                    

Team's POV

Habang dala-dala ako ni loves (Oo, loves na ang tawag ko sa kanya kahit hindi ko pa siya kilala. Sabihin niyong maharot ako pero pag kayo ang nasa kalagayan ko, nakuu ngingibit talaga ang mga pwet niyo!), bigla akong kinulbit ni Brenda na nasa gilid namen.

"Hui! Maharot kang bakla ka! Akala mo hindi ko alam yang acting acting mo para makachansing ka jan kay Lucas? I know you girl!" pabulong niyang sabi sa akin.

"Ssssshhhh wag kang maingay! Pero wait, si Lucas ba toh? Yung sinabi mong hearthrub dito?" nakapikit kong sabi para hindi mahalata ni Lucas.

"Oo gaga ka! Oh ano? Ang gwapo noh? Sabi ko naman sayo kakainin mo lang din yang sinabi mo!" medyo malakas na banggit ni Brenda kaya napatingin si Lucas sa kanya..

"Brenda, may kinakausap ka?"

"Ah wala wala. Bilisan na lang natin baka kasi MAPANO patong kaibigan kong maharot este mabait"

"Sige sige" pagsang-ayon naman ni lucas

*****

Nandito na kami sa Clinic at saktong ibinaba na ako ni Lucas nang dahan dahan sa kama.

"Ah, Brenda right? Pwede bang pakitawag yung nurse? Sabihin mo na may pasyente na dito." sabi ni Lucas habang hila-hila yung upuan papunta sa gawi ko.

"Sige sandali lang Papa Lucas." pabebeng sabi ni Brenda sabay alis.

*****

Nang makaalis si Brenda, binalot ng katahimikan ang silid. Wala ni-isang magtangka sa aming magsalita at nagkakapaan pa kung sino ang mauuna. Nang di makatiis, siya na ang naunang nagsalita.

"Ahm, sorry nga pala kanina. Hindi ko intensyong tamaan ka. Napamali kasi yung sipa ko kaya napalakas ng masyado.. saktong nandon ka kaya ikaw yung natamaan. Ano ayos lang ba yung likod mo?" sabay kamot niya sa batok

Sheeetttt! Napakayummy talaga niya! Grabe! Hang Harot ko nah! Lumunok muna ako bago nagsalita.

"Medyo ok ok na naman yung likod ko. Hindi na masyadong masakit. Salamat nga rin pala at dinala mo ako dito sa Clinic."

"Nakuu, wala yun! Dapat nga ako yung nagpapasalamat kasi hindi ka masyadong napuruhan.."

Ngiti na lang ang sinukli ko baka kasi hindi ko na mapigilang mapatili sa sobrang kilig.

*****

Lumipas ang ilang minuto ay wala paring Brenda na dumadating. Nasan na kaya ang ingratang iyon?

"By the way, ako nga pala si Lucas. Head ako ng Soccer team and HUMMS yung strand ko."

"Ahh, ako naman si Tea-"

"Team Corpusz Oxford. HUMMS din strand mo at anak ka ng may-ari nitong school. Tama ako diba?"

"Ahh oo pano mo nalaman?"

"Usap-usapan ka kasi sa buong school. Hindi nga ako nagkamali, maganda ka nga at mabait sa mga estudyante. Yung iba kasi, ginagamit yung kapangyarihan nila para makapanglamang sa iba."

"Nakuu salamat sa compliment HAHAHA. Atsaka yun din yung turo sa akin ng mga magulang ko na hindi nasusukat sa kapangyarihan o estado sa buhay para makapanglamang ka. Kontento na ako sa pamilya ko pati sa mga kaibigan ko."

"Eh ako, pwede bang maging isa sa mga kaibigan. Kung hindi ako nagkakamali eh sinabi mo kanina sa speech mo na masaya ka kapag naging kaibigan mo lahat dito sa school."

"Oo naman! Sige, ako na magsisimula ng contract. Ako si Team Oxford, nangangakong magiging kaibigan si Lucas De la Questa, sa hirap o ginhawa man. Oh! Ikaw naman!" sambit ko na nakataas ang kanan kong kamay.

Pwede Na Sana ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon