PNS10: Is this the end?

975 48 3
                                    

Team's POV

Nakaupo kaming dalawa sa buhanginan at ninanamnam ang hanging dumadampi sa aming katawan. Kasabay noon ang pagpapalamig sa mainit-init na eksenang nangyari kani-kanina lang.

Napapaisip tuloy ako kung nagconfess ba talaga siya sa akin for real o di kaya'y inaasar lang ako ng kumag na 'to.

Kasi kung totoo, parang kinikiliti yung tiyan ko o yun bang heaven sa feeling yung mararamdaman mo. Dissappointment naman ang mararamdaman ko kapag nagloloko at prank lang niya iyon sa akin.

Ayyysssttt! Ewan ko ba sa sarili ko. Nabobobo talaga ako pagdating sa pag-ibig. Ang hirap pumili ng desisyon kapag nag make move na yung mga lalaki sa paligid mo. Siyempre kikiligin ka don kasi feeling special ka. Katulad ngayon, hindi parin ako makapaniwala dahil sa inasal nitong katabi ko.

Kanina pa ngang tahimik eh. Kulang na lang ay tahiin ko na ang bibig nito para lang manahimik na talaga siya habang buhay.

Huminga ako ng malalim at tumingin na sa kaniya.

"Sky.." tawag ko sa atensyon niya.

Napatingin naman siya sa akin at walang makikitaan ng anumang emosyon.

"Hayy ahmm pano ba toh.. yung.. yung sinabi mo kanina, a-ano nga ulit iyon?" Kamot kong sabi sa kaniya.

Naghintay siya ng ilang segundo bago siya magsalita. Kinakabahan talaga ako ngayon. Parang napupuno yung pantog ko dahil sa kabang nararamdaman.

"Seryoso ako don Team. Totoo na may gusto ako sayo. Bakit, hindi ka ba naniniwala? Alam kong naging gago ako sayo noon pero hindi ko lang kasi maiwasang ipakita yun para lang mapansin mo." seryoso niyang sabi sa akin habang hinahalukay ng tingin ang aking mga mata.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita at ako naman ay pilit na nakikinig at iniintindi ang pinagsasabi niya. Nakakalutang kasi talaga sa isip yung mga linyahan niya!

"Galit na galit ako nang makita ka na may kasamang iba. Yung Sean na yon, bugbog sarado sana sakin yun kung hindi mo lang ako pinigilan. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako nito sa twing may lumalapit sayo. Gusto ko na nga ring sapakin yang Lucas na kinababaliwan mo eh gago rin naman.


Sana naging si Lucas na lang ako. Kasi kapag naging ako siya, pwede mo narin akong mahalin gaya nang pagmamahal na pinapahiwatig mo sa kaniya." Madamdamin niyang banggit sa akin sabay siksik sa aking leeg.

Hindi ako nakareact nung gawin niya yun. Ang tanging naririnig ko lang ay ang nag-eechong mga sinabi niya kanina.

Ramdam ko na ipinulupot niya ang kaniyang kamay sa aking bewang.
.
.
.
.

Aaminin ko... masarap sa feeling.

Ngayon ko lang ito naramdaman at masasabi kong hindi ko ito naramdaman nung kayakap ko noon si Lucas. Oo bumilis ang tibok ng puso ko sa kaniya pero iba ngayon. Ibang-iba na para bang pinagtigma ang aming katawan para sa isa't isa.. Charot!

Hinarap ko siya at nginitian.

Susubukan ko naman ngayon ang sumaya.

Susubukan kong sumugal kahit walang kasiguradohan ang aming tatahakin.

Susubukan kong magmahal nang hindi nasasaktan.

Gusto kong subukan na mahalin din kahit minsan.

At si Sky iyon.

Sureble na ako sa kaniya.

Sapat na sa akin ang mga sinabi niya at iyon ang panghahawakan ko.

Alam kong may pagkamarupok ako ngayon pero matatanggihan ko pa ba ang nag-iisang Sky na gwapo at gustuhin ng lahat? No way!

Kung tutuusin jackpot na ako sa kaniya.

Huminga ako ng malalim at sinuklian din siya ng mahigpit na yakap.

"Oo sige na. Naniniwala na ako sayo." sabi ko habang ako naman ang nakasiksik sa mabango niyang leeg.

"A-anong sabi mo?"

"Sabi ko tayo na kako! Susubukan kong magmahal ulit at ikaw yun Sky. Subukan mo lang ako saktan at puputulin ko talaga yang talong at egibols mo!" may tonong pagalit na sabi ko sa kaniya.

Tumawa siya sabay higpit pa ng yakap sa akin.

"Ang assuming mo talaga Team ano? Bakit sinabi ko bang tayo na?" May pang-aasar niyang sabi sa akin.

Sa mga sinabi niya ay biglang nagngalit ang sarili ko at kaagad siyang tinulak sabay sampal sa mukha.

"Hinayupak ka Sky! Ahh, so ayaw mo?... Sige! Manigas kang gago ka! Pero ito ang tatandaan mo... hinding-hindi na ako magpapauto sayo! Walang hiya ka! Ikaw ang choosy! Bonak! Gago! Wala kang bayag!" Sigaw kong sabi sa kaniya sabay walk-out.

Tinawag niya pa ako pero hindi na ako lumingon pa. Nakakainis!

Ilang hakbang pa ang nagawa ko ay bigla akong napatigil dahil mabilis siyang pumulupot sa aking likod.

"Ikaw hindi ka talaga mabiro kahit minsan. Joke lang naman yun eh. Sorry na babe."

"Babe mo mukha mo! Bitawan mo nga ako! Matutulog nako!"

"No! Hindi ako papayag! Hindi ako hihiwalay sayo hanggat hindi mo ko napapatawad. Sorry na nga diba? Kapag sinabi kong gusto kita, gusto kita! May isa akong salita. And i mean it. Believe me."

Napairap na lang ako at hindi na kinaya pa ang kakulitan niya.

Pinaharap niya ako at kaagad hinalikan ang aking noo.

"I promise, hindi kita sasaktan katulad ng ginawa sayo nung Lucas na yun. I will be your perfect boyfriend as long as you love me. And i will do my best para ipaglaban itong relaston nating dalawa sa mundong mapanghusga. Gusto kong malaman mo na hindi lang ako puro salita, kaya ko yung panindigan." May pagkadeterminado niyang pagkakabanggit.

Doon ay napangiti ako. Tumngo na lang ako at hinayaang halikan muli ang aking noo.

Ninamnam namin ang gabi ng masaya.

Saksi ang buwan at bituin sa aming nabuong pagmamahalan.

Kaysarap nga namang magmahal.

Sana, hindi na ito matihil pa.

Sana, masaya na lang ang dadaang araw na magkasama kami.

Sana, totoong ipaglalaban niya itong pag-iibigan namin dahil handa narin akong magbuwis para sa kaniya.















At sana, pwede kami hanggang sa dulo ng walang hanggan..









The End or The End?

Pwede Na Sana ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon