Chapter 1

155 1 0
                                    

Kyle POV

Ayan na naman siya, ayan na naman ang babaeng gusto ko. Ah mali pala mahal ko pala. Siya ang babaeng mapapahinto ka dahil sa angkin nitong kagandahan. Siya din yung tipong masayang kasama dahil sa mabait siya at marunong ding makisama. Ang kanyang mga ngiti na napakatamis, ngiting puno ng saya. Walang halong kaplastikan alam mong galing yun sa puso niya.

Kaya naman sa dinamidami ng babae dito sa school siya ang nagustuhan ko.

“Hi Kyle!” Sabi niya sa akin saka tumabi. Naku ano ba yan di ko alam ang gagawin ko. Tatabihan niya ako, pakiramdam ko matutunaw ako.

“He-hello.” Sabi ko na lang habang nakayuko. Ang hirap talagang gumalaw pag katabi mo na yung taong gusto mo.

“Hmm…anong ginagawa mo dito?” Tanong niya habang nakatingin sa phone niya. Maganda siya kahit sang anggulo, di ko maiwasang titigan siya.

“Ah, eh nagtatambay lang mamaya pa kasi yung next class ko.” Sabi ko na lang at umiwas ako ng tingin sa kanya. Mahirap na baka makita niyang namumula ang mukha ko o kaya naman makita niyang pasimpleng ngiti.

“Ahh…edi samahan na lang kita tutal, mamaya pa naman din yung next class ko. At saka wala akong kasama eh, biruin mo loner ako ngayon.” Oh My Sky! As in Sky kasi name niya. Oh ang ganda pa ng pangalan niya. Wala talaga natamaan ako dito sa babaeng to. Natulala tuloy ako sa sinabi niya.

“Huy Kyle! Ano okay lang na samahan kita?” Tanong niya at tumingin siya sa akin.

“Ha?! Oo na-naman, bakit naman hindi diba.” Sabi ko at umiwas ulit ako ng tingin sa kanya. Ba't ako nauutal? Kyle umayos ka nga kahit ngayon lang.

“Ayan ayos din pala sa'yo eh. Bakit di mo kasama sila Jude?” Tanong niya ng nakangiti sa akin, pag pinagpatuloy mo to Sky baka di ko mapigilang hali----este sumabog.

“Ahm…ano kasi wala si-silang pasok nga-ngayon.” Sabi ko gusto kong suntukun ang sarili ko ngayon, dahil sa kahihiyan na nauutal ako.

“Ahh.” Sabi niya na lang at saka bumalik sa ginagawa niya sa phone niya.

Bakit ba pag siya ang katabi o kaya naman kausap ko, nauutal ako. Nakakahiya ako at saka naaasar ako sa sarili ko. Noon naman pag sa mga ibang babaeng gusto ko, di naman ako ganto masyadong kinakabahan. Pero pag kay Sky na,ayun na nawawala na ang lakas ng loob ko.

“Huy Kyle! Kanina ka pa nakatunganga diyan. Problema mo?” Tanong sa akin ni Sky, gusto mo ba talagang malaman ang problema ko. Pa'no kung sabihin kong prinoproblema ko ay kung pa'no kita ma-aaproach ng hindi ako nauutal at ng hindi ako ninenerbyos.

“Ano kasi…ahhh. Wala-wala.” Sabi ko na lang, baka kasi mabuking ako.

“Ano ka ba, pwede mo namang sabihin sa akin yung problema mo. Ano ba yun?” Sabi niya habang nakangiti. Huwag ka ng ngumiti ng ganyan dahil mas lalo lang akong nahuhulog sa'yo. Pa'no ko ba sasabihin sa'yo?

“Ano…kasi yung kaibigan ko. Tama yung kaibigan ko eh nagpapatulong sa akin. Pasensya ka na Sky sabi ko kasi kilala kita kaya yun tinanong niya sa akin kung ano daw ang tipo mong lalake. Pwede mo bang sabihin para sa kaibigan ko.” Gusto kong suntukin ang sarili ko ngayon. Kaibigan! Tang'na ano ba itong pinagsasabi ko.

“Ah talaga, di naman ako ganun kaganda hahaha. Pero sige para sa kaibigan mo, sabihin mo sa kanya ang tipo kong lalake ay yung mabait siyempre at saka…ewan ko na yung iba. Kasi pag nahulog naman ako sa isang tao, kahit sino pa man yun okay lang sa akin. ” Sabi niya ang sarap pakinggan ng boses niya, bakit ba di ko na lang sinabihan na ako yung may gusto sa kanya.

“Ahh…ma-matutuwa yung kai-kaibigan ko.” Sabi ko ng nauutal.

“Sino ba yung kaibigan mo?” Sabi niya, oo nga pala no sino ba? Sino ang irarason ko?

“Ahm…ehh, ayaw pa niyang sabihin sa'yo kasi gusto niya pag nagkita daw kayo saka niya lang sasabihin sa'yo.” Rason ko, sana kumagat siya.

“Ahh, ang weird naman ng kaibigan mo.” Sabi niya, sabay tingin sa relo niya.

“Ahy! Kyle mauna na ako ha late na ako sa next class ko. Sige, salamat sa time mo.” Sabi niya tapos tumayo at umalis na siya.

“Ba't ba abg hirap sabihin sa kanya na gusto kita Sky.” Sabi ko sabay buntong hininga. Tapos biglang may umakbay sa akin.

“Kasi nga torpe ka pagdating kay Sky.” Sabi niya, aray naman sinabi niya pa ang katotohanan.

“Oo na ako na ang dakilang torpe! Ano masaya ka na Cess?” Sabi ko sa besf friend ko. Tapos piningot ko yung ilong niya.

“Aray! Ikaw kasi ang torpe mo. Buti inamin mo din na torpe ka. So, anong pinag-usapan niyo?” Tanong niya, napabuntong hininga ako.

“Sabi ko may kaibigan ako na may gusto sa kanya.” At yun binatukan ako.

“Arraayy.” Sabi ko habang himas himas ang batok ko.

“Dapat lang sa'yo yan, ano ba yan Kyle sinong kaibigan naman yan?” Tanong niya, di ko siya masisi kung binatukan niya ako.

“Ang sabi ko di siya magpapakilala hanggang di niya pa nagkikita silang dalawa.”

“Naks ganda ng rason ahh, pero ang tanga ng idea mo. Pwede ba Kyle ilang months mo ng crush si Sky tapos di ka pa gumagawa ng paraan, mamaya naunahan ka pa.” Di ko masisisi kung sabihan niya ako ng ganyan. Ilang months na ba? 4 or 5 ata ewan ko na, basta parang hanggang tingin na lang ako sa kanya.

“Alam ko Cess. Di ko lang talaga kung paano ko sisimulan.” Sabi ko, napabuntong hininga siya.

“Kyle diba nagka-gf ka naman edi ibase mo na lang dun yung gagawin mo.” Sabi ni Cess.

“Iba siya sa mga naging gf ko Cess, ibang-iba.” Sabi ko siya palang yung babaeng ganito ako sobrang nafall. Sobra, di ko alam kung bakit? Pero iisa lang ang alam ko mahal ko siya kahit na di pa kami.

“Natamaan ang loko!” Sabi ni Cess, nginitian ko na lang siya.

~~♥~~

End of Chapter 1

Torpe Siya, Manhid siyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon