Chapter 2

86 1 0
                                        

Sky POV

Ano ba yang sinabi ni Kyle na may nagkakagusto sa akin na kaibigan niya. Sino kaya siya di naman kasi sinabi sa akin ni Kyle kung sino man yun. Nakakagulat naman yun, I mean what so special about me? I'm not so pretty, not so smart, and maybe not so lady-like.

Pero kung nagtataka kayo kung sino man ang gusto ko. Kahit papaano naman meron akong gusto yung ngalang di ko alam kung gusto niya din ako. Nagustuhan ko siya nung una ko siyang nakilala, pinakilala ng kaibigan ko na barkada niya.

Gwapo, matangkad, mabait din siya, at saka napakasaya niyang kasama. At eto pa ang gustong gusto ko sa ugali niya yung pagiging gentlemen niya, mahirap ng mahanap ang mga lalakeng ganyan kaya naman di ko maiwasan na mahulog sa kanya. Ilang months ko na siyang nagugustuhan pero hanggang tingin lang ako. Di naman sa pakipot ako pero pride ko ding babae, at saka conservative din ako.

Si Kyle Ramos ang tinutukoy ko, hay kailan kaya niya ako mapapansin? Alam ko naman na di niya ako magugustuhan at baka iba din ang tipo niya.

“Hayyy…” Sabi ko habang iniinom ang pineapple juice ko.

“Oh bakit Sky?” Tanong sa akin ng kaibigan ko.

“Alam mo kailan kaya ako mapapansin ni Kyle?” Sabi ko.

“Hay naku friend, yan ba ang prinoproblema?” Sabi ng bakla naming kaibigan.

“Pangit ba ako?” Tanong ko sa kanila.

“Hindi. Sobrang chaka mo lang kasi.” Sabi ni James, yung baklang kaibigan namin.

“Sky wag kang maniwala diyan. Your pretty.” Sabi naman ni Anne.

“Bakit naman di ako pinapansin ni Kyle?” Tanong ko sa kanya.

“Ewan ko sa inyong dalawa.” Sabi ni Anne, siya pala yung barkada ni Kyle na nagpakilala sa akin.

“Tapos ngayon alam mo ba, may friend daw si Kyle tapos yung friend niya daw may gusto sa akin. Buti pa yung friend niya may gusto sa akin.” Sabi ko habang nakasad face. Tapos biglang nabulunan si Anne sa iniinom niyang coke.

“Sino naman daw yung friend niya?” Tanong ni James.

“Sabi niya ayaw daw sabihin nung friend niya. Anne meron ka bang kilala sa barkada niyo na may gusto sa akin?” Tanong ko kay Anne.

“Meron.” Sabi ni Anne.

“Talaga? Siguro barkada niyo yung sinasabi ni Kyle. Sino naman yun?” Napafacepalm na lang si Anne sa sinabi ko. Ano bang mali sa sinabi ko? Nagtatanong lang eh.

“Secret.” Sabi niya sabay ngiti. Ano ba yan puro kayo secret.

“Hay naku, puro kayo secret. Bili lang ako ng sandwich ha.” Sabi ko kay Anne at kay James, sabay buntong hininga. At dumeretso sa counter.

~~*~~

Anne POV

Hindi ko na talaga alam sa dalawang to kung kailan ba nila mahahalata na gusto nila ang isa't-isa. At eto namang Kyle ano tong pakulo niya na friend niya?

“Huy girl, diba gusto ni Kyle si Sky? Eh bakit parang may nirereto si Kyle?” Tanong sa akin ni James.

“Alam mo sa sobrang torpe ni Kyle, gumawa siya ng imaginary friend niya.” Sabi ko.

“Gosh so torpe naman si papa Kyle. Bakit ba di na lang kasi etong si Sky ang gumalaw.”

“Babae si Sky kaya alangan naman na siya ang gagalaw nakakababa ng pagtingin ng ibang tao ang ganun.” Sabi ko sa kanya.

“Well kung walang gagalaw sino?” Sabi naman ni James, may point siya.

“Wala eh hanggang ganyan na lang sila.” Sabi ko.

“Why not we tell Sky na may gusto sa kanya si Kyle, oh diba girl at least may gagalaw na pag ganun.” Sabi ni James.

“Huwag.”

“But why?”

“Dahil mas maganda pag nanggaling kay Kyle. Di dapat tayong makialam sa love story nilang dalawa.” Sabi ko.

“Hmm…may point ka girl. Ewan ko nga diyan kay Sky kung bakit napakamanhid niya. Halata naman na may gusto sa kanya si Kyle pero siya lang ata ang walang alam.” Bakit kasi napakamanhid ni Sky. Eto ba yung love story na di magkakaroon ng happy ending?

Ang torpe at ang manhid.

~~♥~~

End of Chapter 2

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Torpe Siya, Manhid siyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon