Chapter 20

61 2 0
                                    

-- YES! :) --

*Tim's POV

Matapos ang pakikipagusap ko sa tatay ni Melaine, hindi ko akalaing makikipagtawanan at makakakwentuhan ko siya ng ganun. Hahaha.

Kasi naman mukhang moody, dahil nung una nagjojoke tas biglang serious.

yung way niya ng pagtatanong ay parang nagaapply ka ng trabaho sa kanila bilang bodyguard ng anak niya. Hahaha. Nakakatuwa na nakakakaba.

Eto na nga ang buong kwento.

**Flashback

Pagkasabi ni tito na maiwan muna ko sa sala, kinabahan ak kasi ang serious niya.

'grabe.ano kayang paguusapan namin ni tito.

papalayuin niya na kaya ko sa Honey koooooo?! Waaaaah!!' sabi ko sa sarili ko.

Para kong bading. haha. kasi naman noh. ikaw kaya, sabihin na layuan mo na anak niya matutuwa ka ba?!

"Dun tayo sa labas magusap." sabi ni tito, at nauna na siyang maglakad palabas.

pero bago ko lumabas...

"Don't worry, akong bahala. Alam ko na. ^___~" sabi ko kay Melaine sabay kindat. hehe

- sa labas ng bahay nila..

nakatingin lang ako kay tito at patuloy na nagiisip kung ano ba ang talagang paguusapan namin.

"Tim right?" bilang tanong niya na ikinagulat ko.

"ehehe. o..opo.." tek. nauutal pa.

"Hmm. Anong buong pangalan mo?" -tito.

"Ian Timothy Rivera po Tito.^__^" -sagot ko ulit at super smile pa. hehehe

"Ian Timothy Rivera... Timothy... Ian... Rivera..." - e? ulit ulit si Tito? hahaha

"Hehe. Opo. Bakit po?"

"May kilala ka bang Timothy Julius Rivera Jr.?"

O________O?

Magkakilala sila?

"Opo. Papa ko po yun. Paano mo po siya nakilala?"

"Uhm." Sabi niya habang hinihimas himas ang baba niya na parang nagiisip. "Sabi ko na nga ba e. Kamukhang kamukha mo kasi siya. Pati kumilos at magsalita. Hahahaha. Kopyang kopya mo ang tatay mo." sagot niya saken.

"Ah... Eh...Pano mo po nakilala si Papa?"

Ang galing naman kasi. Hahaha. Ang liit talaga ng mundo.

Umupo muna siya dun sa mahabang bakal sa silya bago nagsalita.

"Magkatrabaho kasi kami noon sa NHCM, sa Mandaluyong. Kaya lang may topak Papa mo kaya ayun, umalis sa ospital. Tsk. Sayang, ang dami pa namang naghahanap sa kanya noon. Wala na tuloy joker sa ospital nung umalis siya. Hahahaha. Kamusta na nga pala siya?"

At joker pala si Papa noon?

Di pa rin pala siya nagbabago. Hahaha

"Ayun po, okay naman. Actually po tito, kababalik lang nila galing sa Bicol. Nagbakasyon po kasi sila ni Mama, at balita ko po pupunta naman silang Cavite. Hehehe. Tama po kayo may topak nga si Papa. Napakagala pa po. Hahaha!"Totoo naman kasi. Akala ata binata pa siya. Hahaha

"At namana mo ang pagiging gala ng Papa mo." - seryosong sabi niya.

Bago pa naman ako nakasagot tinanong na agad niya ko.

"Bakit nga pala napadpad dito?"

AT PINAGPAWISAN NAMAN AKO NG MALAGKIT DUN!

Nakiupo na rin ako bago sumagot dahil bigla akong kinabahan.

"Ah... Eh, kasi po... Nabalitaan ko po kay Trisha, yung kaklase po niya, na nalaglag nga daw po si Melaine sa hagdan kaya po naisipan kong pumunta dito para dalawin siya." - sagot ko.

Totoo naman kasi diba? Alam niyo naman yung totoo diba? Hehehe

Pero parang di narinig ni tito yung paliwanag ko...

"Paano mo nakilala si Melaine bukod sa kaibigan mo rin ang kaklase niya?"

Oh... ow... Eto na nga. Interview na.

"Ahm, kaklase ko po siya nung elementary. Kaso di naman po niya ko napapansin nun dahil parang galit sa mga lalake. Hehehe. Pareho din po kaming transfer sa school that time. Ayun nga po, lagi kong napapansin na tahimik lang at madalang makipagusap sa lalake unless school matters po."Nakatingin lang ako kay tito at ganun rin siya saken. Kaya tinuloy ko na lang yung pagkkwento."After po ng graduation namin, di ko na ulit siya nakita. Until one day, nung kasal ni Kuya Drew at Ate Kath, naging kapartner ko si Melaine." Napangiti naman ako. "At mukhang di ako namukaan ni Melaine nun.Hehehe." Napakamot na lang ako sa ulo ko. " Di ko alam kung ano pong dapat itawag dun. Destiny kaya yun? O soulmate ko siya kaya kami nagkita ulit. Hehehehe."

Napatingin naman saken si Tito at di ko makuha yung expression niya. Hehehe.

E? Mukha ba kong bakla para sabihin ko yung perception ko tungkol sa biglaan naming pagkikita? Oh well... Ganun talaga ko, pagseryoso ko. Ang weird ko lang kasi, sa mga taong malalapit sa kanya kaya kong sabihin kung anong nararamdaman ko na walang alinlangan. Pero sa harap niya, wala na. TORPE na ulit ang Tim.

"So, anong gusto mong iparating saken ngayon? May nalalaman ka pang destiny destiny dyan! Hahahaha."

Akala ko seryoso si tito sa pagtatanong biglang tawa ba naman ng ganun. =____=

"Pwede po bang manligaw kay Melaine? Alam ko po masyadong mabilis, pero wala naman po akong masamang intension kay Melaine e." - paliwanag ko.

Alam kong alam natin pare-pareho na kami na ni Melaine pero gusto ko syempre manligaw pa rin ng pormal para ipakita na totoong seryoso ako sa kanya at handa kong patunayan yung sarili ko sa kanya.

Bigla na naman naging serious si Tito. Dito siguro nagmana sa Melaine. Hehehe

"Akala ko ba hindi ka niya napapansin at tila galit sa mga lalake? E bakit ngayon gusto mo na siyang ligawan agad-agad?"

"Alam ko na po yung dahilan kung bakit siya ganon makitungo sa mga lalake noon, at naiintindihan ko po siya. At isa pa po, handa akong tulungan siya para makalimutan niya na yung nakaraan niya."at kinuyom ko naman yung kamao ko nang maalala ko yung lalakeng yun.

"Ah. Alam mo na rin pala." At tinap naman ni tito yung balikat ko. "Salamat. Alam kong mabilis para magtiwala sa'yo, pero sa mga narinig ko, nakakagulat na ibinahagi sayo ni Melaine kung anuman ang meron sa nakaraan niya. Di ko inaasahan na yun alam mo ba? Ibig sabihin lang nun may tiwala siya sayo. Huwag mong sisirain yun ha?" Sabi ni Tito sabay ngiti.

Di ko naman pwedeng sabihin kay Tito na kaya lang nasabi yun ni Melaine dahil uminom kami, e baka masapok ako at si Melaine pagnagkataon.

"Opo. Makakaasa po kayo Tito. Maraming salamat po sa tiwala." - sabi ko kay tito sabay ngiti.

"Tara na't pumasok na tayo ng makakain na rin tayo. Tanghali na." - pagyayaya ni tito.

Sumunod na lang ako kay tito papasok sa loob.

+++> Yun oh. Mukhang good vibes ang chapter na toh para kay Tim.Tuloy tuloy na kaya? Hmm... ^________^

Melaiü

When will be OUR RIGHT TIME?♥ (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon