Chapter 21

45 2 0
                                    

No one's POV

Ngiting ngiti naman si Tim nung makapasok na siya na bahay kasama ang tatay ni Melaine na ipinagtaka ng lahat.

'Ano kayang pinagusapan nila?' sa isip-isip ni Melaine

'yeeeeeeeessss! may basbas na ko ng tatay ni Melaine. Pwede na talaga kong manligaw' tuwang tuwa si Tim sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng Tatay ni Melaine.

samantalang yung ibang mga tao sa bahay ay abala sa pagluluto, pagchibog, pagaayos para sa overnight.

/usapang mag-asawa - nanay&tatay ni Melaine

Nakita ng nanay ni Melaine na ngiting ngiti ang asawa nito..

"Mapunit naman bibig mo dyan sa sobrang lawak ng ngiti mo." pagbati nito sa asawa.

"Masyado bang halata na masaya ako? Ay mali, na soooooobrang saya ko?" tatay. at nag-open arms pa. haha

"Ano na namang kalokohan ang sinabi mo dun sa bata?" seryosong tanong ng asawa niya.

"Weh? Kalokohan ba yun? Porket nakangiti ung bata kalokohan na? Hindi ba pwedeng good news muna? Ha?" sabi ng ama na tanong vice ganda pa. Hahaha

"Loko ka talaga!" sabay hampas ng may bahay nito sa kanya.

At nagtawanan na lang sila..

/Meanwhile, ang tunay na mga dalaga't binata ay abalang nagkkwentuhan sa salas. :)))

"Uy Tim, ano balita? Anong sabi sayo ni Tito?" tanong ni Jade sabay upo nito sa katapat na upuan.

ngumiti lang si Tim bilang sagot.

"Napakadaya mo Tim! Bakit ba ayaw mo ishare? Nung hiningi mo yung number ni Melaine binigay ko naman ah!" paalala ni Trisha sa binata.

"Hahahaha. Kasi ganito yan~" - Tim

"Hoy! Hindi ba't saken mo dapat yan unang ishare?!" sabay batok kay Tim.

"Aray naman! Syempre sasabihin ko sa'yo, tutal andito ka na rin... Umupo ka na sa tabi KO.^____^" at inemphasize pa talaga niya yung "KO"

"Kapal nire! Dali, kwento mo na!" pagmamadali ni Melaine.

"E kasi nga... Ganito yun... Kanina diba nagusap kami ni Tito sa labas. Marami kaming napagusapan, tungkol sa family ko... At syempre.." tumingin muna ito kay Melaine bago magsalita "SA'YO"

"iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiih!" pagtili ng dalawang kaibigan ni Melaine.

Samantalang siya e nag-init bigla ang mukha dahil sa narinig.

"Wag nga kayo dyan! Dali na kasi! ituloy muna! Bagal bagal magkwento!" mabilis na sabi, ay mali, UTOS pala nito kay Tim.

"Hahahahaha! Eto na nga, to cut the story short..." Tumayo ito at sumigaw. "PINAYAGAN NA KONG MANLIGAW NG TATAY MOOOO! FINALLY, MAGIGING TOTOO NA ANG LAHAAAAT!"

dahil sa lakas ng boses ni Tim, nagsulputan ang mga kaklase nila at syempre, nagtanong kung anong problema ni Tim. :)))

"Lalake! Anyare sayo?" - Mariz

"Gutom lang yan! hahahaha!" - Dawn

"Woooh! Narinig ko ang lahat! Legal na ang gagawing panliligaw ni Tim kay Melaine dahil pumayag na si Tito!" - masiglang paglalahad ni Nelly.

samantalang ganito pa rin ang ekspresyon ng mukha ni Melaine sa nalaman --> (o゚□゚)o

"Uy! Galaw galaw meow!" - Jade

pero wala pa rin itong imik.

"Meooooow!! Wag kang kiligin dyan!!! Ayos lang yaaaan! hahahaha" pambubuska ni Trisha sa kaibigan dahilan para matawa ang iba pang naroon sa bahay.

/Balik tayo sa mga parents ni Melaine.

Lingid sa kaalaman ng lahat ay dinig pala sa kwarto ng magasawa ang sigaw ni Tim. Kaya naman~~

"Aba! Kaya naman pala ngiting ngiti kayo! Yun na yon?! Yun na ang pasabog mo?" sabi ng babae sa asawa nitong nakaupo habang umiinom ng kape.

"Bakit? Hindi ka ba sang-ayon sa ginawa ko?" tanong nito ng may mapanuksong tinig.

"Ahm..Hmmm..Hindi...hin~~"

hindi pa man din nito natuloy ang sinabi ay sumabat na agad ang lalake.

"Ano?! Hindi mo gusto?!" biglaan itong napatayo sa kinauupuan dahil sa di inaasahang sagot ng asawa.

"E teka! Tapos na ba ko?! Kaya di tayo magkaintindihan ayaw mo ko patapusin!" pagtaas din niya ng boses. At umupong muli ang asawa nito. Kaya tinuloy niya ang pagsasalita. "Hindi ako tutol sa pagbibigay mo ng pagkakataon sa binatang iyon. Nakikita kong mabait ito at sincere sa ating anak. Lalo na noong malaman nitong nalaglag ito sa hagdan. Ang layo ng pinanggalingan pero hindi nagdalawang isip na dalawin si Melaine. Sana lang hindi magbago ang batang iyan." kalmadong pagpapaliwanag ng babae.

"Sa pakiwari ko'y magbabago nga ang binatang iyon." nagkatinginan silang magasawa "dahil mas LALO nitong aalagaan si Melaine at tutulungan." nakangiting saad nito.

"Ha? Tutulungan?" kunot-noong tanong ng babae.

"Tutulungan niyang makalimutan ni Melaine ung kababata niyang si Ian." seryosong sagot nito.

Napailing na lamang ang babae sa ideyang asawa..

**

Okay. Ano kayang mangyayari kay Melaine at Tim?

Pano pag nagpakita na si Ian kay Melaine?

Abangaaaaan.ü

comment and vote lang po.<3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When will be OUR RIGHT TIME?♥ (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon