CHAPTER 2

34 2 0
                                    


Clary's POV

"There you are, kung saan saan kita hinanap"

Totoo ba to? Yung lalaking nasa picture, yung lalaking sinabi kong 'boyfriend' ko, yung pinakasikat dito, yung tinatawag na prince eh nandito?! This is so not happening

"Um hello?" nag wave ng nag wave ng kamay si Dwight sa tapat ng mukha ko kaya naman napabalik ako sa wisyo. Nakatitig na pala ako sakanya di ko manlang namamalayan!

"Uh ano..." magsasalita na sana ako nang biglang magsalita si Ella

"OMG so ikaw pala talaga ang boyfriend ni Clary?"

Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Ella. Jusko. Pwede bang manahimik muna kayo huhu. Pano na ba 'to. Napatingin naman ako kay Dwight at kita din ang pagkagulat at pagtataka sa mukha niya

"Clary? Anong sinasa-" magsasalita pa sana si Dwight pero bigla na kong tumayo sa pagkakaupo at tinakpan ang bibig niya

"Wait lang girls ha? Mag-uusap lang kami" sabay smile ng matamis sakanila. "Tara dun tayo sa labas" bulong ko kay Dwight sabay hila sakanya papalabas.

Dinala ko siya sa may likod ng gym kung saan wala masyadong dumadaan para makapag-usap. Huminto kami sa ilalim ng malaking puno para may silong

"So pwede bang malaman anong meron?" tanong agad ni Dwight sakin pag ka bitaw ko sa bibig niya

Huminga muna ako ng malalim bago nag salita. "Ah ano kasi, teka pano ko ba sasabihin to? Kasi ano, yung ano kasi" di ko talaga alam pano ko sasabihin. Ba't ba ko kinakabahan aish!

Nagulat naman ako nang biglang tumawa si Dwight kaya napatingin ako sakanya. Pinagmasdan ko siya, ang amo amo talaga ng mukha niya, para siyang anghel na pinadala dito sa lupa. Kahit saang anggulo mo tignan, mamamangha ka nalang talaga.

"Ano ka ba wag ka mahiya, you can tell me everything" sabay ngiti sakin "Ano nga ulit name mo?"

"Um Clarisse Del Valle, Clary nalang"

"Ahh you probably know me already but for formalities, I'm Dwight Rivera" sabay ngiti ulit

Waaah! Ang bait niya! Gwapo na nga ubod pa ng bait! Ano bang nagawa ko para madeserve to huhu thank you Lord! Dahil dun nawala ang hiya at takot ko kaya naman naikwento ko na lahat lahat sa kanya

"Ah so to make the story short, you lied to your friends about having a boyfriend and it just so happened na ako yung nakita mo kaya mo ko pinicturan?" tanong niya sakin with matching hawak sa baba.

"Uh oo ganun na nga" nakakahiya talaga kaya napayuko nalang ako

"So you need me to act as your boyfriend?"

Bigla naman akong napatingin sakanya kung nagbibiro ba siya o ano pero wala, nakangiti lang siya sakin. That angelic smile oh gosh

"Ha ah eh hindi naman sa ga-"

"Okay i'll do it!" sabay ngiti ulit. Di ba 'to napapagod kakangiti? Pero ano daw? Okay?! As in okay lang?!

"Ha? Okay? As in oo payag ka ganun?" di pa rin ako makapaniwala

"Yup!"

"Waaah thank you thank you! Ang bait bait mo! Hulog ka ng langit!" naiiyak na ko sa tuwa. "Gagawin ko lahat para lang makabawi sayo promise!" Tuwang tuwa pa rin akong nag tatatalon sa harap niya at umikot ikot sa saya

"Talaga? gagawin mo lahat?" nakangiti paring tanong niya

"Oo maaasahan mo yan! Promise!" proud na sabi ko. Babawi talaga ako sakanya kasi ang bait bai-

The Lie That Brought Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon