Clary's POV
Naglalakad kaming dalawa sa field na puno ng bulaklak nang bigla siyang huminto at humarap sakin. Nagtaka ako nang titigan niya ako sa mata at hindi umiimik. Tinitigan ko rin siya pabalik at napansing ang tangos tangos ng ilong niya, ang ganda ng kutis niya artistahin! Ang lambot tignan ng buhok niya at... yung mata niya. Ang ganda ganda ng mata niya. Kulay brown na pag tinitigan mo parang di mo na kaya umiwas ng tingin. Unti unti siyang lumapit sakin... *budump* *budump*. Hahalikan niya ba ko?! Wait di pa ko ready kailangan ko pa mag toothbrush ulit! Pero lumalapit parin yung mukha niya sakin. Wala akong nagawa kung hindi pumikit na lamang, naghihintay na lumapit siya sakin. Ayan na malapit na ramdam ko na...
*BLAAAGGG!*
"ARAY!" sigaw ko. Hagisan daw ba ko ng unan. Sino ba yon?!
Dumilat ako at nakakita ng isang unggoy na nakangisi sakin
"ANO BA KUYA NATUTULOG YUNG TAO EH!" ganda ganda na ng panaginip ko eh tsk!
"Bumangon kana baka malate kapa pumasok! Tsaka ang pangit mong matulog mukha kang tuod!" tawang tawang sinabi ng dakilang unggoy habang lumalabas ng kwarto ko.
Wth? Siya nga pala ang kuya ko. Ang nag iisang Claro Del Valle na kinababaliwan ng madaming babae. Ewan ko ba kung ano nakita nila dun sus. Inirapan ko na lang siya at nagsimula na kumilos. Ngayon nga pala yung first day ko sa bago kong school. Kinakabahan ako waaah! Ngayon nalang ulit ako magiging new student. Mababait kaya mga tao dun? Friendly? Masungit? Bully? Aish bahala na nga.
Nagsimula na kong maligo at nang matapos ay nagbihis na at nag-ayos. Lagay ng konting make-up, patuyo ng buhok, suklay dito suklay doon. Kung nagtataka kayo, super light make-up lang to kumbaga powder, onting kilay, at kaartehan sa labi lang. Yun lang sapat na.
"Goodmorning Ma!" sigaw ko sabay hug sa mama kong maganda habang nagluluto siya. Oo maganda mama ko mana ako dun eh. Ewan ko ba sa kuya ko saan nagmana, wala namang mukhang unggoy sa lahi namin.
Ay oonga pala, bago ko makalimutan let me introduce myself. Taray english. Ako si Clarisse Del Valle, Clary nalang for short. First day ko ngayon sa bago kong school and last year in senior high school na ko. Kung nagtataka kayo bakit last year na eh lumipat pa ko, wala lang trip lang. Charot. Ngayong taon lang kasi natapos yung pinapagawa naming bahay kaya ayun ngayon lang nakalipat. Hassle right? Anyway, apat lang kami sa bahay; si Kuya, Mama, Papa, at Ako.
"Oh anak ready ka na ba?"
"Kinakabahan pa po ako pero keri lang! Hahahaha" sabi ko with matching taas braso pose.
"Edi wow" epal na sagot ni unggoy
"Hay nako mama alis na po ako at baka masira araw ko kasi nakakita ako ng pangit agang aga" sabay tingin ko kay kuya
"Aba't-"
"BYE!!" sabay belat ko kay kuya. Haha aasarain mo pa ko ha
*ring ring*
Bessy Calling...Waaah si Nadz! sinagot ko yung tawag
["HELLO BESHYWAPS! SAN KANA?!"]
"Pwede ba wag kang sumigaw ang ingay ha jeez! Malapit na ko sa may school BESHYWAPS!" talagang sinigaw ko yung 'BESHYWAPS' para mabingi din siya
["WTH ANG SAKIT SA TENGA HMP! ANYWAY NANDITO NA KO I'LL WAIT FOR YOU MWA"]
"Oh diba alam mo na feeling haha. Sige I'll be there in 5" tsaka ko binaba ang phone
Yung tumawag ay bestfriend ko since pre-school. Classmates kami ever since, pero bigla silang lumipat dito nung magstart ang high school kaya naman laking tuwa ng loka nung malamang lilipat na din kami dito at same school pa. Araw araw nanamang mabibingi ang eardrums ko gahd pero kidding aside, I really missed my bestfriend. Parang kapatid ko na talaga siya and we never let a day pass nang di nakakapag usap. So enough of the introductions dahil andito na ako sa tapat ng gate ng bago kong school. Spell kaba? A-K-O. Lord guide me please huhu!
BINABASA MO ANG
The Lie That Brought Me Love
Storie d'amoreNormal sa isang tao ang gustuhing magkaroon ng kaibigan, gusto mapasama sa isang grupo, at gustong maramdaman na hindi siya nag-iisa. Isa na dyan si Clarisse Del Valle a.k.a Clary na isang NBSB. Dahil wala pang kaibigan sa bagong paaralan ay sinubuk...