chapter 4: inlove kay bespren

11 0 0
                                    

Nolan's POV

Ano bang nangyari sa akin? Nagselos ba ako? Oo mahal ko si bel bilang magkapatid pero parang iba ang nararamdaman ko ngayon. Simula nung pumunta kami sa mall talagang ang saya-saya namin. Nagpakamalan pa nga kaming magsyota. Yun din na time na niyakap ko siya ng mahigpit at nagkiss ako sa forehead niya. Ayoko namang makita siyang nasasaktan. Mahal ko na ba si Bel? Si Carl naman palaging pumapansin kay bel, nag selos ba ako? hay naku Nolan ano ba tong pinasok mo.

(Next day)

Nakita ko si bel sa room, ang aga naman yata.

"Bel, ang aga natin ngayon ah." Sabi ko habang napa upo ako sa chair ko.

"Wala lang.hehe :) bakit? Masama ba?" Sabi ni Bel habang nakatingin sa akin.

Hay naku ang ganda talaga ni Bel, ang mga mata niya na bagay sa kanyang mala dyosang mukha.haayyy!

"Hoy Nolan, ba't nakatitig ka sa akin na parang matutunaw ako. Bakit may masama ba sa mukha ko?" Sabi ni Bel habang ginising niya ko sa pag daydream ko sa kanya.

"Hah? Ano yun?" Sabi ko na parang na uutal sa pagsasalita.

"Sabi ko ba't ka ba nakatitig sa akin, may dumi ba yung mukha ko?" Sabi nya na parang nagtataka.

Tang*ina ano naman tong ginagawa ko, nahahalata kaya niya ako?

"Ay hehe, wala naman bel?" Sabi ko habang naka smile at humarap na lang ako sa pisara.

"Good morning class!" Sabi ni Ms. Reyes na history teacher namin.

"Today class, I will be giving you an outdoor project for this grading. What you will do is look for a historical place. You will take down notes the history in that particular place then you will take pictures and you will do this with a partner." Sabi naman ni Ms. Reyes.

Sana kami ni Bel ang mag partner.

"Ok class, here's the list of your name together with your partner. Ok, group 1: Mr. Lee and Ms. Sanchez, group 2: Mr. Ortiz and Ms. Connor. . . . ."

Ano! Hindi kami magpartner ni Bel?! At partner pa niya si Carl tapos kami naman ni Shiela... ahhhh! Ka inis, ang awkward naman nito oh.

"So you go now with your partner so that you can plan for your project." Sabi ni Ms. Reyes habang pa alis siya ng classroom.

Nakaupo lang ako at lumapit si Shiela,

"Hi Nolan!", sabi ni Shiela habang napa upo sa tabi ko.

Hindi ko lang siya pinansin kasi tinitignan ko lang si Bel na kasama niya si Carl at para naman silang masaya na nagka usap. Haayss! :(

◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆

A/N: hi guys! Sana nagandahan niyo ang chapter nato.

Ano ba naman tong si Nolan, in love ba siya kay bel?
Selosong bestfriend naman tong si Nolan.
Pls. Comment guys!
Sorry sa mga wrong grammar, first time pa kasi. 

Because of himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon