chapter 7: ThE Past

15 0 0
                                    

Carl's POV

iniwan ko muna si Bel para bumili ng pagkain. Pagbalik ko sa di kalayuan nakita ko si bel na may kausap kaya nilapitan ko ito. at narinig ko ang kanilang pinag uusapan.

"may kasama ka?" sabi ni Adrian.

"oo kasama ko si car--" hindi ko na pinatapos si bel at sumingint ako sa kanilang pag-uusap.

"Carl, I'm Carl, kasama ko si Bel para sa project namin". napangiti kong sabi at tinaas ko ang kamay ko para makipag shake hands sa kanya pero hindi niya ito tinanggap at nagpaalam sa lang siya sa amin ni Bel.

Nakita ko sa mukha ni bel na para siyang nagtataka kaya itinaas ko na lang angbiniling kong pagkain para sa kanya, sabay sabi, "oh, binilhan na kita ng pagkain para hindi ka magutom." sabi ko with a smile.

"yaaah! bakit ka ba umalis ng hindi nagpaalam." haha,cute niya pag nagsusungit. weew! nakakakilig naman toh, hay naku nakakabakla. hinanap ba nman niya ako kaya siya nag-alala.

nag smirk lang ako sa kanya habang ibinigay ko ang pagkain.hindi ko kasi alam kung ano ang gusto niya kaya binilhan ko nalang siya ng belgian waffles at thirsty! 4 seasons na shake.

"solomot sa pogkain ha." sabi niya habang kumakain. cute niya hehe.

"talagang hindi ka gutom noh?!" sabi ko habang nakasmirk lng ako sa kanya.

"so ganun pagtatawan mo lang ako." tsss. nagsusunggit na naman tong babaeng toh.

"so tapos kana bang magtake ng pictures?" tanong ko.

"oo tapos na." sabi niya habang iniligpit niya ang kanyang kinain.

5:45 pm na pala pagtingin ko sa aking relo. ihatid ko na siya sa bahay nila.

"ahmmp, bel so tay--"

nang biglang nag ring ang phone ko, sino kaya toh.

*kring* *kring* *kring*

pagkuha ko sa phone, tinitignan ko kung sino. yun lang pala si Trishia ang mataray, medyo slut pero mabait naman kong pinsan. Damn! ano naman kaya ang kailangan na babaeng toh.

"teka lang bel ha, sasagutin ko muna to." sabi ko kay bel, habang lumalayo ako sa kanya ng konti.

"Hello? Sino to?"

Nagpa as if ako na hindi ko siya kilala. Hihi.

((Sh*t Carl, wag ka ngang magmaang-maangan dyan. Alam kong naka save yung number ko sa contacts mo.))

"Oh, anong kailangan mo?"

((Kunin mo ako dito sa airport, ipinatapon kasi ako ng mga magulang kong mabait dito sa pinas.talagang it's more fun in the philippines at dito na rin daw ako mag-aaral.))

"What!? Nandito ka na?!"

((Ay hindi, mukha ba akong nag joke sayo?! Dali na kasi na iinip na ako dito.))

"Oh sya sige, maghintay ka muna dyan. May ihahatid muna ako saglit."

((Hay naku kahit kailan babaero ka pa rin, may pahatid-hatid ka pang nalalaman. Sige na, bsta bilisan mo lang.))

Tot. Tot. Tot. Tot.

Tingnan mo nga naman oh, binabaan na naman ako. Kahit kailan mataray pa rin tong pinsan ko. At ano daw? Babaero daw ako?! Tsss. Noon yun, iba na ngayon.

Pabalik na ako kay bel at nakita ko siyang nakaupo na parang may malalim na iniisip.

"Hoy bel, so tayo na kasi may pupuntahan pa ako."

"Ay oh sige."

Alam kong hindi siya ok, hindi siya umiimik hanggang nasa sasakyan na kami. Ipinaandar kuna ang sasakyan at sinabi na rin niya kung saan sila nakatira. Akalain mo nga naman malapit lang pala sa aming subdivision. Tahimik pa rin siya, hmm basagin ko kaya ang emote moment niya.

"Hoy bel, kanina ka pang tahimik diyan ah, may problema ka ba?" Sabi ko with a smile habang nakatingin ako sa kanya at ibinalik ko rin ang tingin ko sa daan.

"Ahhmm, wala lang to." Sabi niya as she smiles a little.

"Si Adrian ba ang iniisip mo?"

Alam ko kasing ex niya yun dahil sinabi sa akin ni Trishia. Si Trishia kasi ang fiance ni Adrian. Ipinagkasundo silang dalawa sa kanilang magulang at alam niyo na ganyan talaga pagdating sa business world. At kita ko pa rin sa mata ni Bel na mahal pa rin niya si Adrian. FYI, si Adrian lang din naman ang dahilan kung bakit namatay si Zac ang pinaka bestfriend ko sa grupo namin na 'The Wild Boys'. Naganap ang aksidente 2 years ago at labag sa kalooban ko na naging fiance siya ni Trishia pero wala akong magawa kaya matindi pa rin ang galit ko sa kanya. Sa susunod na chapter ko nalang sasabihin ang detalye sa aksidente kasi tinatamad si author. :)

"Hah?! Paano mo nalaman ang pangalan niya?" Sabi niya na parang na curious siya sa pagkasabi ko.

Hooh! Bakit pa kasi nadulas, pano na'to. Aiish!

"Hah? Aaa. Aah. Ahhmp ano kasi ahmm tama! Kasi nakita ko siya sa canteen tapos may tumawag sa kanya kaya nalaman ko ang kanyang pangalan. Hehe." grabe pre! Palusot.com talaga ako dito. Hay naku!

"Ah, ganun ba." Sabi niya. Tapos tahimik pa rin siya pero mayamaya narinig kong sumisinghot siya. Umiyak ba siya? Paliko na ako sa subdivision nila. Malapit na kaming makarating sa bahay nila. Paglingon ko nakita kung tumulo ang luha niya.

"Ahmmp, Carl ipahinto mo na lang sa may color gold na gate." Sabi niya habang singhot pa rin siya ng singhot.

Ipinahinto ko ang kotse ko sa tapat ng bahay nila.

"Salamat sa paghatid ha." Sabi niya habang buksan na sana niya ang pinto ng hinawakan ko ang braso niya. Nakatingin lang siya sa kamay ko na nakahawak sa braso niya at bumalik din ang tingin niya sa akin.

"Bel, sabihin mo ko kong anong problema mo. Nandito lang ako para sayo."

Nagkatinginan ang mga mata namin at kitang kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Talagang maluluha na siya.

"Bel, sinasaktan ka ba ni Adrian?" Binitiwan ko siya sa pagkahawak ko at nakatingin lang ako sa kanya. Yumuko lang siya at humahagulhol siya sa pagka iyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, gusto ko siyang yakapin. Hindi ko kayang may makita akong umiiyak na babae, weakness ko yan. Aaaiish!

Habang umiiyak siya may sinabi siya sa akin.

"Alam mo ba Carl, yung tipong gusto mong magalit sa kanya pero hindi mo magawa kasi habang nakikita ko siya lumalakas ang tibok ng puso. Alam mo Carl, mahal ko pa rin siya. Pilit ko siyang kinakalimutan pero dahil sa lintik na pusong ito, hindi yata kinaya. Kaya ngayon talagang I'm trying my best to forget about him."

"At sa tuwing may kasama siyang iba, gusto kong magalit at magselos pero hindi ko magawa dahil wala naman akong karapatan na gawin yun dahil wala na kami. Dahil iniwan niya ako at hindi ko alam kung ano ang dahilan, huhuhuhu T_T"

Iyak pa rin siya ng iyak at talagang naaawa na ako sa kanya. Lintik na Adrian na yan, nananakit ng babae.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dito kaya... kaya niyakap ko nalang siya. Ano ba tong ginawa ko haaisshh..

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

A/N: Next UD ko nalang ang continuation nito. Inaantok at tinatamad na rin ako. may pasok pa bukas.

Hmmmp, talaga namang pumaparaan naman tong si Carl.
So abangan niyo nalang ang mga susunod na mga eksena sa next UD ko. Stay on my update guys! Pls. Vote and comment!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Because of himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon