🌙 ; 00:04

13 1 0
                                    

🌙 ; 00:04

Title: Ina

Ina, iyan ang ilaw ng tahanan

Sa mga anak namay, sila ang nakakaalam ng kabutihan

Ina, sila ang ating sandigan

Sa tuwing, tayo ay may kinikimkim na kalungkutan

Ngunit bakit sa akiy kabaligtaran?

Kung kalian ako ay may karamdaman

Wala akong malapitan

Sinubukan kong tapusin ang masamang nararamdaman

Ngunit ang aking kailangan,

Ay pagmamahal ng isang ina na nariyan

SInubukan kong maging isang mabuting anak,

KAhit akoy nasasaktan, sinusubukang pigilan ang pag-iyak,

Sa dahilan na ayaw kong magaalala ang minamahal kong ina na sinusunod ko ang bawat yapak

Madaming pagsubok ang aking tiniis,

Hindi pinapakita ang matagal nang paghihinagpis

Sapagkat ayaw kong mabigo ang aking nagiisang ina,

Gustong palaging masaya ang kanyang mga mata

Subalit bakit iba ang aking nakikita?

PArang hindi sapat ang aking mga ginagawa,

May pagkakamali ba akong ipinakita?

O sadyang hindi ako tanggap ng aking ina?

Gabi-gabiy iniisip,

Ano ba ang problema sa sarili

Hindi pa ba sapat ang pag-aaral ng mabuti?

O kailangan ko pang taasan ang sarili?

Hindi ko pa nasasabi kung gaano kahirap,

Ang makita ang presensya ng iyong ina,

Ngunit hindi maramdaman ang pagmamahal nya

Napagdesisyunan kong sumuko,

Sukuan ang gyerang matagal ko ng linalabanan mag-isa

Subalit akoy maghihintay pa rin kahit duguan na,

Maghihintay pa rin na mapansin ng aking ina.

*-evans

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unknown Poems And ShitsWhere stories live. Discover now