🌙 ; 00:03

10 1 0
                                    

🌙 ; 00:03

Title: Tanga

Masarap ang magmahal ng labis,

Pag ako'y walang kasingtamis

Ako'y magiging madahan kung ayaw mo ng mabilis

Sapagkat para sayo , ako'y magtitiis

Sa tuwing ika'y lilisan

Yayakapin ka ng lubusan

Dahil labag sa loob na ika'y mangiiwan

At baka di na bumalik kahit kalian

Napamahal sayo ng sobra,

Na kahit maghanap ka ng iba,

Hindi magdadalawang isip na payagan ka,

Basta't kasiyahan ay meron ka

Umiiyak gabi-gabi,

Dahil sa sinabi mong "ayoko na, sorry."

Alam kong hindi na maaari

Ngunit bakit parang ako'y nakatali

Mahal kita,

Para sayo'y handang magpakatanga

Promise, ang sakit- sakit na

Pwede bang bumalik ka na?

Nakakainis, ang tanga-tanga ko,

Ayaw mo na nga, pinagpipilitan ko pa rin ang sarili ko

Pasensya na, nagmamahal lang naman ako

Sandali lang, pwede bang tulungan mo ako?

Sabi mo, dapat itigil ko na,

Ang paglapit sa'yo sa tuwing ika'y nakikita

Ang tanong ko'y "paano nga ba?",

Dahil ang limutin ka'y parang hindi ko kaya

Patawad, mahal pa kita,

Ang puso ko'y di maitapon ang ating mga ala-ala

Sa simpleng "paalam na,", grabeng sakit ang nadama

Sana, hindi na lang kita nakilala

Ngayon ako'y nakalimot na,

Tapos na ang aking pagluluksa,

Ngunit bumalik ka at nagsalita

"Tayo na, pwede ba? Namiss kita, sobra."

Bakit bumalik ka pa?

Sinaktan mo ako at iniwang mag-isa,

Tapos babalik-balik ka?

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang sampalin ka

Sa sarili'y nangako,

Hinding-hinidi na babalik sa'yo,

Bahala ka na sa sarili mo,

Basta ang alam ko,

Tapos na tayo.

*-evans

Unknown Poems And ShitsWhere stories live. Discover now