Chapter 41

107 2 0
                                    

Zabrina's Pov

Nakatayo lang ako at habang sila nagtatawananan, at napatingin sila sakin at halata sa muka nila ang pagkagulat,

"A-anong i-ibig s-abihin nito?"
Sabi ko.

Nagkatitigan si Chloe at si Cloud, At bigla nalang nagtawanan. May gana pa talaga silang Tumawa huh! Manloloko sila! Bwisit! nakakainis sila!!

Habang tinitingnan ko sila na tumatawa. at si Cloud na namumula na kakatawa. at si chloe din na tumatawa na may halong sipa pa sa Tiles nila. Bwisit!

"MAGSAMA KAYO!" Sigaw ko. at napahinto naman sila sa kakatawa ng bigla akong sumigaw. at ako umalis na ako hindi ko na napigilan ang sarili ko. bwisit sila! Manloloko! Tapos sarili mong Bestfriend Niloloko ka! Nakakainis! magsama sila!

naglalakad ako pero alam kong sumusunod si Cloud sakin. pero Wala akong pakealam! Magsama sila! nakakainis

"Zabrina, Let me explain--" magsasalita na sana siya ng bigla akong nagsalita.

"NO NEED TO EXPLAIN! ANG KAPAL DIN NG MUKHA MO NOH!? ANG GALING NIYO GRABE MAGSAMA KAYO!" Hindi ko na talaga mapigilan sarili ko sa kakasigaw. Habang Umiinit na ang ulo ko sa dalawang to nakakainis! >< Tinitigan ko ng masama si Cloud at Tingnan mo nga naman! Napangiti pa siya sa Sinabi ko sa kanya. So totoo talagang May relasyon sila ni Chloe? Habang nakatalikod ako?! Grabe! Ang sama nila!

"Kung ngumingiti ngiti ka lang dyan! Umuwi ka na! Magsama kayo!" Sigaw ko at kaagad ako sumakay sa tricycle na pinara ko. bwisit. Narinig kong sumisigaw si Cloud. pero Wala akong Pakealam! Ang sama nila.

***

Nandito na ako sa bahay, at dumiretso agad sa kwarto ko. buti nalang wala dito si mommy at si kathe, Nag shopping nanaman siguro sila. Nakakainis talaga ang araw na to.

"KNOCK! KNOCK!"

" pasok po." Mahinhin kong sabi at kaagad naman pumasok si Manang lorna na may dalang Tray.

"Kumain ka muna hija." Sabi ni manang tapos nilagay niya yung tray malapit sa Study table ko. at ako naman nakahiga na naka kumot.

Biglang inalis ni manang yung kumot ko at umupo siya sa tabi ko.

"May problema ka ba hija?" Sabi ni manang. at umiling naman ako bilang sagot ko.

"Sigurado ka? Bakit ganyan Itsura mo? Kumain ka muna." Sabi ni manang sabay nilagay niya sa harapan ko yung Tray. may Stand naman yung Tray kaya hindi siya matutumba o Mahuhulog.

Napatingin ako sa Tray na may laman na Pagkain na inihanda sakin ni Manang, Fresh milk tapos May Bread na May Cream Cheese at may donut pa na nakalagay sa Box ng Krispy kreme. At may Pasta pa.

Kumain muna ako ng Pasta. habang tumingin ako kay manang. Si manang Lorna. Matagal na siyang Nagtatarabaho dito sa bahay namin. Halos pagkabata ko Siya na nagaalaga sakin noon, kasi nung bata pa ako nasa Amerika sila mommy nun.

pagkatapos kong kumain ng isang Subuan lang ng pasta, Humiga na ako.

"Zabrina, Ayaw mo ba Ang inihanda kong pagkain sayo? Matabang ba? O may kulang? Naku Hija, pasensya ka na ah--" hindi ko na pinatapos si manang ng ako na ang nagsalita.

"Okay lang po M-anang, Masarap po siya kaso po masama ang pakiramdam ko po, Pasensya na po manang. Nagluto ka pa po ng Pasta.Sorry po." Sabi ko kay manang ay niyakap ko siya. Ewan ko ba bigla nalang sumama pakiramdam ko at parang maya maya Iiyak na ako. ewan ko kung bakit ako naiiyak eh. Hayst. Tch.

"Naku Hija, sige na Magpahinga ka muna Maiwan na muna kita." Sabi ni manang at dinala niya na ang tray. at lumabas na siya ng pintuan ko. at maya maya bigla akong nagkumot. At pakiramdam ko May tumutulo na ng Luha sa Mga Mata ko..

At Humagulgol na ako sa pag iyak ko..

***

Cloud's Pov

"ANO NA!? CHLOE ANNE!? NAGTEXT NA BA SIYA SAYO?! TUMAWAG KA NGA SA BAHAY NILA! DALIAN MO NA!" halos magwala na ako sa pagaalala ko kay Zabrina, Kasalanan to ni Chloe eh! Pinapunta niya pa kasi ako dito sa bahay! Nagpapatulong daw kasi siya! Bwisit! Nahuli tuloy kami ni Zabrina! At Wala na! Mageexplain pa sana ako sa kanya wala na talaga! Argh!

"Saglit nga lang, Hindi ako yaya, para utusan mo ako ng ganyan!" Sigaw niya habang may pinipindot siya sa Phone niya.

"BAKIT BA!? BESTFRIEND MO YUN! KAYA KAILANGAN KAUSAPIN MO YUN! HINDI KA BA NAGAALALA!? TAPOS NALAMAN NIYA NA YUNG TOTOO!" Sigaw ko sa kanya. bigla siyang napatingin sakin ng Masama at Pumipindot nanaman siya sa Phone niya.

"ANO BA!? CHLOE ANNE! WALA KA BANG REAKSYON!? NA NA NALAMAN NA NI ZABRINA YUNG TOTOO!? PAANO NA!? PAANO NA KAMI!? KASALANAN MO TO! NAKAKAINIS KA! TAWAGAN MO NA SIYA!" Dahil sa pagsisigaw at sa galit ko nasipa ko yung Flower vase sa Center Table namin, At Nabasag yun. Bwisit! nakakainis!

"ANO NA CHLOE!?" Nagtaas nanaman ako ng Boses at lumapit sa akin si Chloe.

"Wag mo akong gaganyanin! Masyado ka na ah! Makasigaw ka ang lapit lapit mo naman sakin? ano ba sa tingin mo sakin BINGI HUH!? BINGI?! Ito na nga eh! Tinatawagan, Tinetext na nga yung girlfriend mo! hindi ka makapaghintay! Ito na! Naka Hundred text na ako sa kanya! Hindi ko na mabilang! Ano naman kung Alam na niya yung totoo? Na magkapatid tayo?! Wala akong pakealam! Pwede naman Ipaliwanag sa kanya diba?! Bakit ano ba sa tingin mo?! Na iiwan ka niya?! Ganoon ba?!"
Napahinto nalang ako sa sinabi ni Chloe sakin. at tiningnan ko lang siya. Oo tama siya kasi baka mangyari nanaman sakin yun g Dati. pero... nakita ko nalang ang kamay ko na Dumudugo na at napatingin ako sa Vase na nabasag at nahawak ko yun ng mahigpit.

Hanggang sa Nawalan na ako ng Malay ng nakita ko yung umaagos na dugo sa kamay ko.

"CLOUD--"



***

Chloe's Pov

Nandito kami sa Hospital, Nawalan ng Malay si Cloud. Nagulat na nga lang ako Puro Dugo na yung Kamay niya Tapos Nasugatan pa yung kamay niya Ng Dahil sa Vase na Nabasag kanina sa House.

Kanina Hindi ko talaga alam na Pupunta si Zabrina sa Bahay namin. As in Wala siyang Paalam na pupunta siya. At Hindi ko talaga alam at pinapunta ko dito si Cloud Sa Bahay. Hindi kasi kami magkasama Sa Iisang bahay ni Cloud. Si Cloud nakatira dun kala Tito pati Kala Tita. Malapit Lang Sa House namin. Dun kasi gusto niya. At Ayoko talaga Ipaalam kay Zabrina na Kapatid ko si Cloud. Ayoko talaga. Kasi Alam kong Ugali ni Zabrina.

At kanina Nasigawan ko pa si Cloud, Ganun talaga siya Mag Panic. Ayaw niyang Masaktan ang Babaeng mahal niya? At Sa Sarili niya Ayaw nya talagang Masaktan siya. Ganun siya Mag Panic.. Kasi Ayaw niyang Mawala ang Babaeng Mahal niya. Kasi Baka Mangyari nanaman iyon sa kanya Dati. Ng Maiwan siya ng Babaeng Mahal niya...

"Cloud! Chloe! Gising na kuya mo!" Sabi ni Mommy, Habang hawak hawak ni Mommy yung isang kamay ni Cloud. Yung isa kasi naka Benda yung kaamy niya yung Nasugatan. I hate it pag Tinatawag ni Mommy Si Cloud ng Kuya ko? KO?! Eww. Sanay akong Cloud ang Tawag ko sa kanya. Pero Ang Kuya? Yuck. No! Kahit Matanda siyang Isang taon sakin. I Don't Care.


Napatingin ako kay Cloud. Minumulat niya yung Mata niya...


"C-healsea...." Nagulat nalang ako ng Yan Ang Sinabi niya. Nagkatinginan kami Ni Mommy...


Naaalala nanaman niya si Chealsea.. Kasalanan mo to Chealsea...


***

To Be Continued....

A/N : OMG! sino kaya si Chealsea? At Bakit parang natatakot sila Chloe ng Dahil dun kay Cloud? Pati dun kay Chealsea? Ano bang nangyari Sa Past ni Cloud? Comment please and Vote! ❤❤❤❤❤

Ms.Sungit Meets Cookie MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon