Chapter 11- Sy's Residence

5.7K 131 6
                                    

Zoe's POV

First day as Zander's tutor at ewan ko lang kung anong ituturo ko sa kanya. Mantakin mong di man lang nagbigay ng kahit anong books or hand outs nya basta pumunta lang daw ako sa bahay nila at doon ko na daw turuan.

Kaya yun nalang ang ginawa ko.Nakita ko si Manong Guard sa guardhouse ng Subdivision na ito, oo guardhouse alangan namang Doghouse diba eh guard nga sya eh hindi dog.

Haha nababaliw na ako. Nahawa na ako kay Blake.

"Good Morning po Manong Guard. Saan po ba dito ang Sy's Residence?"

"May I have your ID Miss." Char! Umienglish si kuya.

Ang strict naman dito. May pa.ID pang nalalaman.

"Sino sa mga Sy ang kailangan mo?" Tssss, akala ko pa naman tuloy-tuloy ang spokening english ni kuya.Tiningnan ko ang calling card na ibinigay ni Zander

"Alexander Sy po."

"Wag mong sabihing magwawala na naman ito sa labas ng bahay ni Sir Zander at sasabihin sya ang anak ng pinagbubuntis nito? Iba na talaga ang babae ngayon, ang lalandi. Sila pa ang pupunta sa bahay ng mga lalaki ngayon." Bulong niya then he sigh.

Bulong na sinasadyang iparinig.Teka ako ba ang pinagtutungkulan nito?

"Tutor Teacher nya po ako MANONG GUARD" may diin kong sabi.

Anak ng tinapa naman. Ako? Isa sa mga babae ng lalaking na iyon? Kadiri lang ha? Sa lalaki pang iyon?

"Sorry po Miss. Akala ko kasing isa sa mga babaeng iyon." napakamot ng ulo si Manong Guard. Di ko nalang pinatulan.

Agad nyang sinabi kong anong street ang bahay ni Zander. Agad ko naman yung natuntun.Nasa harap na ako ng bahay ni Zander, ewan ko lang kung bahay ang tawag dito ha.

Ang laki kasi ng bahay este mansion nila, nakakapangliit. Talaga di maipagkakailang mayaman ang mga Sy.Pinindot ko ang intercom sa gilid ng gate at nagsalita agad.

"Hello, Good Morning po, ako nga po pala yung Tutor na inaantay ni Zander."

"Name?"

"Athena Zoella Dela Cruz" pagkasabi ko noon ay agad naman bumukas ang gate. Ang high-tech naman. Sinalubong ako ng katulong at sinabing sumunod ako sa kanya.

Sa paglalakad ko, nakita kong nakahilera ang mga magagarang sasakyan sa kaliwa at kanan. May nagbukas naman sa malaking door ng bahay nila Zander.

Napanganga ako sa nakita nang makapasok na ako. Teka nasa Pilipinas pa ba ako? May nakita akong isang babaeng bumaba sa staircase, tantiya ko nasa 25 ang age nito.

"Who are you? And what are you doing in here?" nakataas kilay nyang sabi. Dali- dali namang umalis ang mga katulong nila.

Parang iba ang pakiramdam ko dito ah.

"Tutor po ni Zander." Kakaiba talaga pagmayaman.

Biro nyo parang nasa mall lang ito, napakaayos kasi ang damit nito. Eh ako? Parang basahan lang kung itatabi sa kanya.

"Tutor? Who needs one?" taas kilay na tiningnan nya ako mula ulo hanggan paa.

"And you as a tutor? Unbelie-"

"ALEXANDRA SY!!!!" nakita kong dali-daling bumaba si Zander, may halong galit ang mukha nito.

"What? I didn't do anything Zander. Kinakausap ko lang sya." nakataas pa rin ang kilay na nakatingin sa akin.

Disingenuous Heiress(Formerly My Curtain Girl) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon