Chapter 2Lathinian Selcouth Psy International School
Ang panghapong araw na yun ay sadyang nakakapang-halina kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Kaya hindi ko talaga napigilang matulog ng hapong iyon at kailangan ko rin naman ng tulog dahil maraming bumabagabag sakin this past few days. Haysss! Ewan ko ba kung ano-ano yung mga bagay na yun.
Siguro dahil college nako at kailangan ko ng mag-focus ng todo sa school. Ang problema nga lang, magka-schoolmate kami ng stepsister kong bruha at malaki ang chance na lagi ko syang makikita, although mas matanda sya sakin ng 2 years. 3rd year college na yung bruha at ako naman 1st year palang, kinakabahan talaga ako na ewan. Sana naman walang mantitrip sa itsura ko dun. Yung school kasi na papasukan ko bukas ay exclusive for elite students only, kaya expected mo talaga na magaganda tsaka gwapo yung mga estudyante dun. Mababahiran lang siguro dahil papasok na ako dun bukas.KINABUKASAN
"Frenny talaga bang college na tayo? Parang natatakot akong pumasok sa classroom natin. " with matching naiiyak ang peg nya, that's Reynald Arman Suarez short for Arcie dahil kamukha daw nya si Arcie Moñuz, wala daw aangal.
"Oo nga bes, nanginginig na yung tuhod ko dahil sa dami ng gwapong fafa na nakakasalubong natin hihihihi at the same time kinakabahan ako ng sobra. " and that is Yamiko Yura Tanobi short for Yura (she's a pure-blooded japanese pero dito sya lumaki sa pilipinas dahil nandito yung parents nya).
"Hays hindi lang naman kayo ang natatakot tsaka kinakabahan, ako din kaya. Feeling ko nga hindi ko kayang harapin ang college life huhuhuhuhu" OA na kung OA pero naiiyak talaga ako kasi naman wala kaming kilala kahit isa dito, tapos yung tingin ng mga estudyante para kaming virus na nakakahawa sa mata nila.
"Pero kailangan nating harapin ang bagong yugto ng buhay natin para makamit natin ang ating mga matataas na pangarap." madamdaming sabi ni Arcie with matching hawak pa sa kamay naming dalawa ni Yura tapos taas sa ere.
"Tara na nga! Para naman tayong tanga dito, tsaka kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga estudyante eh." agad akong naunang naglakad sa kanila para hanapin ang principal's office dahil nandun sa kanila yung schedule namin tsaka kung saan yung room naming tatlo. Tama po kayo ng pagkakabasa, classmates ko po ang dalawang kasama/kaibigan ko. Ewan ko ba sa dalawang yun kahit saan ako, kailangan nanduon din sila tsaka may gasgas silang motto at yun ang "One for All, All for One". Tsk sabi sa inyo eh gasgas kaya pati course na kinuha ko, kinuha rin nila at ayaw daw nilang iwan ako hahahahahaha ang sarap sa feeling na dinadamayan ka ng mga kaibigan mo pero okay lang naman sakin.
"Kanina pa kaya tayo naglalakad para hanapin yung principal's office, ang sakit na ng paa ko." nakapout na maktol ni Yura.
"Magtanong nalang tayo para less hassle kakahanap." tugon ko sa kanila na agad namang sinang-ayunan. Kaya naman ng may makasalabong kaming dalawang estudyante ay agad naming nilapitan para magtanong.
"Uhm.. Excuse me." nakangiting pagpukaw ni Yura sa kanilang dalawa.
"Yes?" nakangiti ring tugon ng babae. Actually ang ganda nila pareho tsaka ang puti, ang pagkakaiba nga lang ay yung katawan tsaka height nila, at yung sumagot naman ay yung maliit.
"Saan po ba banda dito yung Principal's Office?" nahihiyang sabi ko sa kanila, kasi naman parang nakakatomboy silang tignan. Tapos pareho na rin silang nakangiti na medyo weird yung tingin nila saming tatlo.
"A-ahh Oo tsaka kanina pa namin kasi paikot-ikot di namin mahanap tsaka anlaki masyado mg school na ito." medyo alangan kong sabi.
"Oo nga mga Sis! Di naman mahanap, nagkapaltos nga ako kakalakad namin." maarteng turan ni Arcie sa kanilang dalawa.