JUNE 01 / 1992
LUNESBayan Ng Sta. Maria
- Inahh POV
Lunes na ng hapon, nakaupo ako sa isang bangko malapit sa bintana, tanaw ko mula rito ang araw na palubog na naman, sa isang kurap ng aking mga mata, dinig ko na naman ang misteryosong orasan na tila'y naghahabol ito ng oras.
Eto na naman, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Sa tuwing pag-gising ko , wala akong maalala na kahit ano ngunit may isang alaalang natira , pero hindi ko masyadong naaaninag ang kanyang postura, bumangon na ako sa aking higaan at nagsipilyo,naligo,at pumasok sa trabaho.
Makalipas ang ilang araw hindi ko na ulit narinig ang isang kakaibang tunog, kasalukuyan akong naglalakad sa isang plaza dito sa village na aking tinitirhan nang may nahagip akong isang puno, nagandahan ako sa puno dahil sa kanyang kulay, agad akong pumunta roon, ngayon ko lang napansin na may ganitong puno pala dito, medyo kakaiba ito kumpara sa mga punong nakikita ko sa ibang parke.
May isang bagay akong napansin sa punong ito, hindi ko makita kaya lumapit ako ng kaonti at nagulat akong may butas at tila bang may kumikinang sa loob nito,napaatras ako ng bahagya ngunit di ko na nagawa dahil bigla itong hinigop ang katawan ko.
Gusto kong. . Gusto ko nang magising sa bangungot na to .
JUNE 02 1992
MARTESTeka, ano to? bakit hinihila ako ng punong ito , anong meron dito . . .
Bigla akong napabangon sa higaan ko ng makarinig ako ng pamilyar na tunog.
Heto na naman ang pamilyar na tunog , agad akong dumungaw sa bintana para malaman kung saan ba talaga ito nanggagaling, pero hindi ko mahanap.
Ano ba talaga itong nangyayari sa akin?
Napabangon ako ng malaman kong alas singko na ng madaling araw, nakalimutan kong martes pala ngayon. Tumungo agad ako sa banyo para maligo at mag ayos na rin ,
Ineng, hindi ka na ba magaalmusal?-tanong sa akin ng kasama ko dito sa inuupahan kong bahay, sya rin ang may-ari nito.
Ay hindi na po Avó , malelate na po kase ako sa trabaho, sa susunod nalng po.
oh, sige magiingat ka.Kasalukuyan akong nakasakay sa jeep at papunta na ako sa trabaho, napaabante kaming lahat nang biglang prumeno ang jeep at sa di inaasahang pangyayari , may biglang pumasok na mga pangyayaring hindi ko maintindihan kung panaginip ba ito o nangyari talaga sa realidad o baka
De Ja Vu,Buong araw ay lutang ako sa trabaho at dahil iyon sa mga alaalang hindi ko naiintindihan. Oras na ng uwian kaya umuwi na ako at tumunog na namn ang kakaibang bagay na iyon , sa di inaasahan nahagip ng mata ko ang kakaibang puno ng narra , at para bang nakita ko na ito dati.
Alas Singko Ng Hapon..
Nakauwi na ako ng bahay at kasalukuyan akong nakaupo bangko malapit sa binta para masilayan ko ang paglubog at pagakyat ng araw.
-
Bumilis ang tikbok ng puso ko ng bigla ko na namang narining ang tunog na iyon, naguguluhan na ako sa mga nangyayari , stressed lang ata ako sa trabaho . Lalo't fresh graduate ako.
Ineng, ang lalim naman ng iniisip mo? may problema ka ba?
Wala po , Avó , may iniisip lang ho ako ,
Ah ganoon ba, sige ako'y magliligpit pa ng mga sinampay
Sige po , sagot ko .
Kada alas-singko ng hapon , nagsusulat ako ng mga notes para hindi ko makalimutan kung anong nangyari o naganap sa araw na ito kase minsan wala akong maalala, hindi ko malaman ang dahilan, gusto kong magpacheckup pero natatakot ako ,
-
Lumipas na ang oras ,alas tres na ng madaling araw akoy gising pa, hindi ko maintindihan kung anong meron sa akin, pinikit ko na lamang ang mga mata ko , ngunit may mga imahe akong nakikita at ni isa wala akong mamukhaan .
Napabangon ako ng masilayan ko yung puno ng narra sa park , dinilat ko ang mga mata ko at agad agad na kumuha ng flashlight at pumunta sa park,
gusto kong malaman kung ano ba talaga , ano bang meron sa akin
Nakarating na ako sa park at hinanap ko agad ang puno ng narra, madali lang itong hanapin dahil na siguro sa laki neto, naglakad lakad ako sa gilid ng puno, nagmasid masid ako at may napansin akong butas , sinilip ko ito at nanghina ako at bigla kong inilayo ang mga mata ko sa butas na iyon.
Umuwi ako ng bahay ng hinang hina at hindi ako makahinga , agad akong kumuha ng isang basong tubig at tumungo sa bintana , nahihilo ako at parang natumba ako, hindi ko na namalayan ang nasunod na pangyayari.

YOU ARE READING
Puno ng Narra ( Short Story )
Fiksi SejarahLunes na ng hapon, nakaupo ako sa isang bangko malapit sa bintana, tanaw ko mula rito ang araw na palubog na naman, sa isang kurap ng aking mga mata, dinig ko na naman ang misteryosong orasan na tila'y naghahabol ito ng oras.