Kpop Fan (Part I)

463 10 0
                                    


>>>Ano ba talaga ang pagiging isang Kpop Fan? Ano ba ang ginagawa nila? May sense ba yun? E di ba isa lang naman silang fan ng isang kpop group na kahit kailan hindi nila makakasama? So ano nga? Anu ba talaga ang sense ng pagiging kpop fan? Ano ba pakiramdam na maging kpop fan? Bakit ba nila naaatim pakinggan ang mga bagay na hindi nila maintindihan? *sigh* ako'y naghahanap ng mga kasagutan sa mga bagay na ito.

×× paano kung sabihin kong nakaka-stress ang pagiging kpop fan, nakaka baliw, nakakalito at magulo. Ang pagiging kpop fan ay parang pagpasok din sa paaralan... Lahat pinag-aaralan kahit mismong brand ng underwear nila alam mo at para ka na ring nag aaral ng math kasi hindi mo alam kung yung mga bagay na natututunan mo e magagamit mo sa totoong buhay. Marami ang mga bagay na kailangan mong malaman and to be honest mahirap talaga ang pagiging kpop fan...sobra.

>>> bakit naman naging mahirap? E parang yan lang naman pala ang aalamin, sus! Meron namang google para i-search lahat ng mga bagay na yan.

Pero hindi yan ang ibig kong sabihin na "Mahirap."

-----

Ganito kasi yun...

Naranasan mo na bang umiyak dahil hindi ka nakapunta sa mga kpop event sa lugar niyo? Kung umiyak ka na dahil sa bagay na yan, what more pa pag hindi ka nakapunta sa concert nila. Pag di ka nakapunta ng concert nila parang gusto mong magwala yun tipong mababaliw ka na! Kaya ano pa nga ba e di #teambahay ka na lang o kaya #teamlivestream (pwede ring both) basta iiyak ka na lang at punong-puno ka ng panghihinayang. Nakakabaliw ang hindi makapunta sa concert nila! Kasi yun tipong andito na sila ang lapit na nila di ka pa nakapunta?! Bigti na!

Naranasan mo na bang makipag away sa mga kapwa kpop fan mo para lang ipaglaban ang mga bagay na pinaparatang sa mga idols mo na hindi naman totoo, pumatol ka na ba sa mga  immature fans? Minsan nga di mo na namamalayan na nagiging immature ka na dahil sa mga bagay na pinaglalaban mo... Unti-unti namamalayan mo bumababa ka na sa level nila at higit sa lahat, ok lang kahit masira ang image mo basta maipagtanggol mo lang sila but it's ok because being an immature fan is a part of being a kpopper.

Naranasan mo na bang mapuyat dahil sa kapapanood ng variety shows,music video, live performances and eveything that is related to your idols. Hindi mo na namamalayan ang oras dahil sa sobrang tawa mo sa katangahan na ginagawa ng mga idols mo sa mga napapanood mo, but because of their dorkiness you will love them more & more.

Naranasan mo na bang hindi kumain tuwing recess and lunch dahil kelangan mong mag-ipon para bumili ng mga kpop merch. Pag naging kpopper ka matututo kang mag ipon, mag tipid at mag budget. Pag naging kpopper ka magiging matalino ka sa math XD. Yes mahilig mag ipon ang mga kpopper hindi lang para sa materyal na bagay kundi para sa mga kpop event and concert.

Naransan mo na bang mapadaan sa isang kpop store or shop tapos bigla ka na lang magwawala dahil sa mga bagay na nakikkita mo yun tipong kulang na lang mag laway ka dun dahil sa mga poster, t-shirt, id-lace, earphone, bag at kung ano-ano pa. Kaso bigla ka na lang din malulungkot dahil wala kang pambili? Well normal lang yan sa mga kpop fan na walang mga pera o sa mas madaling salita poorita XD *sigh*

Naranasan mo na bang ma-bwisit pero kelangan mong magpigil slash manahimik at kelangan pa rin itatak at sabihin sa isip mo na... "wag mo na lang silang pansinin, magpaka mature ka! Hindi ka dapat bumaba sa level nila! Di naman nila kilala ang idols mo e, mas kilala mo pa rin sila." yan na lang ang paulit-ulit na sinasabi mo para hindi na mapatulan ang mga bashers (believe na talaga  *sigh* pero honestly ang hirap talaga mag-pigil kaya dinadaan mo na lang sa parinig *sigh again*  ano ba kasi talaga ang mga pinaglalaban ng mga yun ?! Anyway, no fandom is perfect naman so thats normal, intindihin na lang kahit mahirap talaga.

Naranasan mo na bang kiligin dahil nakakita ka ng korean? E paki nyo ba! E kinikilig kaming mga kpop fan sa mga korean e, mapababae man o lalaki na korean GO pa rin !! Hindi niyo lang alam kung gaano kasaya ang mga nararamdaman namin kapag nakakakita kami ng ganyan! Kasi alam mo yun?! Yun fact pa lang na kalahi nila ang mga idols namin! Shocks! Ang saya hahaha.

Maraming ring reason kung bakit masaya ang maging kpop fan, dahil ang mga kpop fan ay ganito:

To be continue...

Kpop FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon