Kpop Fan (Part II)

239 7 1
                                    

Ang mga Kpopper ay Talented! Nandyan ang magagaling kumanta at sumayaw, ewan ba namin?! Yun tipong  akala mo wala kang talent sa pagsasayaw tapos simula ng maging kpopper ka nagagaya mo lahat ng dance steps ng mga sayaw ng mga idols mo kahit gaano pa ito kahirap, kakomplikado at kahit pa na ang daming hand gestures nagagawa mo. Once na maging kpopper ka matututo kang magtyaga.

Ang mga kpopper ay magaling sa hangul at pagsasalita ng korean language, kahit paisa-isa lang ang alam na word ok lang yan hehe XD (minsan nga pati japanese natututunan na e, syempre may mga japanese songs din ang mga idols namin no! Ang swerte talaga ng japan!)

Ang mga kpopper ay mahilig magpahalaga sa mga simpleng bagay, mababaw ang kaligayahan lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa bias/biases nila.

Ang mga kpopper ay alerto lalo na kapag naririnig nila ang name ng favorite kpop group nila, at ang salitang korea basta! lahat ng may kinalaman sa korea at kpop basta may 'k' sa unahan.

Ang mga kpopper ay laging online para lang makalaganap ng mga bagong update, info, facts, schedule...lahat-lahat ng pwedeng malaman.

Ang mga kpopper ay mas uunahin pa ang mag spazz kesa gawin ang assignment nila,projects, reports or whatsoever may mga lines pa sila na ganito: " mamaya na muna yan! Ito muna saglit lang naman ito e." pero di nila namamalayan ang oras... Hanggan sa mag gabi na lang di pa rin nila nagagawa, lahat na lang ng pwedeng idahilan, idadahilan nila kesyo maaga pa daw, may oras pa, mamaya na yan,  madali lang yan, wait lang saglit lang to, extend pa... Sobrang dami nilang explanation.. Tsk.tsk.

Ang mga kpopper makakita lang ng picture ng bias nila sa internet mapa stolen man, photoshoot,selca,concert photos, memes lahat ng picture na nandun ang bias mo o ang kpop group na gusto mo, pag nakakita ka nyan bigla ka na lang parang sinaniban ng kung ano, kinikilig ka na ewan para kang nag transform sa pagiging alien or whatever basta parang gusto mong magtatatalon o mangisay (normal yan sa mga fangirl hahaha) basta nagiging ewan ka. Pero ma re-realize mo sa huli ... Mukha ka pa lang timang hahaha XD

Ang mga kpopper ay maraming gustong 'maging', gustong maging baso,toothbrush,mic,stufftoy,damit,sapatos,straw lahat ng mga bagay ng nahawakan o nagamit na ng bias nila. Haay nako sana talaga i-magic na lang e ;)

Ang mga kpopper ay nabubuhay sa imagination. malawak ang imahinasyon nila pagdating sa mga bias nila, nagiging creative sila sa paglikha ng mga bagay-bagay lalo na sa usapang relasyon. Kesyo yun boyfriends/girlfriends nila nasa korea(ang bias nila) take note with 's' dahil marami, bukod sa mga bfs and gfs nila may mga asawa pa sila at kabit, meron pa ngang nagsasabi kapatid daw nila si ganito... Halos lahat na lang ng pwedeng iugnay nagawa na nila. Kaya hindi nakapagtataka na karamihan sa kpopper ay author at mahilig magbasa ng mga fanfiction. Isa ng nga sa pinaka kilalang website ngayon ay ang "wattpad" meron din website na "asianfanfiction" na sobrang daming info. About sa kpop at meron ding "booklat".

Ang mga kpopper ay gusto rin makakita ng kapwa kpopper, makakita lang sila nyan sobrang saya nila, pag nakakita sila ng isang tao na nakasuot ng bagay na magpapatunay na kpopper siya bigla niya na lang sasabihin "uy! Kpopper siya!" tapos bigla ka na lang magkakaroon ng desire na kausapin siya. Basta masaya ang maka meet ng kapwa kpopper mo lalo na ng parehas kayo ng fandon na sinasalihan..feeling mo kasi di ka nag-iisa.but it is dew to the fact that very few are the real kpopper.

Isa sa mga hate ng kpopper ay ang mga jejefans, mga feeling kpopper! Tss! Wala namang alam! Yung feeling na magsusuot sila ng mga damit na pang kpopper ugh! (ex: wolf 88) nakakaasar lang! Hindi naman sa sinasabi namin na wala silang karapatan na magsuot ng ganun.. And ano nga ba ang pinaglalaban ko kung magsuot sila ng ganun?! E basta ayaw namin makita magsuot sila ng ganun.. Basta nakakaasar! Ang hirap i-explain.

Ang mga kpopper ay laging nasisita, nasasabihan ng baliw o kahit ano pa...
Minsan nasasabihan din kami ng mga masasakit na salita katulad na lang "ano bang nagustuhan mo dyan?! E hindi mo naman maintindihan yan?!" at "puro ka na lang kpop! Araw-araw na lang kpop! Di ka ba nagsasawa dyan!" Mas masakit pa siguro yan kapag mismong kaibigan o pamilya mo ang magsabi nyan, ang sakit lang minsan na hindi ka nila kayang intindihin at suportahan (well mahirap nga naman kasi) p ero hinahayaan na lang namin. Sanay naman na kami e hahaha :)

Ang mga kpopper ay mga baliw! joke! Di ko alam ang tamang term e,basta! Pagkakanta sila ng mga korean songs Basta katunog lang ng lyrics ok na, minsan na fa-flattered din sila dahil yun mga non-kpopper nilang kaibigan ay iniisip na magaling si lang magsalita o kumanta ng korean.. Hehe

Ang mga kpopper, kapag fangirl ay medyo boyish yan pero pag fanboy bakla yan hahaha XD joke lang syempre! Para saming mga fangirl cool ang mga lalaking kpopper kasi bihira lang ang mga ganyan. Gusto ng mga fangirl na magkaroon sila ng close friend na fanboy na kp opper. Basta gusto namin ng kaibigan na kpopper.

Ang mga kpopper ay maraming sns account ma pa- IG, Twitter, facebook,wattpad, tumblr at weibo, kahit di nila maintindihan gagawa sila ng paraan para lang magkaroon ng account. Syempre para maging updated sa kpop at mga bias/biases nila.

Marami sa kpopper ang "multi-fandom" o yung mga member ng ibat-ibang fandom. Kaya nga sobrang dami nilang bias e at asawa,boyfriend and girlfriend. Sa totoo lang kapag bin
igyan mo sila ng challenge na "top 10 bias" ilang oras o araw pa ang iisipin bago sila makapag decide ng top 10 nila minsan nga sa bawat number isang gru
po o 2-3 persons... Para sa kanila mahirap ang ganun.

Pero ang mahirap sa pagiging multi-fandom ay kapag nagkakaroon ng fanwars lalo na pag involve ang mga pinaka fandom nila, sila ang unang naaapektuhan. Sobrang hirap sa kanila pag may ganyan dahil wala silang makampihan ayaw naman nilang pumagitna dahi l walang makikinig sa kanila. Ang tangi na lang nilang magagawa ay malungkot at manahimik... Habang unti-unting nahahati ang puso nila (ex: blacksone)

A ng mga kpopper minsan selfish lalo na sa mga bias nila. Pag nalaman nila na isa sa mga kaibigan nila na magkaparehas kayo ng bias sa isang group, masaya sila? Oo masaya! Pero deep inside may hindi sila maintindihang nararamdaman na... Naiinis sila dahil magkaparehas kayo, ay ewan!

Ang kpopper na magkakaklase wala ng ibang pinagusapan kundi puro about sa kpop lang. Yun tipong pinagusapan nila kanina lang paguusapan pa ulit mamaya. Andyan pa yung mga side comments nila... Kaya yung mga non-kpopper na friends/classmates nila...nasasanay na lang. *sigh*

Ang mga kpopper kapag nakarinig ng song ng bias nila sa isang kalye... Mapapatigil sila at parang aatakihin na naman ng fangirl/fanboy alert nila. *sigh*

ang mga kpopper ay "always (forever) charging while using phone and spazzing" walang pahinga ang mga cellphone nila. Ang mga cellphone nila ay nagiinit na parang konti na lang sasabog na XD kaya advice ko lang siguraduhin mong matibay ang mga gadgets mo lalo na kung gagamitin mo ito sa mga kpop purposes.

Ang mga kpopper ay mas pipiliin na lang nila na ang exam nila ay about sa kpop. Dahil dun sure sila na makaka 100 sila hahaha..

Ang mga kpopper kayang makisakay sa mga jokes ng ibang kpopper; ex:"ang gwapo talaga ni chen ng BTS." Mga ganun, tapos andyan na yung mga sunod-sunod na comment na "oo nga" mga ganung bagay. (ex:jongdaemonth, najongdaeka Sorry wala akong masyadongalam di naman ako masyadong exo-l e). Maraming ma e-encouter na ganyan at dapat pag nakakita ka nyan wag kang masyadong OA mag react, normal lang yan hahaha... Pero madali mo naman ma re-recognize yun kung joke o hindi. (minsan matatawa ka na lang sa ganyan)

****

Kpop FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon