Nang una ko siyang makita parang, wala lang siya saakin. Dinadaanan niya ako, Dinadaanan ko rin siya. I mean, Typical na magschoolmates na hindi close. Ganun lang siya para saakin noon. Pero isang araw,
'Yan. Yang lalakeng yan. Paul Estibeda. Pabida! Ex ko.'
Na shock ako sa sinabi saakin ng classmate ko. Di ko inaakala na ex niya pala yung lalakeng yun.
'Ah talaga? Eh, ba't kayo nagbreak?'
Inalis niya ang tingin niya sa lalake at yumuko.
'Di ko din alam. Bigla nalang siyang nagbago, di na ako kinausap tapos isang araw iba na turing niya saakin.'
'Luh? Grabe naman siya. Nako! Yaan mo na yan.'
Sabay tap ko sa likod ng kaklase ko.
'May frat na yan ngayon. Kaya di ko na pinapansin.'
Ah kaya pala. By the way, Ako si Trinity Shateres. Galing ako sa Montesorri High. Pero lumipat ako nung lumipat kami ng bahay.
Naglalakad ako sa hall ngayon. Eh half day daw eh pero ayoko pa umuwi.
'Aray.' Langya. Binangga ba naman ako. Ugh laki-laki ng daan eh.
'Uh, miss. Sorry ah? Sorry talaga.' Sabay hawak niya sa kamay ko at tinulungan akong makatayo.
Pagtingin ko sa mukha niya. Fvck. Ito yung ex ng classmate ko ah? Minamalas nga naman.. Tong lalakeng to. Lagot to sakin.
'Huy ikaw!' Sigaw ko sa kanya.
'Ako ba?' Tanga neto. Malamang siya eh, siya yung nasa harap ko eh -_-
'Ah hindi. Yun, yung lalake dun. Malamang ikaw.'
'Oh--' Hindi ko na siya pinatapos at sinampal ko siya. Langya eh.
'Wag ka ng magtanong anong problema ko sayo. Dahil sa mukha mo pa lang laking problema ko na.'
'Baliw kaba miss?'
'Wow! Ako pa yung baliw? Ikaw nga tong iniwan ang classmate ko at nawala na parang bula.'
'Nako miss. Di ko alam anong pinagsasabi mo.'
Nakooooo!! Bakit ko ginawa yun -_- Lagot talaga ako -3-
Paul's POV
Grabe, ganda-ganda nung babae kanina pero ang astig. Pero baliw aa eh. Kahit ano lang pinagsasabi. Makauwi na nga.
'Hi babes. Uwi kana? Sabay na tayo.' Sabay kiss sa cheecks ko.
Si Yassie Raniel. MU ko, Alam nyo ba yung MU? Yung Mutual Understanding. Pero parang girlfriend ko na din to eh. Kaya ayun!
'Babe? Please?' Pagpipilit ni Yassi.
'Oh sure babe. Tara na.' At hinawakan ko kamay niya papunta sa sasakyan ko. Oo may sasakyan ako. Mayaman kami eh. -,-
So yun, hinatid ko siya sa kanila. Kiniss niya ulit ako. Umuwi ako at yun, Andito ako ngayon sa pool. Mayaman nga dba? Nagchichill lang.
"Sino ang iibigin ko, Ikaw ba na pangarap ko o siya bang kumakatok sa puso ko? Oh, Anong paiiralin ko isip ba o ang puso ko. Ako'y litong litong litong lito oh."
Sorry. Gusto ko talaga mga kanta ni KZ kahit sobrang gangster ko tignan.
By the way, lumabas ako ng bahay para bumili ng pagkain. Maglalakad lang ako para makapagexercise na rin.
Nung sobrang lapit ko na sa store na bibilhan ko.. Fvck yun yung babae kanina sa school. Dito ba to nakatira?
Trinity's POV
Yung, Yung lalake kanina. Lagot ako dito -3-
'Miss? Diba ikaw yung kanina. Teka, di ko nakuha name mo. Ano nga name mo?'
- - - -
Pabitin muna guys 😂😂😂 Thanks for reading!!