Movie Night [Baekhyun]

504 13 2
                                    

*Steff 's POV*

"Noona! Gising na" Sabi nung mysterious voice. Malambing yung pagkakasabi niya. Si mama lang to. HAHA

"Hi ma! Goodmo--- Baek?! Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko kay baekhyun. Ang aking baklang bespren. Sweet to, kaya mahal na mahal ko to. Kaso di pwede pahalata.

"Noona, uhm-- kasi. G-gusto sana kitang imbitahin sa movie night kasama ang barkada. Kaso baka busy ka eh" Malambing na pagkakasabi niya. Bakit ba ang lambing netong baklang to.

"Oo naman! Pwede ako! Anong oras ba yan?" Excited na tanong ko kaya napasmile si baek. Ang cute talaga neto magsmile.

"Mamayang 10 o'clock. Pwede ka ba nun noona?" Pag-aalalang tanong niya. Syempre pwede ako, basta ikaw. Dejuk.

"Whut?! ALAS-DYIS?!" Gulat na pagkakasabi ko kaya napatawa siya ng mahina sabay tango.

"Eh, magpapaalam muna ako kila mama. Baka kasi kung anong mangyari mamaya. Tara baba tayo." Tumayo na ako sa kama at hinila kaagad ang kamay ni baekhyun pababa. Syempre, kinikilig ako habang naghoholding hands kami. Yiee, emegesh.

Pagkababa namin ni baekhyun ay sinalubong agad ako ni mama. Magsasalita sana ako ng 'Good morning' kaso eto si baekhyun, mas nauna silang batiin kaysa sakin.

"Goodmorning step-mom and dad!" Tuwang tuwa na pagbati niya. Nagsmile naman sila mama sa kanya.

"Umupo na kayo at manananghalian na tayo." Sabi ni mama at pumunta sa kusina para kuhanin ang paborito naming ulam ni baek, Adobo. HAHA

"Yehey! Yung favorite natin noona oh!" Tuwang tuwa na sabi ni baek. Psh, ang cute cute niya talaga. Umupo na kami sa upuan ng biglang magsalita uli si baek.

"Tita, tito. Uhm, gusto ko po sanang dalhin itong si steff sa movie night mamaya, sana po pumayag kayo" Pagtapos niyang sabihin yun ay nag-pout siya para kaawaan. Ganyan naman yan eh, porket kahinaan yan ni mama at papa.

"O sige, pero baekhyun. Mangako kang babantayan mo siya ng maiigi. Ayokong mapahamak siya" Seryosong sabi ni papa. Ako lang kasi ang kaisa-isahang anak kaya overprotective yan si papa.

"Opo tito, makakaasa po kayo saakin" Taas noong sabi ni baek. Aba, ito yata ang superman ng buhay ko.

Mahabang kwentuhan ang nangyari buong hapon sa hapag-kainan namin. Kahit si papa ay natutuwa na kay baek. Eh si mama nga, pinipisil pa ang pisngi ni baek eh.

"Tita, anong oras na po ba?" Tanong ni baekhyun habang nanonood ng tv pagtapos kumain kasama si papa. Nanonood sila ng PBA.

"Alas tres na, bakit?" Tanong ni mama. Nagsmile lang si baek at umiling. Ang cute talaga shet .

"Eh mama, alas tres na naman. Siguro maliligo muna ako. Bantot ko na, HAHA" Tumango lang si mama at tumakbo na ako sa kwarto ko para maligo. Matagal din akong naligo, Ang sarap kasi ng tubig, ang lamig. HAHA

"Anak? tapos ka na ba dyan? Sabi ni baekhyun hihintayin ka nalang daw niya hanggang matapos ka dyan" Buyayaw ni mama. Mama talaga, masyadong excited. Di pa nga ako nakakapagsuot ng tshirt eh.

Pagtapos kong magsuot ng tshirt, nagsuklay, nagpulbo, nagpabango na ako. Tsaka teka, aalis nga pala kami. Edi nagpalit ako ng pantalon at sinuot ang couple shirt kahit wala naman akong ka-couple. Tsaka nagsuot na ako ng converse tsaka bumaba.

"Oh baekhyun, eto na si steff" Sabi ni mama kay baek kaya napatingin siya agad saakin. Nagtaka siya sa couple shirt ko kaya nagtanong siya saakin.

EXO Rated R Stories [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon