Infa 1

4 0 0
                                    

Hindi ko nais na ikaw ay pilitin
Ngunit puso ko'y ikaw ang gustong ibigin,
Dahil sa tuwing ako'y gigising
Larawan mo ang sumasalubong sa akin.

Batid kung ayaw mo sa akin
Dahil sa iba ka nakatingin,
Kaya't aking tatanggapin
Na hanggang doon lang ang aking pagtingin.

Masaya akong pagmasdan ka
Na nasa bisig na ng iba
Dahil batid ko na ang pag-ibig
Ay palaging may kaakibat na sakit.

Ang aking simpleng paghanga
Naglaho na lang bigla,
Sa sakit ng aking malaman
Na pareho kayo ng nararamdaman.

Iyong ipagpaumanhin
Ang aking pagpapapansin,
Nais ko lang sabihin
Ako sayo'y may pagtingin.

UNSPEAKABLE SENSUOUS (FILES)Where stories live. Discover now