Infa 3

1 0 0
                                    

Ilang tula na ba ang aking nasulat?
Hindi pa rin maisiwa-siwalat,
Mga salita'y hindi sapat
Pakiramdam ay di karapat-dapat.

Iyong imahe sa aking isipan
Nagbibigay gaan sa pakiramdam,
Kailan kaya magkakaloob ipaglaban
At sabihin sayo ang nararamdaman.

Laman ng siyang aking puso
Ay unti-unti ng gumuguho,
Na ikaw lang ang magiging luho
At tutuparin ang siyang pangako.

Kailangan pa ba sabihin ng harap-harapan
Para malaman mo ang aking nararamdaman?
Mga salitang nabuo sa aking isipan
Dinadaan ko lahat sa tula ng iyong malaman.

Ilang tula pa ba ang aking gagawin?
O ayaw mo lang talagang gustong alamin
Na matagal na ako sa iyo'y may pagtingin
Pinili mo lamang itong huwag bigyang-pansin.

Hindi sapat para ikaw ay maniwala
Dahil pitong buwan palang tayong magkakilala,
Kaya aking puso'y nag-aalala
Baka iyong ipag kibit-balikat at ipagsa walang bahala.

Puso'y pilit ipinagpainahon
Tuwing tayo'y nagkakaroon ng interaksyon,
Aking kaba ay kay bilis umahon
Pilit iniwas ang mga mata at kung saan-saan itinutuon.

Kalamado ako pag wala ka
Sarili'y natataranta pag nakikita,
Maari bang wag muna?
Akong tignan dahil puso'y naabala.

Kailangan kong pag-igihin
Ang pagpanggap na hindi ka isipin,
Dahil handa akong magpa-alipin
Sa sariling puso at damdamin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNSPEAKABLE SENSUOUS (FILES)Where stories live. Discover now