Infa 2

3 0 0
                                    

Nakakatuwang isipin
Sa panibagong taon na dumating,
Ngunit ang aking damdamin
Ikaw pa rin ang nais kapiling.

Ang aking puso'y nagdadalamhati
Sa naramdamang sakit at pighati,
Sa taong siyang iyong pinili
Kaya aking puso'y di mapakali.

Pilit kong nilalabanan ang nararamdaman
Luha'y lumalabas tuwing aking nadadatnan,
Mga mata'y nagtitiis at nasasaktan
Piniling magpanggap at walang pakialam


Paano mo nga naman malalaman
Kung ako lang ang tanging nakakaalam,
Na kung sino ang tinitibok at nilalaman
Sa puso kung namimilipit at nasasaktan.

Hanggang tingin na nga lang ba ang magawa
Mga mata'y pilit nagmamakaawa
Na pilit nagpapansin sa mga ginagawa
Kailan kaya ang puso'y magsawa?

Minsan na nga lang magkagusto
Minalas pa sa taong may ayaw sayo,
Kaya aking napagtanto
Pansamantalang isarado muna ang aking puso.

UNSPEAKABLE SENSUOUS (FILES)Where stories live. Discover now