Chapter 1: Dream vs Reality

14 2 0
                                    

For once I want a different picture in my life
That I want to draw, a canvas dream...

                                 - J-hope's Daydream
                                            
》》》》》》》》》💌《《《《《《《《《

HANA'S POV

"Jeon Jeongguk!"nakailang sigaw ako sa pangalan niya habang naglalakad siya papalayo sa akin, kasabay ng pagpatak ng niyebe sa langit ang pagpatak ng luha ko dahil sa kanya.

"P-please, b-bumalik ka!"nagmamakaawa kong sabi hanggang sa unti-unti na s'yang nawawala sa paningin ko. Napaupo na lang ako sa sobrang lungkot at pagiyak. Napaos na'ko sa kakasigaw, wala na'kong lakas para tumayo pa at habulin s'ya.

"B-bakit?"mahina kong sabi at patuloy pa'rin sa pagpatak ang mga luha ko.

'Ring'ring'...nagising na lang ako bigla sa lakas ng alarm ko. 'Di ko namalayan napapunas na'ko sa luha ko.

"Ha?"

Bigla na lang akong napatingin sa kamay ko na nabasa dahil sa luha na tuloy pa rin sa pagpatak.

"Bakit parang totoo ang mga pangyayari na 'yun? Bakit s'ya na lang lagi ang nasa panaginip ko?"

'Di ko alam kung matutuwa ba 'ko dahil lagi ko na lang siyang napapanaginipan o malulungkot dahil lagi na lang paggumigising na naman ako, may mga luha na naman 'tong mga mata ko.

Naku Hana, back to reality na. 'Wag masyado asyumera. Panaginip lang iyon, pawang walang katotohanan ang mga panaginip. Obsessed ka lang kasi sa BTS lalo na kay Jeongguk, kaya ka nagkakaganyan.

"Tama dahil lang 'yun sa pagka-obsessed ko sa kanila kaya lagi s'yang nasa panaginip ko! Para kasi talagang totoo eh!"

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa pagkairita. Dahil sa over thinker at maraming pumapasok dito sa utak ko, napaisip na naman ako.

"Bakit lagi na lang akong umiiyak sa mga panaginip ko sa kanya? Bakit lagi na lang si Jeongguk ang napapanaginipan ko, bakit 'di man lang yung ibang mga members?"

Hayst! tigilan mo na nga tong kalokohan Hana, move on na.

"Aishh!"

Sakit sa ulo.

"Masisiraan na talaga ako nito 'di magtagal eh!" Sabi ko nang pasigaw at bigla kong kinuha ang unan na nasa tabi ko at hinagis sa pinto na akala ko'ng sarado pero bukas na pala.

"Sinabi mo pa Noona."

Nagulat na lang ako nang biglang tumalon sa kama ko itong makulit at cute ko'ng bunso.

"Good morning Noona!"
sabay yakap niya sa'kin. Bigla na lang nawala lahat ng stress ko dahil sa panaginip na 'yun.

"Good morning to you too Bon-bon!" Sabay halik ko sa mataba niyang pisngi.

"'Di ba dapat ako ang gigising sa'yo? Bakit ang aga mo ata?" Napaisip na lang siya sa mga sinabi ko.

"Pero po magtatanghali na, late na tayo sa school at kanina pa nagri-ring ang alarm mo pero 'di ka pa rin nagigising kaya pumunta na'ko dito sa kwarto mo."
Mahinahon n'yang sabi sa'kin at ito naman ako pinoproseso pa ang mga sinabi n'ya.

"Noona?"

Bigla ko na lang kinuha ang alarm sa nightstand ko at tinignan ang oras.

'It's past 7 am na!'

Napatayo agad ako sa kama at dali-daling pumunta sa cr para gawin na ang dapat gawin pero bago pa man iyon napalingon ako kay Bon-bon.

"Ba't ngayon mo lang sinabi-- aish, nevermind. Bon-bon listen..."

Protect Him: As A Fan? Or As An Ordinary Girl?   (STILL ON-GOING & EDITING)Where stories live. Discover now