Chapter 5: Surprise gift

11 0 1
                                    

You know that I can’t
Show you me
Give you me
I can’t show you my weakness
So I’m putting on a mask to go see you
But I still want you...

                            - BTS The Truth Untold

》》》》》》》》》💝《《《《《《《《《

JEONGGUK'S POV

Nagpapahinga kami ngayon dahil katatapos lang ng rehearsal, tagingting ang pawis na tumutulo sa amin kaya't pati ang damit na suot namin ay basa na dahil dito. Nakaupo't nakasadal ako ngayon sa wall mirror ng dance studio at umiinom ng bottled water habang malalim parin ang iniisip. Nagaayos na ang mga hyungs ko para makauwi na sa dorm habang ako ay naandito't nakaupo parin na nakatulala at nakatingin sa kawalan. 'Di ko namalayan nilapitan na pala ako ni Taehyung hyung at tumabi sakin habang nagpupunas ng kanyang pawis.

"Jeongguk-ah!"ani Taehyung, nakailang banggit niya ang pangalan ko. Sa pangatlong tawag na niya doon na ako napatingin sa kanya.

"Oh... hyung!"

"Wala ka ba talagang balak na sabihin samin ang problema? Kanina ka pa 'di makapagfocus sa practice at lagi ka na lang nakatulala d'yan. Sabihin mo na kasi sa amin, oh kahit sa akin muna para naman 'di na kami masyado pang magalala sa kalagayan mo.", mahina't nagaalala niyang sabi sa akin. Nanahimik ako saglit at napabuntong-hininga na lang ako.

"E-eh k-kasi hyung...meron akong laging napapanaginipan dahilan kung bakit ako nagkakaganito. 'D-di ko alam kung b-bakit? Pero habang napapanaginipan ko siya pagkagising ko na lang may tumutulo ng luha sa mga mata ko. 'Di ko na lang namamalayan umiiyak na pala ako, e-ewan ko magulo...lagi na lang siya ang nasa panaginip ko at parang totoo e-ewan...'di ko nga lang siya makilala...babae siya hyung...'di ko makita ang mukha niya sa mga panaginip ko lagi na lang malabo na ewan pero alam ko siya palagi ang napapanaginipan ko, hyung 'di ko na alam ang gagawin ko...kapag napapanaginipan ko siya bigla na lang sumisikip 'tong dib-dib ko at bigla-bigla na lang sumasakit, hindi ko alam kung bakit? Napapaluha na lang ako ng walang dahilan.", napahawak na lang ako sa aking ulo habang sinasabi ko iyon, naalala ko na naman ang mga panaginip na iyon. Hinawakan na lamang ako ni hyung sa aking balikat para i-comfort ako.

"Jeongguk-ah...'di ko alam kung anong sasabihin ko pero baka dahil lang iyan sa stress at pagod kaya ka nagkakaganyan. Lagi mo na lang kasing sinusubsob ang sarili mo sa mga practice kahit 'di mo na kaya, kaya kailangan mong ipahinga ang katawan mo at mawawala 'din 'yan...kaya umuwi na tayo para makapagpahinga ka na.", marahan niyang sabi sa akin.

May punto rin ang mga sinabi niya.

"Tama ka hyung, baka dahil lang ito doon sa mga sinabi mo.",sabi ko sabay ng pagbuntong-hininga ko, tumayo na si Taehyung hyung at ibinigay niya sa akin ang kamay niya para mahila niya ako patayo.

"Jeongguk-ah Taehyung! Tara na!", tinawag kaming dalawa ni Jin hyung para makaalis na kami.

HANA'S POV

"Masarap ba Bon-bon?", masayang tinanguan niya na lang ako.
"Good! Kumain ka ng marami ah!", pagkasabi ko nun nagpatuloy ulit siya sa pagkain. Kakatapos ko lang kumain gayun din si Sora si Bon-bon na lang ang hindi pa.

"Oum...Hana ito na pala ang surprise gift ko para sa iyo!", may kinuha siya sa kanyang dalang bag at nagulat na lang ako sa aking nakita.

"Tada! VIP ticket para sa darating na concert ng BTS dito!", nginisihan niya ako sabay bigay sa akin ang ticket at pang-VIP pa, eh di nasa harap kami at kitang-kita namin ang BTS! 'Di ko na mapigilan ang saya ko kaya pinuntahan ko kaagad siya sa kanyang kinauupuan at sinalubungan ng mahigpit na yakap.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayong araw na ito, thank you so much Sora!", masayang sambit ko.

"Your welcome Hana!", ani Sora sabay tapik niya sa aking likuran.

Sobrang suwerte ko talaga dito sa best friend ko, walang araw na hindi niya ako nagagawang pasayahin lalo na ngayon na first time ko lang makikita ang BTS. This is my chance to see my first BIAS, first CRUSH, first LIKE at napunta na ngayon sa first LOVE, kahit na sabihin pa ng iba na bakit napunta siya sa love eh 'di ko pa nga siya nakikita sa personal hahaha! Ganun lang talaga ako kabaliw sa BTS at lalo na sa kanya hehehe! Kung napapatanong kayo kung bakit first time lang ako makakapunta sa concert nila kahit na nakailang concert na sila dito sa Seoul dahil yun sa mga parents ko na against palagi sa pagiging fangirl ko at ngayon na wala na sila I'm free to do what I want as a fangirl! Ngunit napakasakit parin na 'di na sila babalik pa.
Hayst! I remember them na naman! Forget about them na Hana!

"Syempre dalawa ang binili ko, 1 for you and 1 for me! Next week na gaganapin iyan kaya maghanda-handa ka na at ihanda mo na rin yang boses mo sa pagsigaw at pagtili ng malakas!", napatawa siya sa kanyang sinabi ganun din ako.

"Of course, paghahandaan ko talaga ang araw na ito!", tiningnan ko ang ticket ng may halong sobrang pagka-excite sa darating na concert.

Pagkatapos naming pagusapan ang tungkol sa concert at tapos nang kumain si Bon-bon umuwi na rin kami kaagad para makapagpahinga na dahil sa sobrang dami ng ginawa namin at sa dami ng mga nangyari sa akin ngayong araw na'to. Mula sa panaginip ko na 'di parin maalis-alis sa isipan ko at kay Kim Jongin na nakabangga ko at lagi ko na lang naaabala mula sa campus maging sa Lotte world at gusto pang makipagkaibigan sa akin na bihira lang makipagsalamuha lalo na sa university at sa pagpasyal kasabay ng pagregalo sa akin ni Sora na akala ko ay kung ano lang, iyon pala ay ikinakagulat ko. Maraming nangyari kaya sa pagbiyahe namin pauwi 'di na nakayaanan ni Bon-bon ang pagdalaw ng kanyang antok kaya't nakatulog ito sa akin. Hinatid muna kami ni Sora at nagpaalam na bago siya umuwi sa kanila. Habang karga-karga ko si Bon-bon hinahanap ko ang susi ng apartment na aming tinutuluyan sa aking bulsa at sa wakas nahanap ko narin dahil sumasakit na ang aking balikat sa bigat ni Bon-bon. Diniretso ko na siya sa kanyang kuwarto at inihubad ang kanyang sapatos bago kinumutan. Dumiretso na ako sa aking kuwarto para makapagpalit at matulog na ng mahimbing, dahil weekend naman ngayon it means walang pasok bukas kaya makakapagpahinga ako ng matagal pero may trabaho parin ako sa hapon sa coffe shop ni Auntie Rose. Nakahilata na ako sa kama pero bago pa man ako makatulog naisip ko na naman ang panaginip ko kanina.

Hayst!

Di ko na lang namalayan naabutan na pala ako ng antok.







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Protect Him: As A Fan? Or As An Ordinary Girl?   (STILL ON-GOING & EDITING)Where stories live. Discover now