Chapter 5: Facebook Chat

2.4K 80 8
                                    

The Girl Between Us

Written by: lady_phoenix16

CHAPTER 5: Facebook Chat

Trixie:

Hi...

IYON ang unang message ni Trixie sa akin. Hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko pero hindi ako pwedeng manatili na ganito. Kailangang magkaroon ako ng dila para magkaroon ng usapan sa aming dalawa.

Kenjie:

Hello...

IYON na lang muna ang sinabi ko.

Trixie:

Where did you see my account? Why did you add me?

Dami namang tanong ng babaeng 'to, sa isip-isip ko.

Kenji:

Nakita ko lang sa suggested friends. Marami kasi tayong mutual friends kaya ina-add kita. Bakit ayaw mo ba? Nagandahan kasi ako sa 'yo kaya in-add kita.

Nag-emote pa ako. Pero sa totoo lang ay sukang-suka na ako sa mga pinagsasasabi ko. Medyo matagal siyang nag-reply kaya parang tinamad akong bigla. Pero maya-maya ay biglang nag-beep ang notification ko.

Trixie:

It's okey. Cute ka naman eh. Hi-hi-hi...

Malandi ah. Halatang nag-stalk muna siya ng profile ko bago mag-reply. Mautak na isda. Tinitingnan muna niya kung pogi ang ka-chat bago mag-reply. May nabulag na naman si Francis. Ha-ha-ha!

Kenjie:

Thanks. May boyfriend ka na?

Trixie:

Oo eh.

Kenjie:

Aww. Sayang naman. Sabagay, mas nakakapagtaka kung wala. Sa ganda mong 'yan ;)

Trixie:

Bolero ka naman.

Kenjie:

Hindi ah. Mukha bang biro na maganda ka talaga? Sabihin mo lang kung hindi ka maganda. Ha-ha-ha!

Trixie:

Sige na nga, tatanggapin ko nang maganda ako! Mapilit ka eh! Hi-hi-hi...

Napasapo ako sa noo ko. Kapal talaga ng mukha ng Trixie na ito. Talagang ang bilis niyang mauto ah? Parang mas magiging madali ang plano ko kaysa sa inaasahan. Parang sabik sa lalaki ang babaeng ito. Nakikipagkausap kahit sa hindi niya kilala. Tsk tsk tsk...

Kenjie:

Mahal mo ba boyfriend mo? Gusto mo tayo na lang eh. He-he-he...

Natagalan na naman bago mag-reply si Trixie. Bigla na naman tuloy akong na-praning. Wrong move yata na tinanong ko kaagad siya tungkol kay Jeremy. Baka magalit lang siya at hindi na mag-reply. Masyado yata akong mabilis at nakahalata yata siya na pinagloloko ko lang siya. Tsk.

Pero maya-maya ay biglang lumabas ang word na typing... Magre-reply din naman pala ang gaga.

Trixie:

Yeah. I'm in love with him. Mahal na mahal niya rin ako. Actually, hindi nga lang basta mahal eh. He's obsessed with me. Nakakaawa naman kung bigla ko na lang basta iwan. You know, baka magpakamatay! Kunsensya ko pa 'yun! Ha-ha-ha!

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. WTF! Gandang-ganda naman sa sarili niya ang babaeng ito! At si Jeremy pa talaga ang patay na patay sa kanya ah? Hiyang-hiya naman ako sa kanya! Si Jeremy na ubod ng handsome at sikat na sikat pa sa school dahil leader ng bandang kinababaliwan ng lahat ang patay na patay daw sa kanya? Huwaw! Lakas! Parang hindi yata ako makapaniwala!

19. The Girl Between Us (PUBLISHED BY LIFEBOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon