Chapter 7: Meet Up

2.3K 73 4
                                    

Hi guys! Sorry for the super late update! But I’m going to continue this story from now on. I decided to focus on one story at a time para naman may matapos ako. At ito iyong napili kong bigyan muna ng focus. I hope masuportahan ninyo ito by giving votes and comments. Thanks!

Chapter 7

“Meet Up”

Recording 1

"Hangin ka ba?"
"Hindi, bakit?"
"Kailangan kasi kita para mabuhay eh."

Recording 2
“Tornilyo ka ba? Kasi habang paikot-ikot ka sa isip ko, unti-unti karing bumabaon sa puso ko!”

Recording 3
“Google ka ba? Kasi lahat ng hinahanap ko, natagpuan ko na sa yo.”

Recording 4
"Pwede bang magpa-blood test? Para malaman mong type na type kita."

Recording 5
“Tower ka ba? Kasi Eiffel for you.”

IYON ang mga sunod-sunod na pick up lines na sinend ko kay Trixie. Kahit na hindi ko siya nakikita ay ramdam na ramdam ko na kilig na kilig ang gaga dahil nag-send din siya ng recordings na nagpapasalamat sa mga na-send ko sa kanya sa facebook. Gwapo raw pala ang boses ko. Natawa na lang ako. Kung alam niya lang na dinaya ko lang naman ang boses ko sa pamamagitan ng applications for android na ginawa ni Harmony sa Java class nila sa IT. Sisiw lang para kay Harmony na gawing parang pang-lalaki ang boses ko sa pamamagitan ng app na ginawa niya. Naisipan ko pang maghanap ng mga corny pick up lines sa google at hindi ko naman akalain na magugustuhan ni Trixie. Parang tuwang-tuwa ang gaga. Ha-ha-ha!

Trixie:
Thanks for making me happy, Kenjie. I didn't expect na mag-e-enjoy akong kausap ang isang tao na hindi ko naman kilala ng personal at nakakausap ko lang sa chat. Kahit papaano nakakalimutan ko ang problema ko.

Kenjie:
Problem? Bakit, ano bang problema mo?

Hindi sumagot si Trixie. Sa halip ay binago niya ang usapan.

Trixie:
I think it's time for us to meet, Kenjie. I want to see you. I want to see how handsome you are. Siguradong mas pogi ka kaysa sa pictures, Kenjie ;)

Natigilan ako sa biglaang message na iyon na bumulaga sa akin.
Kenjie:
You want to see me? How about Jeremy? Baka magselos 'yung boyfriend mo.

Trixie:
I’ll tell you everything about him when we see each other. May mga bagay akong hindi sinasabi sa ‘yo tungkol sa kanya. I think it’s time for you to know but I can’t just tell you here in facebook.

Iyon lang at nag-offline na si Trixie. Hindi na matapos ang kaba sa dibdib ko. My god, anong gagawin ko? Gusto na ni Trixie na mag-meet kami! Paano ko siyang imi-meet kung puro mukha naman ni Francheska ang nasa facebook na ginawa ko? Ito na yata ang pinakamabigat na problemang kaakibat ng pagpapanggap ko.
“Hoy! Para kang na-aswang diyan!”
“Ay palaka!” napatili ako nang biglang lumitaw sa likuran ko si Harmony. Pumasok na naman siya nang walang paalam sa kwarto ko at hindi ko na naman naramdaman! Kaunti na lang talaga ay mapagkakamalan ko nang ninja itong kapatid ko e!
“Si Trixie! She wants us to meet! What should I do? Malalaman niya na hindi talaga totoo si Kenjie! Paano na ‘yung plano ko?” tarantang-tarantang sabi ko.
“Nako, mukhang problema nga ‘yan ah? Pero pwede ba at huwag kang mag-panic dahil hindi rin naman makakatulong ‘yang ikinikilos mo sa problema mo e. Ikaw naman kasi, sinabi ko sa ‘yo dati magpanggap ka na lang na lalaki. Syempre, darating ang araw na hahanapin at hahanapin niyan si Francis na ngayon ay Francheska na! Baka magulat ‘yan si Trixie na mas maganda pa sa kanya si Francheska! Ha-ha-ha!” pang-aasar lang lalo ni Harmony.
“At sa tingin mo ay naitulong din iyang paninisi mo sa akin? Ano ang gagawin ko?!” Lalo lang akong natuliro.
“Senyorita Harmony, Senyorita Serenity! Pinatatawag po kayo nina Senyor Greg at Senyora Vanessa, mayroon daw pong biglaang dumating na bisita!” pagkatok sa kwarto ko ni Yaya Gelai.
“Sige, susunod na!” sabi ko na lang para lang maitaboy ang katulong. Baka mamaya ay marinig pa niya ang pinag-uusapan namin ni Harmony e.
“Pag-usapan natin ang problema mamaya, Harmony. Kayo ang may kasalanan nito ni Ate Lyrica eh! Pinagpanggap ninyo pa kasi akong lalaki!” paninisi ko.
Nagmake-face lang si Harmony at sumunod na sa akin pababa.
“Mga sisteret! Na-miss ko kayoooo!!!” Nagulat kami ni Harmony nang pagbaba namin ay mayroong sumalubong ng yakap sa amin.
Si Francis aka Francheska na umuwi galing sa France! Para ba itong hinulog ng langit na dumating sa oras ng kagipitan ko.
Nagkatinginan kami ni Harmony. Solve ang problema ko!

19. The Girl Between Us (PUBLISHED BY LIFEBOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon