Y/N's pov
Naglalakad ako papunta sa Accounting ng school para makabayad ng tution ko. Tumingin ako sa relo ko at napansin ko na 2:27p.m na kaya nagmadali na akong maglakad dahil magsasara ang Accounting kapag 3p.m na.
Maya-maya pa ay nabunggo akong tao. Hindi ko na tinignan ang mukha ng taong nabunggo ko at nagderetso lang ako pero napansin ko na lalaki siya dahil sa kasuotan niya at sa bango niya din.
Nakabayad na ako ng mga dapat bayarin dito sa school na nilipatan ko kaya parang 'official' na student na ako dito. Kinabukasan may klase na agad like nagulat ako nung inannounce yun ng Student Council dito pero wala na akong magagawa, hindi naman ako may ari ng school soooo meh.
Bigla akong nagutom habang naglalakad para tignan sana ang magiging room ko dito sa SHS building kaya
dumeretso na lang ako sa canteen. Inobserbahan ko ang canteen at mukhang malaki ito at napansin ko na may mga lugar sa labas ng canteen na kung saan pwedeng kumain at nasiyahan naman ako nang malaman ko na may parang pa'rooftop' o balcony sa taas nito.(School used: The National Teachers College)
Nakakuha na ako ng makakain pero habang ingat na ingat ako sa hawak kong inumin, may nabunggo ulit akong lalaki. Tinignan ko siya sa mukha at parang nagwapuhan ako sa kanya. 'Marupok ako eh, peace yo.'
"Miss, pamilyar ka sakin." Nagulat ako nang marinig ko ang malalim na boses ni kuya pogi.
"Ano i-ibig niyong sabihin?"
"Ikaw yung nakabunggo sakin kanina sa Accounting." Lumaki mata ko nang sinabi niya sakin na siya yung lalaki mula kanina tapos bumaba tingin ko sa puti niyang damit kaya lalo akong nagulat.
"Yung d-damit niyo po.. N-natabunan ko ata ng inumin ko.. S-sorry po, k-kuya." Paghingi ko ng tawad sa kanya habang nagba-bow sa kanya.
"HAHAHA! Naku! Hayaan mo na yan, miss. May damit naman ako sa bag. Ayos lang yan HAHAHA. Tsaka may tanong pa ako."
"S-sige..umm upo tayo sa 2nd floor.. S-sorry talaga..nakakahiya eh.."
"Ayos nga lang! HAHAHA!"
At habang naghahanap siya ng mauupuan natin hindi ko mapigilan isipin na 'ang gwapo niya, ang bango niya, ang lalim ng boses, ang ayos tignan at ang bait pa..'
Maya maya pa ay nakahanap ka na ng upuan at doon tayo umupo. Tinignan mo ako at nginitian kaya napaiwas ako nang tingin.
"Nakalimutan ko atang magpakilala.. Sorry, miss hehe... Ako nga pala si Lucas Matthew S. Mendez, 16 years old and Grade 11 dito sa school na ito simula bukas hehe. Dito na nag aral since elem days. How about you, Miss Beauty?" Pagpakilala niya sa sarili niya.
'Miss beauty.. Hehe enebe nemen yen'
"Mukhang mayaman kayo, Lucas?" Tanong ko na tumango lang siya dahil inaantay pagpapakilala ko. "Ako si Y/N.. 15 years old. Maggrade 11 din dito simula bukas. Bagong lipat lang ako..h-hehe" Maikling introduction ko sa kanya.
"Ahh transferee ka lang? So alam mo na ba yung iba't ibang building dito?" Umiiling ako. "Pwedeng ako ang magtour sayo dito. Total, ako naman talaga taga-tour sa mga bagong lipat dito dahil sa tagal ko na dito. Haha."