~Flashback~
"A-ayoko na.. Kasalanan ko lahat ng ito eh. Lagi na l-lang ako.. W-wala akong kwentang a-anak. Wala akong silbe.." Unti-unti akong lumapit sa dulo ng border at sumampa ako dito.
Umurong pa ako ng kaunti para konti na lang makakatalon na ako at tapusin na ang walang kwenta kong buhay na ito. Ang mga braso ko ay puno ng mga hiwa, yung iba ay sariwa pa. Marami na akong nainom na gamot na bawal.
"I-ito na ang tamang p-panahon para mamatay n-na ako. Mahal na m-mahal ko n-naman sila.. P-pero bakit g-ganito? Haha.." Uminom muli ako ng gamot atlalong lumapit pa sa dulo.
"S-sorry na lan-"
"A-anak! Huwag mong gagawin yan!" Tumalikod ako para makita ko ang nanay ko na pinipigilan ako. Tumakbo siya papalapit sakin at hinahatak niya ako pababa. "P-please lang... Mahal na mahal ka namin ng mga kapatid mo.."
'Yes, wala na si papa tapos dumagdag pa ito.'
"Hindi ba ayaw niyo sa walang kwentang anak? Ito na oh. Tatalon na lang ako at mawawala na yung walang kwenta niyong anak." Tinignan ko siya habang hawak niya kamay ko.
"A-anak pasensya na sa mga sinabi ko sayo...S-stress lang ako kaya ko nasabi yun sayo at dahil na din sa pagkawala ng tatay mo.. Pasensya na kung nadamay kita pero anak, wag kang tatalon.. Ayaw pa naming mawala ka.. Mahal na mahal ka namin. Pasensya na, anak" Tuluyan niya na akong nahila pababa at niyakap ako nang mahigpit.
"Anak, pasensya na talaga. Mahal na mahal kita.. Tigil mo na mga balak mong mga ganyan.. Pag-aaral kita ulit sa bagong school para... Maayos na lagay mo.. Anak, mahal na mahal ka namin... Ayusin mo na ito.. Ayusin na natin ito.." At niyakap ko siya nang mahigpit.
"M-ma.. Sorry.. Nadala lang a-ako..sorry ma.. Mahal na mahal din kita.. Sorry n-na.."
~End of Flashback~
"Miss! Stand up right now!" Narinig kong sabi ni Sir sakin. Nakalimutan ko na first day na ngayon at nasa klase na pala ako. Nadala lang ata ako ng mga nakaraan ko.. "Go in front, Miss!"
"S-sorry po, Sir.."
"Naiintindihan mo ba mga sinabi ko kanina?!"
"P-po?"
"Ayan! First day palang and you are not listening to what I am saying!"
Sigaw sakin ni Sir habang naririnig ko mga kaklase ko na palihim na tumatawa. Nakaramdam ako ng hiya.
"I will repeat everything I had said earlier:
Rules!
-No talking while the teacher is teaching!
-Speak English everytime! You can speak Tagalog for short time only, ONLY.
-Bawal tulala!" Tinignan ako ni Sir at yumuko na lang ako.
"Bawal din ang mga lat-"
"Good m-morning po, Sir.. Sorry I'm late.." Pagtingin ko sa pintuan nakita ko si.. Matmat?!