Sige sigawan mo pa ako!
inis na sabi ko dito habang naghahakot ng damit para lumayas yes almost 6months kasi kmi live in..
hindi kita sinisigawan nagpapaliwanag ako! please makinig kanaman!! wag puro galit!
at hinawakan nya braso ko ng mahigpit parang gigil na gigil sa ginagawa kung pahahakot.
bitawan mo ako masakit at pwede ba wag mo ako pigilan!!
p*t*n*g *na naman!!! hindi kaba titigil napipikon na ako !!!! ang sabi ko pakinggan mo muna paliwanag ko!!!!
tinulak nya ako ng malakas at nahagyang na paupo ako sa sahig, at tinapon nya isa isa ang hinahakot kung gamit. napapaluha na ako sa ginawa niya.
ano! iiwan mo ako! tapos ano!!!!! punong puno na ako sa pagka tamang hinala mo! bwisitttt!!!
imbis na ako magalit , sya ang galit na galit na parang hindi na niya alam na nakakasakit na siya. at hindi nya kayang aminin ang panloloko ginagawa niya.
oo punong puno nadin ako sa pagkasinungaling mo at panloloko mo isa pa wala kang karapatang saktan ako!!
letse ka pala !!! (sinampal at tinadyakan nya ako ng malakas) wala ako karapatan taena mo pala eh! may karapatan ako kasi akin ka! tandaan mo akin ka! pinapalamon kita at kahit patayin pa kita akin ka! ano lalayas kapa!
pananakot at pananakit ang tanging ginawa nya sakin wala ako ginawa kundi umiyak ng umiyak. hindi ko akalain namasasaktan niya ako ng ganoon para siyang halimaw kung magalit , wala ako laban sa lakas niya.
sige ibalik mo mga damit mo at magayos ka! magtangka kapa umalis o iwan ako hindi lang yan matitikman mo.
ayon lang ang huli niyang sinabi bago sya lumabas ng kwarto at tanging nakaupo lang ako sa isang sulok at umiiyak.
(FLSHBACK)
honey may pupuntahan lang ako importante kasi
para san ba yan?
sa trabaho basta wait mo ako sa bahay magluto ka maya para sa dinner tatawagan kita.
okay ingat.
sabay halik nya sa pisngi ko at tuluyan na umalis
im Yani Reyes girlfriend ni alfred gomez
ding dong! ding dong!
wait nanjan na,
dalidali binuksan ang pinto
oh kamusta yani.
oh kaylan kapa nakabalik dito sa pinas okay lang ako, ikaw Hesse tuloy ka..
okay lang maganda padin hehe lastweek lang ako nakauwi ayun hinanap ko agad kung saan kana nakatira kasi almost 6years na tayo hindi nagkikita
Si Hesse dollor pala ang nagiisang kababata at true friend ko highschool hanggang college kaso doon nya tinapos pagAaral nya sa u.s at huling kita namin noon inamin nya na isa syang bisexual kasi mas lamang daw ang pagibig nya sa isang babae kaysa sa lalaki, kaya dahil friend nya ako, sa umpisa hindi makapaniwala kasi simula ko palang naging fren tong si Hesse mas babaeng babae pa nga sya sakin kaya nagulat lang ako sa nalaman ko sakanya, pero katagalan tinanggap ko naman kung ano siya at wala masama kung ano ang gusto niya basta kaibigan ko padin sya at ako straight at alam nya madami na ako naging boyfriend kaya kapag tinatanong ako ni Hesse kung nagkakagusto din ako sa babae sabi ko crush lang pero hindi na hihigit dun, kasi mas lamang sakin dati ang pagibig ko sa lalaki.. pero hindi ko din masabi kasi takot ako maging tulad ni Hesse kasi duwag akung tao at gusto ko mapagmalaki ako ng parents ko na mapapangasawa ako ng gwapong lalaki at kaya ako buhayin.
BINABASA MO ANG
Because of you (Girlxgirl Short story)
RomanceHindi mo kaylangan maghintay o maghanap ng taong magmamahal sayo ng totoo kahit ilan beses kapang masaktan ng kung sino sino. may darating at darating talaga sayong taong makakapagbago ng buhay mo.