CHAPTER ONE

14 0 0
                                    

CHAPTER ONE

ALL BLACK CLOTHES
BLACK BOOTS
BLACK BACKPACK

Iginala ko ang tingin ko sa mga damit na nakapatong sa kama. 6:30 pa lang ng umaga at katatapos ko lang maligo nang bumungad sa akin ang mga ito. I guess I will wear all black for my get up. Hindi na ako nagtaka, mukha daw akong alagad ng kulto sabi ni Johnny.

Speaking of Johnny, lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kwarto niya. Maingat akong kumatok dahil may kailangan akong tanungin bago kami umalis ng bahay.

Unang katok palang ay bumukas na ang pinto at isang bagong gising na Johnny ang dumungaw, "Ano?"tinatamad na tanong niya at naghikab pa.

"Anong oras tayo aalis?"

Tumingin muna siya sa wristwatch niya pagkatapos ay sa akin, "8:00 since 8:30 raw ang flag ceremony. Pakigising nga ng batugan 'don sa taas."tukoy nito sa isa naming kasama na si Lucas.

I rolled my eyes, as if naman siya hindi batugan. Kagigising niya lang nga din eh.

I went upstairs para tawagin si Lucas. He's our younger cousin and yes, Johnny is my kuya but I don't like to call him kuya because that'll be awkward, 'di kami close eh. At si Lucas lang ang tanging nakakapagpabuhay ng bahay dahil parehas kaming bato ni Johnny. Hindi kami nagpapansinan hindi dahil sa magkaaway kami oh ano, siguro hindi lang namin matagalan ang isa't isa.

Kumatok ako ng ilang beses pero walang response. Natusta na ba si Lucas sa loob ng kuwarto niya?

Huminga muna ako ng malalim at sinipa ng buong lakas ang pinto niya. Gulat namang napalingon si Lucas na kasalukuyang nag aahit ng kung ano mang inaahit niya.

"You don't know how to knock, man?"inis na tanong nito at nag gesture pa na parang takang taka siya.

Umirap ako, "Hello? Nakailang katok na ako at halos magkaroon na ng kalyo ang knuckle ko kakakatok kaya pinuwersa ko na kasi akala ko namatay ka na."

I saw his jaw dropped, "My gosh man! Me? Died? No freaking way man! Sayang ang kagwapuhan ko kung hindi ko maipapalaganap."mayabang na sagot nito.

I forgot to mention na si Lucas Wong ang pinaka mahangin na tao sa mundo. Mahihiya ang PAG-ASA sa sobrang lakas ng hangin at bagyong dala niya. Mahihiya din si Justin Bieber sa sobrang pag lolove yourself niya sa sarili niya. Pero infairness, nasanay na ako sa kaniya kahit paminsan minsan ay nababara at nasasapak ko siya sa mukha.

"Bilisan mo na diyan at baka mahuli tayo."sabi ko na lang at sinira ang pintuan ng kuwarto niya. Bumalik na lang ako sa kuwarto ko para mag last minute re touch at pagkatapos ay dumirecho na ng sala para hintayin sila.

Puro files lang ang nakikita ko at ang apat na tasa ng kape na nakapatong sa lamesa. Kinuha ko ang isang tasa at ininom iyon habang wala pa sila.

"Nasaan na sila John?"tanong ng boses sa gilid ko. Kitang kita sa peripheral vision ko ang palapit nito sa pinaglalagyan ng condiments at kinuha ang isang bote ng black pepper.

Pinatong ko ang tasa at hinarap siya, "Naghahanda pa. Saan ba kami papasok?"

"Hintayin mo na lang sila para isang paliwanagan na lang."sagot nito at ibinigay sa akin ang isang platito ng pansit na nilagyan nito ng konting paminta.

It's our first day of school today. Unlike typical students, hindi ako excited para 'don. Ako na yata ang pinakatamad-- well next to Lucas pagdating sa pag aaral at kabaliktaran 'non si Johnny. He's always attentive at sa aming tatlo siya lang talaga ang interesado na magkaroon ng diploma.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

2000 And 1 ReasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon