"Para kay Kuya" Ikalawang Yugto: Ang muling pagkikita.

50 0 0
                                    

Sa loob ng malaki at maingay na Unibersidad ay nag lalakad si Mae patungo sa kanyang unang klase. Biglang maykumapit sa kanyang balikat. Nagulat ang dalaga at nasampal niya ito.

“Aray!”

Humingi ng pasensya si Mae

“Naku pasensya na, ikaw pala yan kuya Mark.” Sabi ni Mae

“Ang lakas mo palang sumampal, hehe” napakapit sa pisngi si Mark.

“Kuya Mark pasensya talaga.”

Hiyang hiya si Mae at halos mamula ng sobra ang kanyang mukha.

“Ayaw ko kasi ng biglang hinahawakan ang balikat ko, pasensya talaga kuya Mark”

“Huwag mo ng intindihin yun, hindi naman ganun kasakit. Sobrang sakit lang, hehehe” nagpapatawa pang sabi ni Mark.

Sabay nang naglakad ang dalawa patungo sa klase ni Mae. Sa kanilang paglalakad ay may mga bagay na napagkwentuhan sila tungkol sa mga buhay nila nung nasa high school pa sila.

“Mae, ito na yung room niyo.”

“Salamat po kuya Mark.” Sagot ni Mae

“Ay, oo nga pala. Aasahan kita mamaya sa auditions sa grupo naming ha.”

“naku kuya Mark, parang ayaw ko ata dun. Hindi ako performer eh”

“Yun na lang ang ganti ko sa pagsampal mo sa akin. Hehe” sabi ni Mark kay Mae.

“Sige na. Asahan kita mamaya. Bye”

Napakaway na lang si Mae sa papalayong si Mark. Lumapit na si Acel kay Mae.

“Mae, halika na nandito na si Prof.” pagyaya ni Acel kay Mae.

“Ok” sagot ni Mae

“Bakit ba parang luting ka?” tanong ni Acel

“Wala lang, halika na nga” sagot ni Mae.

Hinila na ni Mae si Acel papasok sa class room nila. Lumipas ang ilang oras at tumunog na ang pinakahihintay ng lahat ang bell na hudyat na tapos na ang klase nila. Tumayo na sina Mae at Acel. Bigla silang tinawag ng kanilang Prof.

“Ms. Paras and Ms. Cruz, can I talk to you for a second?” tanong ng kanilang Prof.

“Bakit po?” tanong ng dalawa.

“May ipapagawa kasi ako sa inyo, pwede ba?” sabi ng kanilang Prof.

“Ok lang po” sagot naman ng dalawa.

Inabot ng halos isang oras ang paguusap ng dalawa sa kanilang Professor. Nang matapos ang kanilang pag uusap, sina Mae at Acel ay nagpaalam na sa kanilang Professor. Sa paglalakad ng dalawa biglang napatigil si Mae.

“Hala, nakalimutan ko” nag aalala si Mae.

“Ano yun?” tanong ni Acel.

“Sige na mauna ka na. Baka maka abot pa ako” sabi ni Mae kay Acel.

“ Sama ako.” Sabi ni Mae.

Tumakbo na ang dalawa patungo sa Auditorium ng kanilang Unubersidad. Nagtataka pa din si Acel kung bakit sila nagmamadali ni Mae.

Nakarating din ang dalawa sa pinto ng Auditorium.

“O Mae, bakit ngayon ka lang?” tanong ni Mark, “kasama mo pala si Acel”

“Kuya Mark pasensya na, may ginawa pa kasi kami eh” humingi ng patawad si Mae.

“Ok lang yun. Nasaan na yung form mo?” tanong ni Mark kay Mae

“Ano ba ang meron” pagtataka ni Acel.

“Ngayon na yung audition para sa org naming, Sali ka din” sagot ni Mark kay Acel

Inabot na ni Mae ang kanyang form at binigyan siya ng numero ni Mark para sa Audiotion. Sinamahan ni Mark sina Mae at Acel papasok ng Auditorium patungo sa kanilang upuan.

Kitang kita ang kaba sa mukha ni Mae. Hinawakan ni Mark ang kamay ni Mae na napaka lamig.

“Huwag kang kabahan, kaya mo yan.” Nakangiting sabi ni Mark kay Mae.

Kilig na kilig si Mae sa mga pangyayari, kaya lang nilalamon pa din siya ng kaba. Pulang pula ang mukha ni Mae sa hiya at kilig. Hindi pa din binitawan ni Mae ang kamay ni Mark hanggan sa siya na ang tawagin para mag audition

"Para kay Kuya" Ikalawang Yugto: Ang  muling pagkikita.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon