Ikatlong Yugto: Ang awit ng Nagmamahal

28 0 0
                                    

Tinawag na si Mae sa stage dahil siya na ang magpeperform. Dahan dahang naglakad si Mae at kitang kita sa kanyang mukaha ang kaba at takot. Nang siya ay nakarating na sa gitna ng stage.

“Ano ang talent mo Mae?” tanong ng isa sa mga tagapagsala ng mga sasali.

“Kakanta po ako” sagot ni Mae

“Ok sige.”

Hindi agad maka kanta si Mae dahil siya ay talagang kinakabahan at nanginginig na ang kanyang mga tuhod.

“Mae, kanta na po.” Sabi ng isa sa mga tagapag sala.

Kahit kinakabahan ay nagsimula ng kumanta si Mae. Habang kumakanta si Mae ay nakatingin siya sa lugar kung saan naka upo sina Mark at Acel. Biglang napatigil si Mae sa pagkanta dahil may nakita siyang ikinalungkot niya.

Si Mark ay may kasamang babae at sila ay magkahawak pa ang kamay.

“Mae, bakit ka tumigil?” tanong ng isa sa mga tagapag sala.

“Wala po. Sir, pwede nap o ba akong bumaba ng stage?” tanong ng halos paluha ng si Mae.

“Sige ok na yung ginawa mo, magaling. Hintayin mo na lang kung tatawagan ka namin.”

“Salamat po.” Sabi ni Mae.

Bumaba na ng stage si Mae at sinalubong siya ni Mark kasama ang babae.

“Mae, ang galing mo palang kumanta.” Sabi ni Mark kay Mae

“Salamat po kuya Mark.” Sagot ni Mae

“Mae ito nga pala si Jackie.” Pinakilala ni Mark ang kasamang babae.

“Girlfriend mo po?” tanong ni Mae

“Ito? Hindi no!” biglang natawa si Mark. “Pinsan ko kaya siya.”

“Hi Mae, nice meeting you. Ang galing ng ginawa mo. Sure na makakasali ka sa org namin” sabi ni Jackie kay Mae.

Napangiti na lang basta si Mae dahil hindi pala girlfriend ni Mark si Jackie.

“Salamat po Ate Jackie” sabi ni Mae.

“Huwag mo na akong tawaging ate. Jackie na lang”

“Ok po Jackie.” Napatawa si Mae.

Lumapit na si Acel kina Mae at Mark at niyaya na niya si Mae na umuwi na dahil gumagabi na.

Nang palabas na ang dalawa ng Auditorium may lumapit kay Mae.

“Mae, sandali lang.” Sabi ng isang lalaki.

“Bakit po?” tanong ni Mae.

“Ako nga pala si Erik. Ako ang Presidente ng org na ito” pakilala ng lalake

“Ok po, bakit po ba?” tanong ulit ng dalaga

“Hindi na kasi makapaghihitay ito. Gusto ko lang sabihin na pasok ka na sa grupo namin.” Sabi ni Erik

“At makakasama ka na sa unang concert naming sa taong ito”

“ganun po ba?” tanong ni Mae na nakangiti sa saya.

“May meeting nga pala tayo bukas. Attend ka na lang dun. Nasa amin naman ang number mo text ka na lang naming para sa ibang info.” Sabi ni Erik

“Ok po, salamat po.” Sagot ni Mae.

“Congrats Mae at kasama ka na namin sa org naming.” Sabi ni Mark kay Mae

“Oo nga kuya. Hehe.” Sagot ni Mae kay Mark.

Naglakad nang sabay sabay sila palabas ng  kanilang unibersidad.

“Sige na Mae at Acel. Dito daan namin ni Jackie.”

“Sige po kuya Mark, ingat po kayo.”

Naglakad na sina Mark at Jackie palayo sa dalawa.

“Ang cute talaga ni Kuya Mark, crush ko na talaga siya.” Pabulong na sabi ni Mae

“Anong sabi mo Mae?” tanong ni Acel

“wala yun.” Sagot ni Mae

“Mae ano nga yun? Ang tagal na nating magkasama naglilihim ka pa sa akin.” Patampong sabi ni Ace;.

“Sige na nga sasabihin ko na nga.” Sabi ni Mae

Akmang sasabihin na ni Mae ang kanyang sikreto kay Acel ng bigla siyang tumakbo na palayo.

“Habulin mo muna ako, bago ko sabihin sa iyo.” Tumakbo ng mabilis na si Mae.

“Ang daya mo naman Mae eh!” Hinabol Acel ang kaibigan.

"Para kay Kuya" Ikalawang Yugto: Ang  muling pagkikita.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon