MANILA, PHILIPPINES - NOV 10 20XX
parang nawawalang aso akong gumagala sa airport, hinahanap ang tita ko na sa mga litrato at storya ko lang nakilala. nagsisimula na akong mag-alala na baka hindi ako makita at mawawala ako sa pilipinas. malapit na akong sumuko sa paghahanap nang nakita ko ang isang tarheta kungsaan nakasulat ang pangalan ko. ang may hawak ng tarheta ay isang maliit na nakatatandang babae na tila naghahanap rin.
inilabas ko ang cellphone ko at hinanap ko ang litrato ng aking tita Maya. siya nga! nagmamadali akong lumapit sa kanya at kumaway.
sa sandaling nakita niya ako ay ngumiti siya ng malaki at sinalubong ako ng yakap. "Amihan, kamusta ka 'nak? grabe! ang laki mo na kumpara noong huling pagkikita natin!" wika niya. napatawa nalang ako at umiling. "mabuti naman ikaw? kamusta ang biyahe?" ang tanong niya saakin
mabilis ko siyang sinagot, "maayos naman po tiya"
"ay naku! tara na at baka pagod ka na sa biyahe galing amerika, bilis at baka abutin pa tayo ng trapik sa edsa" dali-dali niya akong hinila papunta sa labas ng NAIA at pumara ng taxi.
habang nakaupo sa loob ng taxi ay halos kainin na ako ng kaba pero naramdaman ko ang mahinihin na kamay ni tiya sa balikat ko "my problema ba miha? nanginginig ka" wika niya na may pag-aalala.
napailing ako at sumagot na, "wala po, ok lang ako"
pero alam ko na hindi niya ito pinaniniwalaan. "miha... alam mo na pwede mo nanman akong kausapin diba?" imik niya, "tunkol ba ito sa dahilan kung bakit ka nandito? alam mo naman na iniisip ng mga magulang mo ang mabiuti para sa iyo"
alam ko iyon pero sa aking puso ay hindi ko parin mahanap na maintindihan kung bakit pa nila kailangan na pauwiin ako sa pilipinas. iniisip ko ito pero di ako nagsalita.
hindi na umimik pa si tiya maya at nirespeto niya ang na hindi ko gustong pagusapan ngayon ang mga bagay na iyon. kalaunan ay nakarating kami sa bahay ni tiya. ang bahay ni tiya ay hindi gaanong magarbo o malaki kumpara sa bahay namin sa amerika pero malinis at maaliwalas ito, sapat lamang sa tiya ko na namumuhay magisa.
"sige pasok, maupo ka muna at maghahanda ako ng miryenda. sandali lang ha?" sinabi ni tiya maya at pumasok siya sa kuwartong palagay ko ay ang kusina.
nang maiwan ako sa sala ay wala akong ibang magawa kundi pagmasdan ang malinis at masinop na sala. ang isang pader ay may istanteng puno ng mga libro at may telibisyon, sa isang pader naman ay may isa pang estante na may mga medalya, tropeo at certificates. nakita ko ang mga litrato sa kabilang pader. mga litrato ng pamilya ni tita, ang asawa niya at ang kanyang tatlong anak.
naalala ko noong sinabi saakin ni ina ang sitwasyon ni tiya, napagaral at nakapagtapos niya ang kanyang tatlong anak pero kalaunan rin ay namatay si tito jo at naiwan mag isa si tiya.
"ah, napansin mo iyan." wika ni tiya sa pag balik niya at siguro nakita niya akong nakatingin sa mga litrato "ang mga pinsan mo ay may mga sariling pamilya na miha. pero madalas ko parin sila nakikita" ngumiti siya sakin at inilatag ang juice at pagkain sa lamesa.
"salamat po tiya" sinabi ko habang kumukuha ng empanada. "ano po ba ang mga gagawin ko habang naandito ako?" tanong ko
"tutulungan mo lang naman ako sa mga gawaing bahay at kung papalaain ay makakuha ka ng trabaho kahit maliit lamang. sabi ng ama mo ay ayusin kita" tummawa si tiya, "ay naku! iyong kapatid ko na iyon talaga! sobra sa pagka-strikto!"
medyo tumawa rin ako "oo nga po tiya"
"siya, bukas na natin yan pag-aalahanan. pagod ka pa, pagkatapos mo kumain ay doon ka muna sa kuwarto ng pinsang erik mo. iyon yung unang kwarto sa kaliwa. maiwan na muna kita at mamamalenke pa ako para sa hapunan" kumuha ng payong si tita at lumabas ng bahay.
matapos ang ilang minuto at ilang empanada ay nagtungo na ako sa kuwarto ni erik kung saan ako muna matutulog. ang kuwarto ni kuya erik ay kaunti ang laman, palagay ko ay dahil matagal nang hindi nakatira dito. pero ang mga gamit dito ay tila may kasamang memorya, mga litrato ni erik na luma, laruan at mga pinta at litrato na naka-frame.
nang maayos ko na ang aking mga gamit, humiga ako sa malambot na kama at dahil sa pagod ay mabilis na nakatulog. nananaginip ng gunamgunam tunkol sa kinahaharap ko sa bayang kay tagal ko nang huling natungtungan.
-------------x
-w-
YOU ARE READING
PARALUMAN
General Fictionkung magbabalik tanaw ako at nakilala ang sarili ko noon, aakalain ko ba na mararating ko kung ano ako ngayon? siguro ay mapapatawa nalang ako, di kailan man maiisipan ko na may maabot pala ako. pero andito ako ngayon, isang patunay ng tagumpay. lah...